Poetry Feels #2 by @ladyhanabi
Ama namiy ating kinanta
At paghawak saking mga kamay di inakala
Gusto kong lumingon
At atensiyon sayo'y ituon
Ngunit "mag hunos dili ka iha" sigaw ni konsensiya
Tila nanginginig na ang mga daliri kong nakayapos sa palad niya
Diyos ko, ito na bang sagot sa mga hiling ko?
Siya na ba ang lalaking iyong plinano?
Patapos na ang dasal
At puso ko'y umaatungal
Na sana kamay ko'y wag ng bitawan
Ngunit hiling ko'y di pwedeng pagbigyan
At baka ako'y mapaghalataan
Pagpapalitan ng ngiti
Ay ang aming simpleng pagbati
Kanyang mga matang kumikinang
Na nagdulot sa sistema ko para mawindang
Umupo sa parehong upuan
Ika'y inabangan na akoy tatabihan
At sa pag tunog ng kampana ng simbahan
Umaasang ikaw parin ang aking kaawitan
Tadhana'y mapaglaro
At puso koy muling nabigo
Akala koy siya na
Yun pala isa nanamang maling akala
Lumipas man ang mga taon
Ngunit pagkalinga'y di nag laon
Salamat Panginoon,
Sabina't may plano ka
Dahil sa altar pa talaga kami nagkita
"I do, FATHER"
maligayang bati ko sakanya
At sa aming muling pagkikita
Ako'y labis na natuwa
Dahil wala mang naging siya at ako
At least alam kong masaya kaming pareho
sa tinahak naming buhay at pagkatao.
Special thanks to @Ashma for motivating me to do more and I'm also glad to join "Get Sponsored !!" community
The idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities. For more information, refer to this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b
Join if you want to "Get Sponsored !!"
To my sponosrs @dexter and @Bestie thank you for the support!
Ano namang ulam ko Jan?