A Story of Fiction:Duyan

22 72
Avatar for leejhen
3 years ago

Malamig ang panahon at umuulan. Kay sarap matulog pero di ako dalawin ng antok.

Nakatingin sa malayo at aking naalala ang mga pangaral ni Ina.

Fourth year highschool ng ako'y umibig. Pag siya ay nakikita puso ay kay saya.

Hanggang siya ay magtapat na labis kung ikinatuwa.

Siya ay aking sinagot at walang oras at araw na kami ay hindi magkasama.

Ito ay nalaman ni Ina. Pero siya ay umunawa. Tinaggap niya ang aking iniibig ng walang pagdududa.

Isa lang ang kanyang hiling. Pag-aaral ko ay wag balewalain at laging unahin.

Ako naman ay nangako kay Ina, na ako ay magtatapos ng pag aaral para sa kanya.

Dumaan ang mga araw ako ay labis na nalunod sa pag ibig na kanyang dulot.

Ako ay nakalimot....

Pag aaral ay napabayaan.

Aking Ina ay labis na nasaktan habang ako ay labis na nasiyahan.

Katumbas ng aking tuwa ay labis na pighati kay Ina.

At ngayon kasabay ng ulan ang aking luha ay biglang nagsilabasan.

Maririnig ang munting iyak na nasa Duyan....

Ako ngayon ay isa ng batang Ina...

Di na makapag aral, at laging balesa.

Puno ng pangamba ang puso sa kinahinatnan ng aking pagka tukso.

Puno ng katanungan ang batang puso at isip. Anak na nasa Duyan, paano aalagaan? Nang tulad kung walang muwang.

Paano bubuhayin ang batang isinilang. Ang kanyang Ama at Ina ay di nakapagtapos at salat sa kayamanan.

Kahit si Ina ay nasasaktan, ako ay binigyan parin ng pag asa.

Kami ay nagpatuloy sa pag aaral ng aking minamahal. Nasa puso ang pag asa na makamit ang tagumpay.

Kahit kami ay nagkamali minsan. Aming mga magulang ay di lumisan.

Sila ang aming sandigan at ang batang nasa Duyan ang aming inspirasyon para sa magandang kinabukasan.

Kaya mga kabataan diyan. Tukso ay iwasan. Pagbutihin ang pag aaral ng tagumpay ay makamtan.

Iwasan ang madapa ng hindi masugapa...

Yay! It's another Story. And This time I choose a story with a lesson about education.

Early pregnancy nowadays are increasing. But this story of mine gives hope to those young ones who didn't have the luck to avoid the temptation.

We as parents played a very important role on our children.

But we all know that no matter how we keep on reminding them. The decision still lies on our children's hand.

We are only here to guide and lecture them. They are the one who will decide. They are the one who will be responsible in their own actions.

If ever, just if ever this will happen. We parents should not abandon our children.

Specially the Mother's love will always comes first.

Although they committed a mistake. Let's not scold them but instead we should listen and understand their feelings.

We are parents and are their forever guardian.

Giving them our unconditional love.

leejhen ๐Ÿ’ž

Surprise!!

https://branch.wallet.bitcoin.com/dICqaQd6lkb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

14
$ 5.08
$ 4.77 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @MizLhaine
+ 9
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
3 years ago

Comments

Ang gandang ng daloy ng story mo sis parang hango sa totoong buhay,,para hindi tayo maligaw ng landas dapat talaga ay matuto tayong makinig at sumunod sa payo ngnating mga magulang.

$ 0.00
3 years ago

woah. nagulat ako dun sa pasok ng munting iyak na nasa duyan. buti talaga inopen ko yung article. akala ko about lang sa peacefulness of mind kaya duyan kasi ganun unang pumapasok sa isip ko, pahinga. ibang kwento pala. galing. super natuwa ako sa pagkamalikhaing pagkakasulat. nakakamiss magbasa ng mga ganto. sana marami pang makabasa lalo na sa mga kabataan na nagiging pasaway na. magsilbing reminder ito nawa.

$ 0.05
3 years ago

Haha oo nga no relax lang pag nasa Duyan. Sana nga may makabasa pa.

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng flow ng story ate, hindu talaga maikakaila na nangyayari yan true to life now adays at minsan sa pamilya rin talaga nababase kung paano maging handa at maging successful ang mga bata kapag naranasan ang ganyang sitwasyon. And i saw rin sa facebook at MMK na nakapag tapos parin sila sa hirap mg sitwasyon nila or minsan dinadala nila ang baby sa school.at sobrnag nakakaproud sila kasi pinili parin nila makapag tapos despite sa sasabihin ng ibang tao na, kapag may anak kana wala ka ng patutunguhan sa buhay.

$ 0.05
3 years ago

Oh matagal na ako di nakakapanood ng tv haha.

$ 0.00
3 years ago

Patnubay ng magulang ay kailangan :) suportahan ang bawat isa sa pamilya at give love.

$ 0.05
3 years ago

This is possible and unexpected to happen but if ever it will really happened we canโ€™t do nothing but to guide them.

$ 0.05
3 years ago

Kailangan talaga ang pag intindi ng isang magulang oara hindi maligaw sa landas ang mga anak.

$ 0.05
3 years ago

Oo pero sometimes di talaga maiwasan magkamali pero at least di nagkulang sa pangaral.

$ 0.00
3 years ago

Tama sis

$ 0.00
3 years ago

Galing nyo po gumawa ng tula:) napaka talented nyo po,mapa Tula man o kwento ang galing ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜Š

$ 0.05
3 years ago

Naku thanks haha.

$ 0.00
3 years ago

Nabasa ko sa Noise Cash yung Post mo regarding sa article mo ang ganda Ng story nice job sis congratz ๐Ÿ‘

$ 0.05
3 years ago

Salamat.

$ 0.00
3 years ago

Ang galing, talagang lakas ng loob lang talaga para malampasan lahat at hindi dapat susuko agad dahil meron ng bata na kailangan tayo paglaki nila

$ 0.05
3 years ago

This is a great lesson for young ones. Wag padalus dalus sa mga desisyon upang di magsisi sa huli. Mabuti na lamang at bukas ang loob ng magulang para tanggapin ang kanilang mga nagwang kamalian.

$ 0.05
3 years ago

Whatever we commit mistakes, especially to the young adults today parents/ loved ones has always besides us and cheer for us because I believe in saying " blood is thicker and water ".

$ 0.05
3 years ago

Usung-uso sa Pinas, teenage Pregnancy! This piece is really relevant for the present times. Ang maganda sa story, nagpatuloy sila sa pag aaral, and still got their parents' support. โ™ฅ๏ธ Sa ibang cases, di yan nangyayari.

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

$ 0.05
3 years ago

A mother's love is always unconditional. Kahit ano pa man ang mangyari, sila talaga ang magiging kaagapay natin. Naway magsilbing paalala ito sa mga kabataan na pag ingatan nila ang kanilang mga ina, ang kanilang mga magulang.

$ 0.05
3 years ago

Ang ganda ng iyong tula talagang ginawan mo ng tula angniyong tunay na buhay ..

Salamat sa gift

$ 0.05
3 years ago

Hindi siya tunay๐Ÿ˜ Fiction lang di ako naging batang ina haha.

$ 0.00
3 years ago

Nadala ako sa tula di ko napansin yon ha kala ko totoo .

$ 0.05
3 years ago