Hmmm kabataan daw ang pag asa ng bayan???? hmmm talaga??? Ooopsss Pasensya na po sa mga kabataan na nandito sa readcash...opinyon ko lang po ito wag sana magalit....
Sa totoo lang po yung katagang yan ay tama naman po wala pong mali dyan kasi kung titingnan nyo po mabuti ang kahulugan nito totong kabataan talaga ang pag asa ng bayan na syang dapat..... tingnan mo kabataan nila ngayon at pag dating ng panahon sila naman ang pwede mamuno sa bansa kaya pag asa sya....
Pero mga kaibigan siguro noon ay pwede pa ito pero ngayon????? ngayon??? ngayon???? ay ewan ko nalang po... sa dami ng mga hindi magagandang kinasasangkutan ng mga kabataan ngayon nasa college palang nagpapatayan na?gaya ng mga frat...o kapatiran pede naman may ibang pagsubok diba siguro yung mga test na kelangan masagutan nila ng perfect para makasali sa kapatiran hindi yung pisikal diba hazing??palo dito palo doon ano kapalit buhay??? tsktsk... pano pa kaya pag yan na ang umupo sa mga pwesto sa gobyerno pagdating ng panahon edi yare na.... mga kabataan na rally nang rally imbes na nag aaral ay nasa lansangan nakikibaka sa hindi nila alam ang pinaglalaban nila dahil lang sa sinabi ng namumuno sa kanila sama kagad sa rally,tsk tsk...kelan lang nung mag declare na quarrantine ang ating Pangulo wag lalabas ang mga kabataan at may edad tanging mga otorisadong mga kinatawan ng bawat pamilya lang ang pwede lumabas para makabili ng mga kailangan... ano ginawa ng kabataan nagrally nalalabag daw ang kanilang karapatan dahil tila kinukulong sila sa kanilang mga tahanan... hahaha tingnan nyo anong klaseng pag iisip yan...
Pero sa kabilang banda Hindi pa po huli ang lahat para sa ating mga kabataan basta ang mga nakatatanda o mga guro na namumuno sa paaralan ay wag nahikayatin ang mga ito sa mga ganong aktibidad ipaubaya na lamang po sa ibang mga grupo ang rally wag na po isama pa ang kabataan... ako po ay may mga anak na at pagdating ng panahon na nasa mataas na senior high or college na sila at malaman ko na hinihikayat sila sumali sa mga rally kahit mahinto sa pagaaral ang anak ko ng taon na iyon ay ipupull out ko po sya sa school na iyon at ililipat ng ibang paaralan.... bilang mga magulang responsable po tayo na alamin kung ano ang mga activities ng inyong mga anak sa paaralan ... yan lang po pasensya na po ulit opinyon lang po mga kaibigan..
Aware ka ba na ang ginamit mong pang-unang kataga na "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ay galing kay Gat Jose Rizal na isa rin aktibista? Nakakatawang mabasa na ginamit mo ang ating pambansang bayani na para bang kinakamuhian niya ang kabataan ngayon na nagrarally. Tulad niya at tulad rin ng makabagong henerasyong kabataan ipinaglalaban lamang nila ang sariling bayan laban sa hindi magandang pamamalakad ng Gobyerno. Wala lang opinyon ko lang din.