Magtatapos na si Roberto sa kolehiyo. Siya’y lumaking sunod sa layaw pagka’t siya’y nag-iisang anak at produkto nang tinatawag na surrogacy dahil sa hindi magawang magkaanak-anak ng kanyang mga magulang. Ilang buwan niya nang ibinibida sa kanyang ama ang isang magara at mamahaling sports car na naka-display sa showroom ng isang kilalang car dealer. Dahil sa alam niya na kayang-kaya naman itong mabili ng kanyang ama, sinabi niya rito na yun lamang ang kanyang hiling.
Araw –araw niyang minamatyagan ang kanyang ama kung may senyales ba na magkakaroon nang katuparan ang kanyang nag-iisang hiling.
Sa mismong araw ng kanyang pagtatapos, umaga pa lamang ay pinatawag na siya ng kanyang ama sa kanilang katulong at may giliw niyang pinanhik ang opisina ng kanyang ama. Sinabi sa kanya nito na labis ang galak at tuwa na nadarama para sa kanya at super proud ang matanda sa achievement na naabot niya. Ramdam ni Roberto na mahal na mahal siya ng kanyang ama. Matapos ang mahigpit na yakap ay iniabot nito kanya ang isang regalo na maayos at mabusisi ang pagkakabalot.
Labis na pagtataka at pagkalungkot ang nadama ni Roberto nang buksan niya ang tangan niyang regalo dahil ito’y isang magarang Bible, leather – bound at nakaukit na gintong pangalan niya. Galit at dismaying sinigawan ni Roberto ang kanyang ama, ‘’ With all your money, you give me a Bible? ‘’ at dali-daling umalis nang bahay.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon, naging maganda ang pamumuhay ni Roberto. He became very successful in his business. He had beautiful home and a wonderful family.
Isang araw habang nagpapahinga siya matapos ang mahabang board meeting biglang pumasok sa kanyang pagmumuni-muni ang mukha ng kanyang ama. Napagtanto niyang ito’y matanda at mahina na. Naisipan niyang makabisita man lang matapos ang mahabang panahong pilit siyang umiiwas dito. Ngunit bago pa man niya magawang puntahan ang kanyang ama, gawa nang puno palagi ang kanyang schedule araw-araw, nakatanggap siya ng email na nagsasabing wala na ang kanyang ama at kasabay nito ang kopya nang last will and testament ng kanyang ama na nagsasaad na inililipat sa kanya ang lahat ng pagmamay-ari nito.
May nakapila mang appointment ay kailangan niyang umuwi agad para makita man lang sa huling pagkakataon ang kanyang ama at para asikasuhin ang lahat ng mga kakailanganin. Habang nasa daan at nagmamaneho si Robert ay ‘di niya mapigilang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
Nang siya’y makarating na sa bahay ng kanyang ama, labis na lungkot at pagsisisi ang bumalot sa kanyang puso, tila siya’y durog. Nagsimula siyang tumingin sa mga importanteng papeles ng ama at bigla niyang napansin ang regalong kanyang isinantabi ilang taon na ang nakakalipas. It was still gift-wrapped, just as he had left it years ago. Napapahagulhol niyang binuksan ang Bible at sa pagbukas niya sa bawat pahina. Napansin niyang naka-underlined ang isang verse dito na sa wari niya ay maingat itong ginawa ng kanyang ama, “ Matthew 7:11 – And if ye, being evil, know how to give good gifts to your children, how much more shall your Heavenly Father which is in heaven, give to those who ask Him?”
Habang binabasa niya ang talatang iyon, biglang may nalalag na susi ng kotse mula sa likod ng Bible. Meron itong tag na may nakasulat na pangalan ng dealer, parehas ng dealer nang inaasam na sports car. Nakasulat din rito ang petsa ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo at ang mga salitang PAID IN FULL.
Ilang beses na ba nating ini-ignore ang mga blessings ni God dahil sa mga pansariling nais? Ilang beses na ba kapatid?
@OverThinker @ladyhanabi @gelaiwrites @MisterWrite @blingbling @charlotte check this out. Worth it sya pramis❤