May bago na naman po tayong segment na tatawagin nating... Salad Saturdays just to make up with my Five Senses Fridays na hindi ko nagagawa 2 weeks in a row na. And I apologize for that. I will do my best this upcoming week na makapagpost!
Why Salad Saturdays? Or why do you call it Salad Saturdays? Uhmmm basically random things lang itong isusulat ko. Parang salad, na random gulays ang nakalagay. Tapos Saturday ngayon. Hence the title.
Anywaaayyy...
Madami dami rin akong ganap these past weeks. Pero isa pa lang yung nai-share ko sa karamihan. You might want to check it out if you're interested.
So ayun na nga... May mga gagawin pa ako kaya isisingit ko lang din to. Baka makalimutan ko ng tuluyan yung mga bet kong i-share.
BINANCE
Nag install ako ng Binance kase nakikita ko dito sa read na may mga nagsusulat tungkol doon. Hindi ko pa fully nababasa at naaaral paano gamitin to pero nag install ako. SInubukan ko naman sya i-figure out pero litong lito pa rin ako sa kanya. Kaya tingin ko kelangan ko ng masusing reasearch at pag aaral paano ko gagamitin to. Ang gusto ko kase yung mga naiipon ko na tips from noise and read eh medjo may paglagyan tapos iiinvest(?) o ite-trade(?) para kahit paano madiscover ko lang paano ang kalakaran ng cryptocurrency and trading and among other things.
LALISA
Disclaimer lang na hindi ako hard core na Blackpink fan ha. Pero juskooooo! Nung ni-release ni mare mo Lisa tong Lalisa eh ILANG WEEKS AKONG LSS! Hanggang ngayon! Kulang na lang aralin ko choreography neto charot HAHAHAHHA! Mas may impact to sa akin kesa sa Solo ni Jennie at On The Ground ni Rose. Sana si Jisoo may solo ren.
SQUID GAME
Nung una, ayoko panoorin kase mabilis ako mataranta pag ganitong klase ng TV series or movies ang papanoorin ko. Chaka wala akong tiyaga sa series na tig 1 hr halos per episode. Pero naging exemption 'to kase kasama ko asawa ko manood neto. Ang ginawa namin para hindi ako ma-overwhelm masyado sa mga pangyayari eh every episode, nagbibreak kame. Sakto naglalaba ako nung araw na yon so after every episode, sampay.
Siguro naman alam naman na ng karamihan yung hype ng nasabing series. And in fair, maganda sya for me. Nainis lang ako sa ending nya. Actually dun sa ginawa ni Gi-hun sa last episode ako nainis. Bastaaaaa panoorin nyo na lang.
NEW WORK, NEW ME!
Charot lang yung new me. Hahahaha! Pero yes, after a year of being unemployed, I got a job again! I can't believe it at first. Kase sa isang taon, halos yung mga interview ko eh lagi ako hindi nakakapasa. Parang naisip ko na noon na yung mga job interviews ko, naging routine ko na lang na magpapainterview ako then after ng interview, hindi ako pasado. Tuwing may failed interviews ako, inaaral ko kung ano yung mali ko tapos sinusulat ko yung dapat ko na sagot sa question na yon if ever maeencounter ko sya ulet. Eh nakikinig pala asawa ko minsan sa mga interviews ko. So binigyan nya ako ng tips. Yung huling tips nya yung sobrang nakatulong sa akin. Sabi nga ren ng isa ko pang kaibigan, pag interview talaga, i-sell out mo sarili mo and prove them na ikaw ang dapat na nasa position na iyon. And so I did it. It worked naman! Di ko lang inexpect talaga. Thank you Lord sa opportunity!
WRITER'S BLOCK
Hindi ko alam kung maike-claim ko na "writer" ako to experience this. Pero ayun nga, nung mga nakaraang weeks nga bukod sa occupied ako sa preparation sa mga job interviews, eh wala akong maisip talaga na maisulat na something interesting or kung ano man na topic. Hindi ko ren naipush through yung Five Sense Friday ko kase kulang sya at hindi ko talaga maisingit. Kaya bilib ako sa iba dito sa read na nakakapagpost ng articles almost everyday eh. Hindi sila nauubusan ng ideas. Kudos to you!
HITMAN 2, RED DEAD REDEMPTION 2, AT PLAYSTATION NETWORK PLUS MEMBERSHIP RENEWAL
Siguro ito yung mako-consider ko na budols ko for September? Hehehe! Yung Hitman 2, libre naman sya na download kung naka PSN Plus ka na membership. Eh kaso, natapos ren yung PSN Plus membership ko netong nakaraan, so hindi ko sya malaro. Kailangan ko irenew membership ko kaya ayan, nagrenew ako ng pang isang taon ulet.
Si RDR2 naman, binili ko sa Datablitz out of impulse. Kase ang dapat kong bibilhin eh yung expansion pack ng The Sims 4. Kaso sabi ni kuya, karamihan online at downloadables mo na sya mabibili. Kaya para hindi mapahiya, bumili ako ng ibang game. Matagal ko na rin gusto laruin yung RDR2 kaya binili ko na. Sana may time ako para matapos tong mga pending games ko.
CUTTING MY OWN HAIR
Naisipan ko na gupitin na yung sarili kong buhok for the following reasons:
Dry na yung dulo ng buhok ko dahil bleached sya
Nag ECQ nung nakaraan in which salons are closed
Hindi na ako makaantay dahil ang haba na ng buhok ko sobra.
Kaya ang ginagwa ko, bumili ako ng gunting pang gupit sa Lazada (yung legit na pang salon para sure na maganda yung pagkakagupit), nanood ako ng mga videos kung paano gupitin ang sariling buhok, at emotionally pinrepare ko sarili ko na pag pumalpak ako, papaayos ko na lang sa legit na parlorista pag nagbukas na ang mga salon.
Sinunod ko pala yung video ni Brad Mondo on how to cut your own layered/shag hair. Hindi ako pwede na plain na cut lang ng buhok kase makapal ang buhok ko. Soft-layer or layered talaga ang go-to hairstyle ko para hindi mukang sabog ang buhok ko.
At... Ok naman kinalabasan in fair. Salamat rin sa assist ng asawa ko yiiiii!
Kaso nahahabaan pa ako sa kanya, kaya iniklian ko after a day. At sa totoo lang, maayos pa rin sya! I mean, neat pa rin tignan kahit sariling sikap. Not bad for a first time!
This is my entry for now. Salamat sa pagsubaybay!
Check out my sponsors!
Please also check my other entries on my page!
Lead Image from Unsplash
Most images featured from Google.
Hello there!👋
Ang dami niyo po'ng ganap. Napaka.productive lang. About dun sa "Squid game", tapos ko na siyang panoorin di. Nakakabitin nga lang.. Hehe. Parang may next series pa to eh. Skl. Yung "Alice in Borderland" din sis, maganda yun.
About naman sa Binance, di ko pa rin alam yun masyado.. Hehe.. Anyways, nice meeting you po..👋😊