Join 81,877 users already on read.cash

Kuwento na di ko alam ita-title

5 11 exc
Avatar for leomar
Written by   13
11 months ago
Topics: Story

Sponsors of leomar
empty
empty
empty

Ang story na ito ay gawa gawa ko lang, medyo nagkaroon ako ng confidence na magsulat. Di ko kase alam kung paano gagawin yung daloy ng story pero bahala na. Practice makes better naman eh.

Nagising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog, minulat ko yung mata ko at napansin ko na parang kakaiba ang paligid ko. Hindi naman ito bahay namin ah sabi ko sa sarili ko. Inamoy ko pa yung kumot ko at amoy babae, umupo narin ako sa kama at napansin ko na pink yung kama. Oh my ano ba nangyayare. Pumikit pikit pa ako baka kase namamalikmata lang ako pero hindi eh.

Bumangon ako sa kama para icheck kung ano ang nangyayare,tumingin ako sa paa ko at braso, nagtataka ako kung bakit parang pambabae ang katawan na meron ako. Kinapa kapa ko pa katawan ko at may nakapa akong dalwang umbok, pinisil pisil ko pa at nasaktan ako. Doon ako kinabahan, hala ka naging babae na ba ako? Dali Dali akong pumunta sa may salamin at doon ko na nakumpirma na babae nga talaga ako. Grabe yung pawis ko panaginip ba ito? sinampal ko pa sarili ko at nasaktan talaga ako. Tinitigan ko ang katawan na ito sa salamin at ang ganda ng may-ari ng katawan na ito.

Sinilip ko ulit yung dalawang umbok na meron sa katawan na ito tsaka pinisil pisil baka kase panaginip talaga, pero hindi eh. Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa kama. Hala ka pati boses ko babae na din halaaaa ano bang nangyayare. Napatitig ako sa salamin at dun ako kinilabutan ng may maalala ako. PATAY NA PALA AKOOOO!!!.

Flashback:

Busy ako nun sobra madami kaming ginagawa at malapit na ang thesis defense kaya aligaga talaga ako. Kailangan kase namin na asikasuhin ang lahat para maperfect. Problemado din ako nun kaya wala ako sa tamang huwesto, naghalo na yung heartbreak at problema sa school. Nakipagbreak ang girlfriend ko dahil wala na akong time sa kanya, siguro inakala niya na meron na akong iba kaya siya na ang sumuko. Sinusubukan kong ayusin ang meron kami pero ayaw na niya kaya siguro ganun ang impact ng sakit saken.

Kakatapos lang namin magmeeting nun para sa thesis defense namin at sobrang pagod ako, prang gusto ko ng umuwi at magpahinga na lang habambuhay. Wala ako katinuan habang naglalakad ako, marami akong problemang iniisip tapos heartbroken pa kaya hindi ko alam kung ano ang mga nasa paligid ko. Naalala ko patawid ako nun sa kalsada at hindi ko namalayan na may paparating na kotse kaya nabundol ako, dinala pa ako sa ospital hanggang sa puting ilaw na lang ang nakikita ko.

End of Flashback

Kinilabutan tlaga ako kase alam ko patay na ako, nasa afterlife na ba ako? tanong ko sa sarili ko siguro nasa parallel dimension lang ako. Sinagip ba ako ng mga aliens? Sobrang dami kong katanungan at gumugulo sa isip ko. Inilibot ko yung paningin ko sa paligid ko at nakita ko yung cellphone na nakapatong sa table. Kinuha ko ito at merong password, need lang ng fingerprint, buti nalang fingerprint ang kailangan kaya naunlock ko yung phone. Chineck ko kung sino ang may ari ng katawan na ito. Doon ko nalaman na Elyzabeth Sanchez ang pangalan ng may ari ng katawan nato.

Chineck ko din ang messages at background niya, dun ko nalaman na kaschoolmate ko pala itong babae pero bat hindi ko siya nakikita sa school. Inopen ko yung messenger at nagulat ako sa dami ng messages sa kanya. SANA ALL. Karamihan puro lalaki na nagchachat tapos mga nanliligaw, parang sarap nilang pagtripan pero wag na baka maapektuhan yung tunay na may-ari ng katawan na ito.

Nagulat ako bigla ng may kumatok sa pintuan, agad ko yung binuksan at bumungad sakin ang isang magandang babae na nasa 40 plus na, siguro siya yung mama nitong tunay na may ari ng katawan. Ngumiti siya sakin at niyaya na ako kumain kase daw may klase pa ako mamayang 10 AM, dun ako nagulat kase di ako ready na pumasok at kilalanin ang mundo na ito. Magulo pa ang lahat sa akin. Tulala lang ako habang kumakain tapos tinanong ako ng nanay ng tunay na may ari ng katawan na ito kung OK lang ba ako tapos tinawag ko siyang Mama, kase naman hindi ko alam kung ano tawag sa kanya ng babaeng ito.

Nagtaka siya kung bakit nagiba yung tawag ko sa kanya, nagpalusot na lang ako hahaha dun kase ako magaling. Pagkatapos ko kumain kailangan ko na daw maghanda para pumasok kaya bumalik ako sa kuwarto. Sobrang taranta ako kase hindi naman ako babae sa dati kong buhayyyyyyyy. Hindi ko alam kung paano kumilos bilang babae pero bahala na. Habang inaayos ko yung sarili ko sobrang naawawkward ako kase naman hindi naman ganto ang katawan na meron talaga ako. Ang dami ring kemeng isusuot bago yung uniform di tulad ng sa lalaki na isang bagsakan lang OK na.

Pagkatapos ko magbihis ng uniform tumingin ako sa salamin, bumaba na lang ang balikat ko kase hindi naman ako sanay sa damit na ito tapos ang ikli pa ng palda. Tapos yung mga gamit ko puro pambabae. Napakamot na lang ako sa ulo ko at ang galaw ko pang lalaki talaga. Kailangan ko bang kumembot keyboard habang naglalakad?, ahhh basta bahala na si batman.

Pagkababa ko ng hagdan, sinalubong ako ng Mama nitong babae tapos inaya na ako sumakay ng kotse. Hala mayaman pala talaga ang babaeng itong at pamilya niya. Pangiti ngiti na lang ako at naweweirduhan na talaga saken ang mama ng babaeng ito. Sa buong biyahe daming kinukwento ang mama nitong babae pero ako ngiti lang at tango ang sagot kase naman hindi ko naman kilala kung ano pangalan ng mama nitong babae at mga tao sa paligid niya. Nang makarating na kami sa school, hindi na bago saken ito kase naman dito ako nagaaral yung tunay na ako ah. Nang bumaba na ako at kumaway dun sa mama ng babaeng to dumiretso na ako loob ng school at may nakita ako na KINILABUTAN AKO NG SOBRAAA!!!.

Tingin niyo ano kaya ang dahilan kung bakit ako kinilabutan, sa susunod na kuwento na ipagpapatuloy kase di kopa alam buong flow ng story pero sana nagustuhan niyo kahit corny. Medyo hindi pa siya ayos kase free writing siya pero once na nabuo ko na yung flow sana naman maganda. Hanggang dito na lang muna.

Nagmamahal pero di minahal, iniwan pero umaasa paring may babalikan.🤣🤣

leomar na umaasa sa isa jan

1
$ 0.02
$ 0.02 from @Luna09
Avatar for leomar
Written by   13
11 months ago
Topics: Story
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nagsusulat ka po ba sa wattpad?

$ 0.00
11 months ago

hindi pero dito nagsusulat ako

$ 0.00
11 months ago

Ah, pansin ko lang kasi yung writing style mo similar sa mga wattpad writers. Hehe, yun lang naman.

$ 0.00
11 months ago

Reader naman ako sa wattpad pero di ako wattpader, nsinspired lang siguro ako sa gawa ng ibsng authors.

$ 0.00
11 months ago

Ah okay.

$ 0.00
11 months ago