My fiance is a Playboy Part 3

21 59
Avatar for leejhen
2 years ago

Montelibano Mansion

"Finally you are here, witch." Nakangiti pa ito nang nakakaloko.

Masama ang kutob niya sa mga ngiti nito...

At hindi nga siya nagkamali. Dinala siya ni Zander sa kanyang kwarto.

Medyo kinabahan siya.

Ano naman ang nasa isip ni Zander?

Napatingin siya sa paligid. Napakalinis at hindi makalat ang kwarto.

Pero puro black ang kulay, pati ang mga kurtina.

Nagpasabi lang si Zander sa mommy at daddy niya na sa kwarto sila kakain at may gagawing projects.

Sa pagka alala niya wala naman silang project. Assignment lang ang meron.

"Don't you dare have a happy thoughts." Bigla itong nagsalita.

"Happy thoughts?" Nagtatakang tanong ni Macey.

Zander just smirk at her.

Napakagwapo parin niya...

"Yan, yang mga mata mo na kung makatingin ay kakaiba. Ano ang iniisip mo. Na may mangyayaring maganda sa loob ng kwartong ito?" Nakasimangot nitong tanong.

Biglang nag init ang kanyang magkabilang pisngi.

Ganyan ba ang expression ng mukha niya?

Humahanga lang naman siya sa ka gwapuhan nito. Bigla tuloy siya nahiya at hindi makapagsalita.

"Huh, never in your wildest dream witch." Nang aasar na sabi nito.

Pero hindi naman naasar si Macey. She find it cute. Parang batang may tantrums lang ang bagong Zander ngayon.

Ang Zander noon, kahit na sa edad na 14 years old pa lamang ay parang matanda na kung mag isip.

Responsable at laging nandiyan para ipagtanggol siya. Kabaliktaran ngayon na ito ang nang aapi sa kanya.

Hindi pa niya alam kung paano sisimulan.

Paano paiibigin ulit si Zander...

Biglang tumunog ang tiyan niya na mas lalong nakakahiya!

Gutom na pala siya. Konti lang ang nakain niyang lunch kanina.

"Gutom na ang mga alaga mo Macey. Kumain ka na muna bago kita pahirapan." Sabay lapit sa maliit na lamesa at nagsimula nang kumain.

Photo Credit to Unsplash

Napangiti si Macey. Buti naman at hindi masyadong malupit ito ngayon.

"What are you smiling at? Kakain ka o hindi? And one more thing, ayokong makita yang mga ngiti na yan." Naging seryoso nalang ang mukha ni Macey ng wala na itong masabing masama.

Pagkatapos nilang kumain. Ay nagkalat na ang assignments sa lamesa.

Gusto ni Zander ay siya ang sumagot sa lahat ng mga assignments nito!

Binabawi na niya ang sinasabi niyang hindi ito malupit sa kanya ngayon.

"Sagutan mo lahat yan, at unahin mo ang sa akin. Don't you leave this room ng hindi yan natatapos lahat."

Another torture again. Pero masaya parin siya dahil nasa iisang kwarto lang sila.

Masaya siyang pagmasdan ito kahit sa malayo lang at nakatanaw lang siya dito.

Naglalaro ito ng games sa kanyang computer. Ang cute ng Zander niya.

Kinikilig siya habang nakatingin kay Zander.
Parang nagbalik lang sila 5 years ago...

Pero that was from the past. Ibang Zander na ang kaharap niya ngayon.

"Stop looking at me! Bilisan mong sagutan yan."
Naku, kahit hindi nakatingin ay nakikita siya ni Zander?

May third eye ata ito.

Nag focus nalang siya sa pagsagot ng kanilang assignments. Medyo pagod na rin siya at inaantok.

Biglang tumahimik ang paligid. Paglingon niya, nakatulog na pala si Zander.

Hindi niya napigilan na huwag itong lapitan.

Tinaggal niya ang mga sapatos nito. At inayos ang pagkakahiga at kinumutan.

Napakabait lang ni Zander pag natutulog.

"I miss you Z..." Sabay patak ng kanyang mga luha. Hindi rin siya nakatiis na haplusin ang matangos nitong ilong.

"Sana maalala mo na ako..." Munting hiling ng kanyang puso.

Si Zander na hindi naman pala tulog ay hindi na nakatiis at nagmulat ng kanyang mga mata.

"What are you saying? Are you really my childhood sweetheart?" Seryosong tanong nito.

Nabigla si Macey at hindi napaghandaan ang gagawin. Hindi siya makasagot.

"Answer me!" Medyo nalilito din si Zander sa kanyang nararamdaman. Kahit anong pilit niyang gawin na magalit kay Macey.

May parte parin ng puso niya na gustong protektahan ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

But he knew that all the girls that approaches him ay pera lang ang nais o di kaya ang kanyang kasikatan.

At itong si Macey na sinasabi ng Mommy at Daddy niya na kanyang mapapangasawa in the future ay walang pinagkaiba.

Hindi siya magpapaloko sa mga ngiti nito. Pero kapag tinitingnan niya ang inosenteng mukha ni Macey lumalambot ang kanyang matigas na puso.

But no! He will never give in to her charm. Kaya tinawag niya itong witch. Katulad ngayon, tila nang-aakit lang ang inosenteng mukha nito.

"Yes, I'am your childhood sweetheart, your girlfriend, your fiancee and you're wife to be." Di kumukurap na sagot ni Macey.

Napatawa nalang si Zander sa galing ni Macey magpaikot ng tao. If his parents ay madali lang napaniwala ni Macey, but not him! He will protect his family and wealth.

"In your dreams, get out!" Galit na sigaw nito. Buti nalang at tapos na sagutan ni Macey ang lahat ng assignments nila.

Lumabas si Macey ng kwarto ni Zander na nagpipigil ng kanyang mga luha.

Pero pagdating sa kwarto niya ay tuluyan na siyang napaiyak.

But she will never surrender. Kakayanin niya. Mukhang may pag asa pa siyang maalala ni Zander.

Susubukan niya parin at hindi susuko.

At nakatulog siyang may luha ang mga mata.

*******************************
SOREDAD UNIVERSITY

Pinababa parin siya ni Zander sa kalagitnaan ng kalsada. Buti nalang ay nag book na siya ng taxi.

This time nakahanda na siya. And she will never give up kahit ano pa ang gawin ni Zander.

Pagdating niya sa school same as usual ang scenario.

Si Zander na napapalibutan ng maraming kababaihan.

The Queen is coming! May sumigaw na naman.
Tabi, tabi kayo!

Napaisip si Macey, Ano kaya kung siya ang Queen?

Pero parang hindi bagay. Dahil siya ang wife hehe.

At lumabas na from the crowd ang Queen. Pero nagtaka si Macey, ibang babae ito.

Nasaan si Katrina?

"Good morning my loves, maarteng lambing nito sabay yakap kay Zander." Gusto niyang magselos pero nais niya rin matawa.

Ano ito? Pinandigan talaga ni Zander ang pagiging playboy?

At nakarinig siya ng mahinang tawa sa kanyang likuran. Si Ria, na kanina pa tawa ng tawa.

"Ria, Good morning." Bati ni Macey.

"Hello Macey, this is what I told you yesterday." Sabay tawa ulit habang nakatingin sa kinaroroonan ni Zander.

Napatawa na rin siya. At hindi talaga nakaligtas ang kanyang mga ngiti sa mga mata ni Zander.

Photo Credit to Unsplash

Galit at mabilis itong nakalapit sa kanya.

"Why are you laughing?" Nakakunot noong tanong nito.

Sumeryoso naman si Macey para hindi na magalit si Zander.

"Nothing, may nakakatawa lang kaming pinag-uusapan ni Ria." Sagot niya.

Pero si Zander ay highblood parin.

"Come with me." At hinila na siya nito papalayo.

Nag aalala si Ria pero takot din siyaย  kay Zander.

Sumenyas nalang si Macey na okay lang siya para hindi na ito mag alala pa sa kanya.

Kinakabahan man si Macey pero hindi niya ipinahalata.

Saan kaya siya dadalhin ni Zander?

leejhen ๐Ÿ’ž

Like the story?

Part 1

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-1-c9799b50

Part 2

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-2-92647386

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/dhRVCqb2Qlb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

14
$ 9.36
$ 8.91 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @Olasquare
+ 5
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago

Comments

Just done reading, waiting for the part 4 , infairness na interesado akong basahin to dahil sa pangalan nang babae na katunog nang nickname ko , na mesai ๐Ÿค—๐Ÿ’–

$ 0.05
2 years ago

Kanina ko lang binasa ang part 1 and 2 and sobrang ganda ng story kahit medjo nakakahighblood na character ni Zander ewan ko nalang talaga sayo Zander nangigigil na talaga ako sayo ehh ipagpatuloy mo lang yan ekis ka na talaga sakin hahahha charlunggs, anyways can't wait for the part 4 po. Nice๐Ÿ‘

$ 0.05
2 years ago

Ayay, nalate among magbasa nito. Zander, Zander, ano na naman ang nasa isip mo ngayon, saan mo dadalhin si Macey? Can't wait for part 4๐Ÿ˜Š

$ 0.05
2 years ago

Haha diyan lang naman sa tabi tabi.

$ 0.00
2 years ago

Part 3 na yung story pero saksakan pa rin Ng sungit si Zander kay macey hehehe ๐Ÿ˜ May pagka misteryeso talaga itong si kuya sungit at sobrang playboy pa. W8T ko nalang next episode.

$ 0.05
2 years ago

Haha matagal pa yan.

$ 0.00
2 years ago

Ang lupit mo Zander kay Macey, di kana naawa at napaka playboy mo pa kung hindi ka lang gwapo, hay naku next episode hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Finally third part of playboy release and and who are ready to read this like me I'm just interested to make able to write like you You are absolutely best to do with You're effort

Good evening to you my dearest

$ 0.00
2 years ago

Ano ba yan napakamysterious naman ni zander๐Ÿ˜€

$ 0.05
2 years ago

Haha okay lang naman siya. May amnesia lang haha.

$ 0.00
2 years ago

Pamysterious madam ayaw pa magtapat eh๐Ÿ˜€

$ 0.00
2 years ago

Paganda na ng paganda ma'am leejhen.โ˜บ๏ธ Sungit parin ni Zander. Waiting po ako sa part 4. Susubaybayan ko po talaga ito. โ˜บ๏ธ

$ 0.10
2 years ago

Haha thanks.

$ 0.00
2 years ago

Ang oa mo Zander :), nakapaka playboy mo buti nalang at nagtitimpi pa si Macey.

$ 0.05
2 years ago

Kalma lang ๐Ÿ˜

$ 0.00
2 years ago

Nakakagigil si Zander sis hihi.

$ 0.05
2 years ago

Woww, ako nasa part 2 pa hahaha busy kasi sa thesis ehh kaya diko namalayan.

$ 0.05
2 years ago

Okay lang yan starting tomorrow eh salitan na ang pag update ko sa mga na post na stories. Kaya matagal pa siya matatapos haha.

$ 0.00
2 years ago

Halaaaa... Wait lang po nasa part 3 ka n pla, di ko pa din nasisimulan ito. Huhu. Wait nyo lang po talaga magweekend, masisimulan ko na ito talaga. ๐Ÿคง

$ 0.05
2 years ago

Haha take your time malayo pa siya.

$ 0.00
2 years ago

Buti naman po, medyo nahuhuli na talaga ako dito dahil nabubusy na po hehe.

$ 0.05
2 years ago