Join 81,811 users already on read.cash

It started with a DARE Part 1

33 50
Avatar for leejhen
Written by   518
1 month ago

Lexie:

Black pink in your area...
Black pink in your area...
Black pink in your area...

Alarm ng aking phone.

Waaahhhhh.
Inaantok pa ako!

BLAG!
Ayon patay ang alarm.
Ang ingay kasi.

No worry, I have lots of phone at my closet.

Kapagod, tapos na ang bakasyon back to school na naman tinatamad ako!

Gusto ko pang matulog.

Move your ass Lexie, kung ayaw mong maagaw sayo ang korona bilang top 1.

Graysville Private School

Senior High, here I come...

Sarap mag joy ride with my latest model lamborghini.

I just turned 18 last month and this is a gift from my loving Dad.

Oops, may naka park sa private space ko.

And who's car is this?

Ayun, ang sports car. Pero hindi red kundi blue.
At lumabas ang napaka gwapong nilalang.

John Bryan Clint!

Minsan lang kami magkita when I was at Junior high.

He is the Campus King of Gangster.

Eh ano naman ngayon, I'am the Campus Queen, hindi nga lang Gangster.

"Excuse me." Tawag ko sa kanya with matching nakapamaywang pa. Showing off, my sexy beautiful long legs.

Pero deadma ang beauty ko!

Iniwan ang lola niyo.

Bastos na lalaki.

"Hey! I'am talking to you." Muli kung tawag sa kanya.

Wala parin! Tuloy lang sa paglalakad ang bwesit na Gangster.

Binilisan ko ang aking paglalakad para makahabol sa kanya.

Finally, naabutan ko siya at humarang sa kanyang daraanan.

"I'am talking to you. Nakakabwesit lang." Pinanlakihan ko talaga siya ng aking mga mata. Showing how angry I'am. Pero in a beautiful way syempre.

At last napansin niya na ako.

"Who are you?" Tanong nito.

Me? How come he didn't know me!
That's impossible.

Ako lang naman ang may ari ng School kung saan ka nag-aaral.

"Are you joking? You don't know me, for real? Di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah for real, yan lang pala ang sasabihin mo. Tsk! papansin."
Nag init ang tenga ko sa narinig.

Papansin? How dare him!

"Excuse me, no need na magpapansin at sayo pa talaga. There are many boys in the ocean." Tumawa lang ito.

"You are wasting my time. Miss?" Nakangiting tanong nito.

Aba! Ginagalit talaga ako ng lalaking ito.
In fairness ang gwapo ng smile.
Galit ka Lexie, Bakit nakangiti ka?

"You don't deserve my name. Ang sasabihin ko lang naman, is move your fuc--ng car!"

Huh, ikaw lang ang marunong magtaray. Don't me.

"That's my baby, blue. And why should I move my car?"

Baby blue, gangster ba itong kaharap niya o isang pabebe boy?

"I don't care kahit si Orange pa yan, black, green, combine mo na lahat ng kulay. That is my private space and spot. That place only belong to me."Oh, ano patarayan na.

He smiled again, showing his perfectly white teeth.

Totoo ata ang news ah! He got the killer smile that is worth dying for.

But weh, I will not die. Let him die instead.

Siya lang ba marunong ngumiti. I give him my deadly smile too that every boy are dying to see.

Pero wa epek! Bato ata itong kaharap niya.

Pabebe boy with a stone heart, parang hindi bagay. Ay ewan!

"May bagong rules ba ang school about parking? As far as I know wala naman. And you're name is not written on there. So, please don't waste my precious time. Wait, maybe you want my autograph?

Bumabagyo mga besh. Signal number 10! Ang yabang ng gangster na ito.

"I'am not interested. So, will you move your car or not?" Umuusok na talaga ang ilong ko sa galit.

"Not." Yon lang at iniwan ang beauty ko.

Bwesit na pabebe Gangster with a heart of stone na puno ng hangin at kayabangan.

I'am Lexie Marie Antonette Graysville. Papatalo ba ako? Of course not!

You will not move your car, then don't.
I will move mine, to block yours hahaha.

With an evil facial expression yan.

Tingnan lang natin makaalis pa ba yang baby blue mo, while hugging my baby lamborgh hehe.

*********************
Na bwesit ang morning ko. Pero carry bells lang. Nakaganti naman.

Walking like a queen lang ang peg natin ngayon ah. Papunta na ako sa aming building.

Bawat boys na madaanan ko ay may pa flowers at chocolates pang nalalaman. Welcoming me back.

Oh sabi ko na, ang haba lang ng hair.

"Lexie, flowers for you." May puffy eyes pang nalalaman, eh mukha namang bulldog.
Pero syempre, lahat ng blessings ay tinatanggap.

Giving them my deadly and sweetest smile in return.

"Thank you." May pa twinkle of the eyes pa ang inyong Queen.

Ayon halos himatayin ang mga boys sa aking ganda.

Medyo malapit na akong matabunan sa dami ng flowers at chocolates. At may humabol pa ng napakalaking stuff toys.

Sinalubong ako ng isa sa aking mga alipores. Pero mga best of friends ko ang mga yan.

"Queen good morning. Alam mo na ba ang latest?" Masayang tanong nito.

"Natural hindi, Si Marites lang ang chismosa na madaming alam. Ano ba yan?"Curious kung tanong.

"Ang pinaka gwapong student ng Graysville ay classmate na natin." May patalon talon pang nalalaman si Cindy.

"Pinaka gwapo? Don't tell me..." Nag iisip pa ako kung sino ito.

Then it rings a bell...

Si pabebe boy? Pag minamalas nga naman.

"Si John Bryan Clint?" Di makapaniwala kung tanong.

Ayun ang ate niyo ang laki ng smile.

"Oo, ang gwapo!" Tili nito.

"Huh, ang pangit. Bakit andito yan?" Naiirita kung tanong.

"Tinatanong pa ba yan? Classmate natin ang Campus King of Gangster." OMG! Si Cindy na Parang kamatis ang mukha. Na sobrahan ng blush on at kinilig pa. Ayan ang resulta.

"Tara na nga, tingnan mo yang mukha mo. Ang pula na, next time huwag ka na mag blush on."

" Hindi pwede, everyday ko makikita si Bryan. Kailangan maganda ako." Na budol na ni pabebe boy.

"Ewan ko sayo Cindy. Ang daming bulag na mga girls." At sa di kalayuan, andun ang sandamakmak na mga girl students. Nakapalibot sa Notorious Lethal Alpha Gang.

Pangalan pa lang ng grupo nila ang sakit na sa tenga.
Pero in fairness masarap sa mata.
Puro gwapo. And well, si Pabebe boy ay naiiba ang mukha ngayon.

Naka gel na ang buhok. May mga burloloy sa katawan. At naka black eyeliner pa.

May konting touch of liptint. Pero mas bet ko parin ang morning look niya. Simple lang.

Naka line up pa talaga ang mga girls na magpapa autograph.

I have a bad feeling about this. Everyday na ako ma bwebwesit. Bakit ba naging classmate ko pa siya?

And the bell ring...
Nagsipasukan na ang mga students sa kanya kanyang room.

At pag minamalas ka nga naman. Today ang pinakamalas ko na araw.

Sa dami ng upuan si pabebe boy pa talaga ang katabi ko!

I complained to our adviser and nakangiti lang ito. They are very proud na ang King and Queen are finally together.

Mas maganda daw sa mata kapag seatmate kami.

Buti nalang si King ay tahimik at hindi maingay.

Naka earpod and nakapikit ang mga mata while listening to I don't know what kind of music.

Si Cindy na nasa likod lang namin ay ang ingay at hindi pa nakaka get over sa kilig na nararamdaman.

Earpod is very helpful indeed. Kaka bwesit ang mga tilian at bulungan ng mga girls.

Maka earpod nga bukas.

Buti nalang ang mga boy fans ko ay hindi maingay.
Mukhang ewan lang na nakangiti sa akin with matching kindat pa.

Kaya as much as possible ayokong tingnan sila.

Parang anghel lang si King of Gangster. Ang bait ng mukha pag nakapikit.

Looking at his face closely. Napakagwapo niya nga.
But turn off sa akin ang kayabangan niya at kasungitan.
Feeling gwapo pa talaga.

Eh, gwapo naman siya.

Basta pangit siya sa paningin ko.

Malalabong at magandang pilik mata. Matangos na ilong at smooth and kissable lips.

Lexie pangit siya remember.

Yong kutis lumevel lang sa skin ko.

"Done, checking on me?" Nagulat ako ng bigla itong magmulat ng mga mata at nagsalita.

Na hypnotize ako sandali nang magka eyes to eyes kami.

"Huh, I'am not checking on you. You don't deserve it. May muta ka, ewww!" Haha, mukhang kakainin tayo ng buhay ni King of Gangster.

Kinuha niya ang kanyang phone and check his eyes.

" I can't see it clearly. Paki kuha nga ng muta ko." Sabay bigay sa akin ng kanyang panyo.
Pero mas nagulat ako ng ilapit niya ang kanyang mukha.

Very close at hindi ko mapigilan ang mag blush.

Showing off his killer smile.
1 inch lang ang pagitan ng mga mukha namin.

He is testing me.
Well, I will not give him the satisfaction to win.

"Cindy, It's your chance. Pahiran mo ang muta ni King of Gangster." Sabay abot ko ng panyo.

"Sure, it's my honor."Ang saya lang ni Inday.

Si Cindy ay parang inilutang sa ulap while ang mukha ni Bryan ay hindi maipinta.

Haha, kala mo ha.

leejhen 💞

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/DUqxmkPbulb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty
empty

18
$ 6.32
$ 5.94 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @PVMihalache
+ 6
Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by   518
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

If we take the necessary time and dedication we can succeed in what we propose, grow economically and intellectually

$ 0.00
1 month ago

Ay ang ganda naman ng story hehe gusto ko si ate gurl hahahah feel ko ako siya gusto ko kasi mga babae na ganito. Proceed talaga ako sa part II nito. Hi by the way Im newbies here

$ 0.10
1 month ago

Thanks and welcome to read.cash🎉

$ 0.00
1 month ago

Nakuu.. Ikaw, ate ha. Si Sunghoon at Wonyoung pala ang characters mo dito. 😂 Mga MC sa Music Bank! Hahahaha! Kita ko sa lead image. Si Wonyoung is 14 years old lang yata, looking matured lang. Hehe.

Anyway, nabasa ko na din ito. Nauna lang po yung second part hehe.

$ 0.10
1 month ago

Naku 14 pa pala yang si sunghoon akala ko 18 na haha. Parang bagay yong mukha niya sa bida haha.

$ 0.00
1 month ago

Si Wonyoung po ang 14 alam ko, kasi 2004 liner po sya. Dunghoon ks born year 2002, sa pagkakaalam ko po. So 18 or 19 sya.

$ 0.05
1 month ago

Wala akong alam haha.

$ 0.00
1 month ago

Asus, kunyari ka pa ate. Charot 😂

$ 0.00
1 month ago

Hito na naman po ako abangers haha tsaka maganda po yung gantong genre hehe wattpadian here! HAHA

$ 0.10
1 month ago

Haha medyo ito ata ang genre ko kahit matanda na ako. Pero need ko padin tapusin yong nauna na dalawa. Inaayos ko pa haha.

$ 0.00
1 month ago

Go!po! Waiting lang po ako haha hindi na po ako mamromroblema ng mga babasahin,abang abang nalang po ako sa update nyo haha.

$ 0.05
1 month ago

Wow bagong story na Naman na aabangan Ng lahat at mukhang napaka interesting Ng story labanan Ng gwapo at maganda at parehong mayaman.

$ 0.10
1 month ago

Oo medyo light lang.

$ 0.00
1 month ago

Totally out of ten i it's amazing and that one of the best which is read by me about today I want to tell you are perfect writers that always make the audience happy nice ams smile I just want to tell you enjoy your day and make everyone happy

$ 0.10
1 month ago

Enjoy your day too. Thank you.

$ 0.00
1 month ago

Abangers na ko sa part 2 maganda ganda tu kasi nasimulan ko talaga hehe

$ 0.10
1 month ago

Haha yeah kung kaya ng powers meron na bukas or mamaya.

$ 0.00
1 month ago

Holler up wattpad! :D Takes me back to when.... hehe

$ 0.10
1 month ago

When. november ends lol.

$ 0.00
1 month ago

it's ending. ehehe

$ 0.00
1 month ago

May bago na naman akong susubaybayan,tapos na ba yongnkay athena Di kasi qko nakakapag basa ilang araw na

$ 0.10
1 month ago

Hindi pa haha. Inuna ko na muna ito at least maka chapter 5 lang.

$ 0.00
1 month ago

Ah kaya pala kala ko natapos na biting ako doon eh heheh

$ 0.00
1 month ago

Para na ang akong nagbabasa wa Wattpad sis, maganda siya, next please :).

$ 0.10
1 month ago

Haha next baka mamaya or bukas.

$ 0.00
1 month ago

Okay sis, aabangan ko yan.

$ 0.00
1 month ago

Next please(😍🤗🤗), may bago na naman akong aabangan na story ngayon. Nga pala sis, ano name mo sa wattpad?

$ 0.10
1 month ago

jhenmary haha pero wla masyadong update doon. Dito nauuna.

$ 0.00
1 month ago

Ok noted sis, pero may mga iba kang completed stories dun

$ 0.00
1 month ago

Wala haha starting over again ako eh.

$ 0.00
1 month ago

Part II

$ 0.00
1 month ago

Ayyyyy ang ganda parang Wattpad te wala nabang next? Hehehhe want !ore ganitong girls gusto ko yung katulad ni Lexie heheheh

$ 0.10
1 month ago

Haha mamaya cguro or bukas basta sa Sunday need ko maka chapter 5.

$ 0.00
1 month ago