My Escort Girlfriend

25 43
Avatar for meitanteikudo
2 years ago

"Isa nalang! Isa nalang aalis na! Isa nalang sa kanan oh!" sigaw ng barker sa may sakayan ng jeepney, habang ako ay nagmamadaling naglalakad para lamang maabutan ang paalis na na jeep.

Sa kabila ng paglingon lingon at pagaatubili ko ay nakasakay parin naman ako, kahit na medyo mainit ang lagay at alanganin ang upo ko eh pinilit ko nalang pagtyagaan kesa naman malate ako sa first day ng 2nd year ko sa college. 

Isang sulyap ko sa wrist watch ko na kabibili ko lang sa isang online shop alam ko na konti lang ang allowance ko sa oras.

 7:25 na at 8-10a.m. ang first class ko, kaya medyo aligaga at patingin tingin pa ako sa labas ng bintana na para bang may magagawa ako kung makita ko ang mga dinadaanan namin ni manong driver.

Umaga palang pero talagang mainit na ang sikat ng araw kaya sumuko na din ako at nagpasyang makinig na lang ng music sa cellphone.

Inabot ko ang breast pocket ko para kunin sana ang earphone ko nang may narinig akong tumatawag sa akin, "Mikey? Mikey!" pabulong na sabi nya. 

Ah oo nga pala, bago ang lahat ako nga pala si Mikko, Mikko James Santiago is the name. Isang IT student, second year na din sa isang pamantasan sa aming lungsod.

Isa lang naman din ako sa libo libong estudyante na may normal na buhay at nakakatuwang kwento.

Nakakatuwa hindi dahil puro saya lang ang buhay ko, nakakatuwa dahil sa hindi mo inakalang pagkakataon may mga pangyayaring ni hindi pumasok sa imahinasyon mo pero mararanasan mo sa totoong buhay, ang mga bagay na ito ay maihahalintulad mo sa kasabihan na 'Sometimes, reality is better than your imagination.'

Gayunpaman, hindi ko na masyadong hahabaan ang intro at malalaman mo din naman ang sinasabi ko kung susubaybayan mo ang kwento ko, so balik tayo sa babaeng tumatawag sa akin ng 'Mikey.'

Nilingon ko ang tumatawag sa akin at nakita ko kung sino ang babaeng nambulabog ng pagkataranta ko: Siya ay si Melody, bestfriend ko mula pa nung High school.

Oo na, oo na sige na, niligawan ko sya, naging kami pero isa kami sa couple na maituturing na 'better off as friends' ang drama, which is in our case...totoo talaga, halos di kami mapaghiwalay hanggang ngayon, magkaklase pa din kami.

"Hoy best! Buti umabot ka, malelate na tayo oi! Kanina pa kaya kita tinatawag, okay ka lang ba?" tanong nya.

"Sorry, di kita napansin agad, maganda lang kasi ung nakikita ko eh, hehe hindi nagmamadali lang kasi eh." pabiro kong sagot sa kaniya.

"Aysus excited ka lang kamo. Pasukan na naman kasi at makikita mo na naman siya." sabi nya sabay ngiting halatang nanunukso.

At napangiti din naman ako dahil isa na din un sa dahilan at nagmamadali akong pumasok, baka kasi makita ko ang crush ko.

Nagtuloy tuloy pa ang kwento namin na hindi naming namalayang pababa na pala kami.

May 6 minutes pa to spare and alam naman na namin ang building namin which is malapit lang sa gate kaya hindi na kami nagmadali sa paglalakad.

Papasok sa gate sabay sabit ng ID sa leeg ko nagtungo na kami sa designated classroom namin. First subject namin, minor lang. Science. A.k.a. tsismisan muna at 'catch up' sa mga dating classmates.

Swerte kami at walang masyadong adjustment dahil block section kami. Kami kami pa din ang magkakasama buong taon, at buo buo na din ang mga grupo.

Andiyan ang mga gimikero at gimikera ng klase, naguusap na kaagad kung saan ang lakad mamayang break, dahil mahaba haba nga rin naman ang 3 hours na vacant.

Andiyan ang mga band members ng klase. Mga naguusap tungkol sa mga band influnces nila at kung san galing ang buhok nilang iba iba ang istilo.

Andiyan din ang mga cum laudes ng batch, na first day palang serious mode na agad.

At meron pa din ung mga trying hard, dahil umpisa palang binibigay na nila ung 'best' nila baka sakaling magbago ang mga grades nilang muntikan ng hindi palarin.

At saan ako kabilang?

Ako yung loner sa tabi ng bintana na kung saan lang ayain e sasama naman, basta ba malapit at hindi masyadong kelangan ng effort. At isa pang reason kung bakit ako sa tabi ng bintana?

Ayan. Siya and dahilan.

Isang estudyanteng babaeng mahaba ang buhok, kala mo modelo ng shampoo ang bagsak. Ang mga mata nyang malamlam at nangungusap through her black rimmed glasses. Ung mukha nyang artistahin sa kinis at puti. Ung pagkapusyaw ng pink na mga labi at yung lakad niyang nag papahinto sandali ng mundo.

Si Bianca Victoria Santos. And diyosa ng campus. Kung ang lahat ng lalaki siguro sa buong university eh may list ng 'The girl I want to date' siya ang laging number one. Mabait, maganda, matalino, madaling kausap at nasabi ko na bang maganda?

Nasabi ko na bang maganda siya? Talaga ba? Well she deserved that emphasis. Panandaliang tumitigil ang mundo ko pag dumadaan siya, siya ang sinasabi kong crush ko. Grabe. 

 "Huy, MJ. Nakita mo na naman sya. Yung laway mo pre tumutulo." sabay tawa ng lalaking katabi pagtapos akong sikuhin ng bahagya.

"Gago! Nagmomoment pako eh. Panira ka talaga Paul." sagot ko na medyo irritable, tinawanan lang ako ng loko.

"You guys at the back! Are you listening?!" sigaw ng prof namin. Sabay yuko at yes mam nalang kami. 

Natapos na ang klase at magkasama na naman kami ni Melody.

"Kain na ba tayo o gala nalang muna? Haba pa ng vacant natin eh. Badtip tong sked natin eh." reklamo nya sakin habang nagttxt sya sa cp nya.

"Uy MJ, Mel. Tara sama kaya 4v4 tayo. DOTA muna tayo sa tapat. Habang break." aya ni Mark na classmate din namin.

"Sige game! Losers pay ah?!" ang sagot naman ni Melody.

At hindi! Hindi tomboy si Melody, marami lang syang alam at magaling makisama. Sobrang lapit nya sa mga girls and at ease ang mga boys sa kanya.

"Pare ang swerte mo talaga kay Mel, maganda na matalino, mabait. Wala ka nang hahanapin pa! Bat ba pinapatagal mo pa? Ligawan mo na kasi siya, maunahan ka pa ng iba e." kanchaw ni Mark.

"Gagi, tigilan mo nga. Hindi kami talo neto no." sagot ko sabay akbay kay Melody.

"Bahala nga kayo" sagot nila sabay tawa. 

Matapos magpalipas ng ilang oras na trashtalkan at sigawan sa computer shop balik eskwelahan na kami nila Melody.

Sa lab room namin which is thank God airconditioned, dun kami naghintay for the next subject. Major subject na kaya medyo tahimik ang lahat. Advanced SQL Server. Syempre dun kaagad ako sa favorite place ko, near the door and away from the board.

Alam naman nating lahat ang advantage ng lugar na to. Madaling tumakas sa klase, kitang kita mo lahat ng galaw ng mga classmates mo, sino nangongopya, sinong hindi makakuha at higit sa lahat kitang kita mo ang prof kung kanino nakatingin. 

Pagtapos ng ilang minutong paghihintay sa professor bumukas ang pinto ng room, lingon lahat kami sa entrance at ikinagulat ng lahat ang mga sumunod na naganap.

Hey there!!!

Wow. You're here. Thanks for taking your time out for this. It's just something I wrote from way back when. Some may not understand a thing from here but I just wanted to share something that I dug from the past. And wow, even from back then, I find it really hard to write in our native tongue. It's just too much. LOL

Anyway, I appreciate you being lost in here and as always...

Cheers!!!


9
$ 3.05
$ 2.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Meyzee
+ 3
Sponsors of meitanteikudo
empty
empty
Avatar for meitanteikudo
2 years ago

Comments

Uyyyyy Part 2 please 😭😭. Sanaol pang model ng buhok 🤣

$ 0.00
2 years ago

hindi naman ito tapos eh... haha tignan ko kung maayos ung part 2. haha

$ 0.00
2 years ago

Of course, may next part ito ano? Aguy, ang dami ko na namang aabangan! Good morning!!!

$ 0.00
2 years ago

hahaha good morning.. abangan kung mananatiling cliffhanger. haha

$ 0.00
2 years ago

I can't believe this is an old piece. Seems you have a really weird, good and sound imaginations. I can only imagine what you can do now.

$ 0.01
2 years ago

Lol... hmmm i think sounds about the same. Haha no huge improvement or something shocking like that

$ 0.00
2 years ago

Still. I feel there is some kind of improvement

$ 0.00
2 years ago

hehe hope so. Thank you so much. :)

$ 0.00
2 years ago

You are so welcome dear

$ 0.00
2 years ago

member ka pala ng mambibitin gang eh hahahaha so kelan ang next bat parang walang nakalagay na abangan ang susunod na kabanata? LOL

$ 0.01
2 years ago

Hahaha hindi lang sure kung masundan pa. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha pabitin! Wow! I love the old you! Inosente pa! Hahaha 😆 Mahilig din ako magsulat noong highschoooooool! Kaso hindi ko natatapos 😆😆😆 I wonder where are my write ups now! You took me back to high school haha kahit college ang scene.

Curious is me sa title 🤔 rawr ilang chaps to?

$ 0.01
2 years ago

Haha 3 chaps lang ung nakita ko. Haha Inosente pa ba? Haahah salamaat. Hahah

$ 0.00
2 years ago

wala na bang kasunod to...ano yung kinagulat nila???sino yung pumasok?? si crush mo ba?.? hala uy

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha bitin na bitin ba??

$ 0.00
2 years ago

sobrang bitin😣

$ 0.00
2 years ago

Haha tignan ko kung madugtungan pa. haha

$ 0.00
2 years ago

luh☺☺☺

$ 0.00
2 years ago

WAHHH ANO BAYAN! Kelan ba yung karugtong?? Pag main character talaga eh malapit sa bintana naka upo, btw, melody nalang tol. Kung lalaki ako type koo syaa. Excited sa karugtonggg

$ 0.01
2 years ago

Hahaha oo nga. Xmpre anime fan eh. Dapat andun. Haha

Haha di ko sure kung may karugtong. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

I was enjoying the story until you cut me off to tell me you rugged this from perhaps an old flash or device lol. But why didn't you complete this? I feel the story needs to be completed anyways. What later happened? I am curious to know. How about Victoria? Was that her name again? The one you drool over 😂😂

$ 0.01
2 years ago

Hahaha yeeep. It's from an old storage. And wow, I'm amazed that you were able to read it. I didn't know if the translation made any sense.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha Some point though. But I did try my best to understand what was being conveyed lol

$ 0.00
2 years ago

Thanks a lot for the effort. :)

$ 0.00
2 years ago

Don't mention dear

$ 0.00
2 years ago