Sa totoong buhay, wala naman talaga black swan pero kung iisipin natin mabuti ang black swan ay hindi isang hayop.
Ang black swan ay isang pangyayari sa buhay natin na hindi natin ineexpect na mangyayari, yung feeling na biglaan, bakit ganito ang nangyari, hindi naman dapat ganito, wala sa gawain ko ang pangyayari na ito.
Nakakalito pero totoo ang black swan ay sumisimbolo ng unexpected things gaya ng hindi mo inaasahan na mangyayari nalang bigla. Mga bagay na hindi mo naman talaga iniisip pero mangyayari sayo. Mga bagay na wala kang paki alam pero magugustuhan mo dahil sa isang bagay.
Parang sa isang tao na hindi mo inaakala na makikilala mo at makakasama ng panadalian o pang habang buhay.
Mga naniniwala dito ay kadalasan yung mga taong malalim ang iniisip at wala masyadong nakaka usap. mga introvert kumbaga yung parang may sakit na anxiety at depression. Mga malulungkot ang buhay, mas pinipiling mag isa.
So ayon kung naintindihan niyo hahaha ang cool diba, nalaman ko lang ang black swan sa isang movie. Tinamaan kasi ako ng black swan o may nangyari sakin na tinatawag na black swan. Hindi ko talaga inaasahn na mag kaka ganito ako.
hindi talaga natin maiiwasan ang black swan na yan sa part ng ating buhay kaya ako ang isa sa pinaka paborito kong motto ay ang expect the un expected. SA buhay natin ay sadyang ganyan lang talaga at tanging ang diyos lang ang nkaka alam ng mga pangyayari sa ating buhay kumbaga pag ka panganak mo pa lng or sanggol ka pa lng nka sulat na or nka tadhana na ang pangyayari sa iyong buhay.