Suntok sa Buwan

22 32
Avatar for luhajuan
4 years ago

Una kitang hinangaan

Sa taglay mong kagandahan

Nabihag mo nga ako ng 'di ko nalalaman

Maging panaginip ko'y ikaw ang laging laman

Labis - labis ang aking nadaramang kaba

Bago ang mensahe ko sa'yo ay maipadala

Mula sa parihabang metal na umiilaw na aking hawak

Tila mga bituin ay akin na ngang hinahamak

Puso'y tila mawawasak

Ngunit hindi ako nabigo

Tila may kung anong tuwa sa aking puso

Dumaloy ang natutulog kong dugo

At may naisip ako kapagdaka,

Naisip kong, maaari pala akong maging makata

Na kayang gumawa ng istorya, na ikaw at ako ang bida

Kwento na natural ang tema

Yung walang tayo kasi malayo ka

Yung kwentong mahal natin ang isa't isa

Pero 'di tayo itinadhana

Yung eksenang gusto kitang ikulong sa mga bisig ko

Pero hindi ko magawa

Yung tipikal na istorya

Yung masaya sa una at masasaktan lang pala

Kasi sinasamba ko si "Allah" habang "Kristiyano" ka

Pero gusto ko paring ipagpatuloy ang kwento

Kwento na binuo ko lamang sa isipan ko

Kasi nabihag mo ako

Sa mga mensaheng ipinadala mo

Sa mga oras na ikaw ang naging ilaw ko

Mula sa madilim na oras ng buhay ko

Ikaw ang naging inspirasyon ko

Inspirasyon na bigla na lang naglaho

Nasaan na kaya?

Yung panahon na ating sinayang

Isang buwan din pala ang binilang

Ngayong kaya ko na.

Ngayong alam ko na

Ang magiging wakas ng ating istorya

Sa pagitan ng mga yupi't buradong pahina

Sa pagmamahalang sinubok ng distansiya

Yung panahong pinagpuyatan nating dalawa

Makausap lang natin ang isa't-isa

Ay unti-unting naglaho na parang bula

Tila usok sa himpapawid

Na imahinasyon lang ang hatid.

At sa dulong bahagi ng ating kwento

Ay ang kwento kung paano ako nangako

Na tatanggapin ang aking tuluyang pagsuko

Hindi lang sa ikaw ay malayo

Kundi dahil sa tayo ay malabo.

artwork by:

Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty

4
$ 0.00
Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty
Avatar for luhajuan
4 years ago

Comments

Ahhhh😢 apakasakeeet. May pinagdadaanan ka ba?

$ 0.00
4 years ago

Galing po sa isang mahabang pagkakatulog ang aking damdamin.😁 tsar

$ 0.00
4 years ago

Bawal yan kapatid. Aral muna. Hahahhahaha

$ 0.00
4 years ago

hahaha bat naghahanap ako ng haha react dito?😂😂😂 Opo enrol na tayo tom😅

$ 0.00
4 years ago

@Yayaya13 kakilala mo sya personally? Ang galing nya magsulat.

$ 0.00
4 years ago

Yes❤ he's my kouhai. Same school and same course kame.

$ 0.00
4 years ago

Oh okay okay. Wait teka ilang taon na ba kayo?

$ 0.00
4 years ago

Hahahhaa ma 21 palang ako sa november. Maybe kaedad ko sya or ahead ako sakanya ng 1 year. Ikaw dear?

$ 0.00
4 years ago

18 palang ako ahhaha. Hello kuya!

$ 0.00
4 years ago

Woaaaaaah😲

$ 0.00
4 years ago

Gulat ka no? Hahahaha char

$ 0.00
4 years ago

Yeeeees. Mga pang mature na mga articles mooooo. Babae ka or boy?

$ 0.00
4 years ago

luh🤭 iiiiinkkkk! out of words . ammmp! salamat po.🤗

$ 0.00
4 years ago

Always welcomee! :))

$ 0.00
4 years ago

Bat parang ramdam ko yung sakit?

$ 0.00
4 years ago

Pasensiya po, ang nais ko lamang talaga mapasaya siya pero patawad kung madadamay ka sa lungkot na aking nadarama.😪

$ 0.00
4 years ago

Ginoo ako'y nalulunod sa mga malalalim mong salita 😂

$ 0.00
4 years ago

Huwag kang matakot na malunod sa lalim ng aking mga salita. Hahayaan lang naman kitang magtampisaw sa akala mong tubig ngunit ang totoo ito'y aking mga luha.

$ 0.00
4 years ago

awit HAHAHAHAHA basta idol kita ❤

$ 0.00
4 years ago

isang karangalan ang ika'y maging tagahanga ng abang tulad ko🤗😊

$ 0.00
4 years ago

grabe an g hugot mo sa article na to sobrang lalim muntik na ako malunod.

$ 0.00
4 years ago

ako ngarin kala ko di ko na kakayaning umahon pa, nasanay na kasi. 😒 yay! Maraming salamat po🤗

$ 0.00
4 years ago