Ngayong Gabi

3 14
Avatar for luhajuan
3 years ago

Ngayong gabi, habang ang mundo ay tahimik

Hawak ko ang mga ala-alang pilit na bumabalik

Mga mata ko'y hindi ko magawang ipikit

Kasi sa bawat pagmulat ko ramdam ko parin ang pait

Ilang araw na akong ganito

Bawat gabi labis akong ginugulo

Nang mga ala-alang 'di ko alam kung totoo

Di ko na alam kung ano na nga ba ang totoo?

Kasi di ko alam kung anong dahilan ng pagkalumbay ko?

Dati naman, masaya ako

Masaya akong mag-isa ng walang ikaw sa buhay ko

Pinipillit ko namang maging matatag gaya ng sabi mo

Pader na 'di patitibag ang aking binuo

Ngunit hinayaan kitang wasakin ang pader na ito

Ngayon 'di ko alam kung kailan ko muling mabubuo

Kasi noong sinabi mo na aayusin mo ang pader na sinira mo

Nakita kita sa ibang pader nakasandal ako'y nalilito

Akala ko ako ang sandigan mo?

Akala ko aalayan mo ako ng pagmamahal na gaya ng inialay ko saiyo

Ngunit bakit ganito?

Bakit mga ala-alang bumabalik sa bawat pagpikit ko

Ay mga ala-ala ng aking paguho

Mga ala-alang kasama kita

Mga ala-alang sa isip ko lang binuo

Kasi napakarami ko sanang plano

Na hindi man lamang nasimulan

Kaya mga mata ko'y naiwang nakapako sa kawalan

At sa kawalan naroon ka

Pinagmamasdan kita

Habang nakatitig ka sa mga mata niya

Sinasabi mo ang mga salitang gusto kong marinig

Gusto kong marinig mula sa iyong bibig

Mga salitang kaibig -ibig

Salitang nais kong para sakin

Ngunit sa kanya mo piniling sambitin

Ngayong gabi sa paghimlay ko

Alam kong magkikita tayo

Makikita kita mula sa malayo

At makikita ko ang meron kayo na wala tayo.

Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty

5
$ 0.00
Sponsors of luhajuan
empty
empty
empty
Avatar for luhajuan
3 years ago

Comments

Bat nasasaktan akoooooo? Apakasakeeeeeeet😭. Sanay iyo ng malimutan ang kalungkutang dinulot nya. Maging masaya ka sana na sa wakas, ngayon ay masaya na sya, di nga lang sayo, kundi sa piling ng iba.

$ 0.00
3 years ago

awieee thank you so much po ate, sana all nga po sasaya😁👌

$ 0.00
3 years ago

Dadating din yan😉

$ 0.00
3 years ago