Join 100,427 users already on read.cash

My Fiance is a Playboy Part 5

10 60
Avatar for leejhen
Written by   586
1 year ago

Macey:
Kinaladkad ako ng mga taong may hawak sa akin. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.
Pinagpapawisan na ako ng malamig.
Ito na ba ang aking katapusan?
Narinig kung may pintuan na bumukas.
At itinulak ako doon.
Muntik na akong madapa.
May takip parin ang aking ulo.
Narinig kung may boses ng babae na humalakhak.
"Hahaha,tingnan ko lang kung makapagyabang pa yang babaeng yan. E lock na ang pinto!"Utos nito.
Pamilyar sa akin ang boses ng babae.
Si Tuesday Queen?
Galit ba siya sa akin?
Hang on Macey, may magliligtas din sa'yo.
Na lock ang pintuan at naiwan akong nag iisa. Hindi ko magawang tanggalin ang takip sa aking ulo dahil itinali nila ang aking mga kamay.
May magliligtas pa ba sa akin?
Zander...

**********************
Montelibano Mansion
Alas otso na ng gabi pero si Macey ay hindi parin umuuwi. Kinakabahan na si Tita Rebecca. Kinatok niya ang kwarto ni Zander.
"Yes, mom?"tanong ni Zander na inaantok pa. Nakatulog siya agad ng dumating galing sa University.

Nabigla si Tita Rebecca sa nakitang mga pasa sa mukha ni Zander.
"Anong nangyari sa mukha mo? Did you get in trouble?" Nag aalalang tanong nito.

"Wala yan mom, nothing to worry." Sagot nito.

"Bakit mo iniwan si Macey? Do you know where she is?" Kinakabahang tanong nito.

Nangunot ang noo ni Zander.
Nasaan kaya ang babaeng 'yon?
Nauna lang siyang umuwi. Andun lang naman si Macey sa school.
Bakit wala pa hanggang ngayon?
"Nasa school lang naman siya. Hindi ba nag text sa'yo?"

"No, nag aalala na ako. I tried to call her but ring lang ng ring ito. The GPS of her phone shows na nasa school lang siya, naiwan kaya niya ang kanyang cellphone? Pero nasaan si Macey?"Naguguluhan na tanong ni Tita Rebecca. Parang anak na ang turing niya kay Macey. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama dito.

Biglang kinabahan si Zander sa narinig.
Walang kaibigan si Macey kundi si Ria lang and he saw Ria went home already but where is Macey? On that thought dali-dali siyang bumangon at nagbihis. Mabilis pa sa alas kwatro nakarating na siya sa school.

Natuwa naman si Tita Rebecca sa nakitang concern sa mukha ni Zander. She was hoping too, na maalala na nito si Macey at mabalik na sa dati ang kanilang masayang relasyon.

Good thing her mom put a GPS tracker on Macey's phone. Mas madali niya itong mahahanap.
Malaman lang niya kung sino ang gumawa nito kay Macey.
They will surely live in hell.
But wait...
Why does his heart beats so fast?
Bakit nag aalala siya kay Macey?
She is only a gold digger trying to dig in, on their family's wealth.
Why Zander?
Biglang sumakit ang kanyang ulo at may biglang nag flashback sa kanyang isipan.

"Flowers for you..." Nakangiti niyang iniabot ang bouquet of flowers sa isang babae.

"Ang sweet naman, thank you Z." At inamoy pa nito ang mga pulang rosas.
Nabighani siya sa ngiti ng babae. At ng makita niya na sa malapitan ang mukha ng babaeng tinitibok ng kanyang puso...

May biglang kumalabog sa di kalayuan. Naputol ang dumadaloy na alaala sa kanyang isipan.

Si Macey ay patuloy na naghahanap ng paraan kung paano matatanggal ang nakatali sa kanyang mga kamay. Nasa bulsa lang ng pantalon ang kanyang cellphone.
Bigla siyang nabuhayan ng loob ng marinig na tumunog ito.
Baka si Tita Rebecca na at nag aalala.
At sa kanyang pagtayo ay nadapa siya at gumulong sa mga karton na nasa loob. Nahirapan na siyang bumangon.
Parang kakapusin na rin siya ng hininga. Napakainit ng kanyang pakiramdam. Hindi niya maalis ang nakatakip na sako sa kanyang ulo.
She felt so hopeless!
Pilitin man niyang lumaban pero kinakapos na talaga siya ng hininga.
At ngayon ay hindi na siya makatayo. Ang tali sa kanyang mga kamay ay lalong humigpit sa kakapilit niyang tanggalin ito.
Zander...

At biglang bumukas ang pintuan. May tumulak ng malakas galing sa labas.
Nabuhayan ng loob si Macey. Sa wakas at may nagligtas rin sa kanya. Pero parang mawawalan na siya ng ulirat. At tuluyan ng pumikit ang kanyang mga mata.

Sinira ni Zander ang pintuan ng storage room at bumungad sa kanya ang walang malay na si Macey.
Dali-dali niyang inalis ang sako at tinanggal ang tali sa mga kamay nito.
"Macey, wake up!"Tinapik ni Zander ng mahina ang mukha ni Macey pero wala parin itong malay.
Binuhat niya si Macey at dinala sa kanyang sasakyan.
Pinunasan niya ang pawis nito.
Parang madudurog ang kanyang puso habang nakatingin sa walang malay na si Macey.
Bakit siya nasasaktan?
Hinaplos niya ang namumulang kamay nito na may bakat pa ng tali.
He already knew kung sino Ang gumawa nito kay Macey.
Tuesday Queen, you will taste the flavor of your own evil deeds, soon...

Nagpasya siyang patulugin at pagpahingahin muna si Macey. Baka pag pinaandar niya ang sasakyan ay magising ito.
Nakatawag na rin siya sa kanyang Mommy Rebecca that Macey is safe with him.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagustuhan ng kanyang mga magulang si Macey.
Kahit pa may puwang ito sa kanyang puso, ang kanyang isipan ay napakalaking tutol sa pagkatao nito.
His brain will keep on telling him na pera lang ang habol ni Macey kung bakit ito pumayag sa arrange marriage.
And he will never tolerate those witch na mapang abuso at mapagkunwari.
But...
Ganyan ba si Macey?
Tiningnan niya ang maamo nitong mukha. Parang anghel na bumaba sa langit.

Zander...
Tawag nito na tila nananginip. May tumulong luha sa mga mata ni Macey.
She looks fragile and innocent but hindi niya alam why his brain will always keep on telling him that she is only pretending.
Pero iba din ang sinasabi ng kanyang puso. Nalilito na siya.

Parang nanaginip lang si Macey ng masama hanggang siya ay magising.
At pagmulat ng kanyang mga mata. Ang mukha ni Zander ang una niyang nakita.
Panaginip ba ito o totoo?
Ang nakakunot noo na mukha ni Zander ang kanyang kaharap ngayon.
May biglang humaplos sa kanyang puso.
Niligtas siya ni Zander!

"Are you okay?" Tanong nito.

Hindi pa makasagot si Macey. Hindi siya makapaniwala na maililigtas siya ni Zander. Nakatulala lang siyang nakatingin sa gwapong mukha nito.

Si Zander ay nagtataka kung ano ang nangyari kay Macey. Baka na trauma ito sa nangyari sa kanya at blangko ang isipan.
Dadalhin ba niya ito sa hospital?
"You are not okay? I will bring you to the hospital."

Hospital?
Yon ang pinakaayaw ni Macey. She will only remember her late mom.
"No, okay na ako." Mahina niyang sagot.
"Thank you, for saving me." Nahihiya niyang pasasalamat.

"You should thank my Mom, she put a GPS tracker on your phone. At mabilis lang kita natagpuan." Sagot nito.

Biglang nalungkot si Macey. Akala pa naman niya ay iniligtas siya ni Zander dahil nag aalala ito para sa kanya.
But it doesn't matter. Ang importante ay iniligtas parin siya nito.

Buong akala niya ay ito na ang kanyang katapusan.
Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ni Tuesday Queen.
Kung sabagay ay napakayaman ng mga Queens ni Zander at magaganda pa. Napakalayo sa probinsyanang katulad niya.
Gusto niyang sabihin kay Zander na si Tuesday Queen ang gumawa nito sa kanya pero baka magalit lang ito at hindi maniwala.

"Let's go home. Mom is very worried kung ano na ang nangyari sayo."
At pinaharurot na ni Zander ang sasakyan.

Napakabait talaga ni Tita Rebecca sa kanya. Namatay man ang kanyang Mama, parang ina niya na rin ito. Seryoso lang ang mukha ni Zander habang nag dradrive.
Nag alala kaya ito sa kanya?
Pero sa nakikita ni Macey ay balewala lang ang mga nangyari dito.
Pinagwalang bahala nalang niya ang mga nangyari. Ang importante ay ligtas siya at nasa piling parin ni Zander kahit hindi siya importante sa buhay nito.
But Zander is her life. Kaya, she will endure any hardships and pain for him.

Pagdating sa Montelibano Mansion ay nakatulog na pala si Tita Rebecca. Bukas nalang niya ito kakausapin. Dumeretso si Macey sa kanyang kwarto.
At nabigla siya ng sumunod si Zander sa kanyang likuran.

"Here's the first aid kit. Gamutin mo yang mga sugat mo sa kamay." Sabay abot ng malaking box.

"Salamat." Nakangiting sagot ni Macey. Masaya siya dahil concern parin si Zander sa kanya.

Lalabas na sana ng kwarto si Zander ng biglang mahagip ng kanyang mga mata ang isang picture frame sa maliit na table ni Macey.

Isang babae at lalaki. Medyo luma na ang picture. Ang babae ay may hawak na pulang rosas.
Habang ang lalaki ay masayang pinagmamasdan ang babae.
Nilapitan niya ito at tiningnan sa malapitan.
Si Macey at ako?
He is looking at Macey lovingly.
He really loves Macey?
Hindi niya alam, naguguluhan parin siya.
Hindi sinasadya ay nahulog ang picture frame at nabasag.

Nang makita ito ni Macey ay labis siyang nasaktan. Ito lang ang tanging alaala nila ni Zander na naitago niya.
Dali-dali niya itong pinulot at nasugutan ang kanyang mga kamay.
Dumaloy ang dugo, pero hindi niya pinansin ang sugat. Patuloy lang siya sa paglilinis sa mga bubog na nabasag.

Si Zander na kanina pa naiinis ay hindi na mapigilan ang galit.
"That's enough! Ang dami ng sugat ng mga kamay mo." Sigaw nito.

Pero si Macey ay patuloy parin sa kanyang ginagawa at hindi pinansin si Zander.

Inagaw ni Zander ang picture frame. Pero ayaw bitiwan ni Macey.
"Is that really important to you?" Galit na tanong ni Zander.

"Oo naman! Ito lang ang natirang alaala nating dalawa. Noong mga panahong nakikilala mo pa ako." At biglang napahagulgol ng iyak si Macey.
Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa kinikimkim na sakit ng kanyang puso. Gusto na niyang makilala siya ni Zander at maibalik sa dati ang kanilang masayang samahan. Pero wala parin! Kaya pa niyang magtiis. Sadyang di na talaga kaya ng kanyang damdamin.

Si Zander na hindi maintindihan kung bakit may mga luha na biglang dumaloy sa kanyang mga pisngi.
Bakit siya umiiyak?
Nilapitan niya si Macey at tinapik sa balikat.
"I'm sorry, bitiwan mo na yan and I will make sure to fix it." Sabi niya habang kinukuha ang picture frame sa mga kamay ni Macey.

Nagpaubaya naman si Macey pero hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. Bigla niyang niyakap si Zander.
"I miss you Z..." At napaiyak siyang muli.
She really miss him. For 5 years she is patiently waiting. And she is willing to wait even if it takes forever.

Si Zander na nabigla ay hindi alam ang gagawin. May init at familiarity sa mga yakap ni Macey.
Hinayaan nalang niya na nakayakap ito sa kanya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang labis na kalungkutan at nadaramang sakit.
Hangga't makatulog si Macey sa kanyang balikat.
Dahan dahan niya itong inihiga at ginamot ang mga sugat sa kamay.

And in the middle of the night. Zander leave the Montelibano Mansion and went back to Soredad University.
Kanina pa nag text ang mga inutusan niya.
At doon din mismo sa storage room kung saan niya natagpuan si Macey siya papunta.
He open the door and there she is. Ang babaeng may maitim ang budhi.
Si Tuesday Queen.

"What are you doing? Pakawalan niyo ako! Or else malalagot kayo sa pamilya ko." Pagbabanta nito.

"Really?" Walang ganang tanong ni Zander.

"My loves? Thanks God! You really love me."Masaya siya sa pag aakalang ililigtas siya ni Zander.

"Thanks the devil for sending you to hell." Sagot ni Zander.

Biglang kinabahan si Tuesday Queen. Did Zander knew about what she did to Macey?

"I already knew, there's no need to ask your mind about that. And starting tomorrow you should leave Soredad University. Never ever show yourself to me again." Aalis na sana si Zander ng bigla siyang yakapin ni Tuesday Queen.

"I'm sorry my loves, please huwag naman ganito." Pagmamakaawa nito.

"You know the rules, and you broke it. So face the consequences of your evil deeds." Sabay tulak kay Tuesday Queen at nadapa ito sa sahig na umiiyak.

The rules that Zander set and implement by himself.
If you want to be a Queen, you should respect the other Queens...

Magsisi man si Tuesday Queen ay huli na ang lahat.
Kahit na makapangyarihan at mayaman ang kanilang pamilya, she knows that she will never escape Zander's wrath.

The only thing that she can do is cry. She is no longer a Queen.

leejhen 💞

Like the story?

Part 1

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-1-c9799b50

Part 2

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-2-92647386

Part 3

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-3-1086b767

Part 4

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-4-4ced2bc6

Surprise

https://branch.wallet.bitcoin.com/9yVQlAlA5mb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

8
$ 5.98
$ 5.82 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @gertu13
$ 0.05 from @Jnavedan
+ 2
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by   586
1 year ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Emotions feeling and character are the best ap jo bh krti hn aur axha krti hn q k ap mai. Wo bat hai ap kr sakti hn aur ap k pas wo sub kuch hai jo apko chahye

Ap mehnat krin aur hamesha krti raho

$ 0.05
1 year ago

I hope na maalala na ni Zander si Macey. It's been 5 years na pala na nag wait siya na maalala siya ni Zander pero hindi parin. Sobrang hirap nun pero mahal siya ni Macey kaya nagtiis na maghintay.

Ang ganda pala ng story nito sis. Gusto ko din yung mom ni Zander na si mommy Rebecca dahil parang anak na talaga turing niya kay Macey.

$ 0.05
1 year ago

Haha thanks nagka trangkaso ako pero ngayon Sana matulog ko na naesulat ko.

$ 0.00
1 year ago

Inom ka ng medicine sis. Dami talagang nagkatrangkaso ngayon.

$ 0.05
1 year ago

This part 5 , really intense and the emotion of both characters. I like also the plot 'coz Zander will soon realize that Macey was her lover and so kilig!.

$ 0.05
1 year ago

Naiiyak ako habang binabasa tong chapter na to. Sana makaalala na si Zander para happy na ulit si Macey

$ 0.05
1 year ago

Medyo matagal pa haha.

$ 0.00
1 year ago

Aguy, dami pa palang magaganap sa mga susunod na chapter bago maka alala si Zander

$ 0.05
1 year ago

Oo problems ko lang ang pag update sa kanila haha. Hinay2x lang muna.

$ 0.00
1 year ago

Take your time sis...Excited din ako sa update ng Husband for Rent

$ 0.05
1 year ago