Kasabay ng pagliwanag ng kalangitan
Ay sya ding pagdilim ng aking nararamdaman.
Tila ba'y naka-depende sayo ang emosyon.
Lungkot at saya sayo'y naayon.
Di ko maintindihan.
Di ko alam kung ako'y nasisiraan.
Dapat bang maramdaman?
Sa taong turing ay kaibigan?
Kaibigan ba talaga?
O baka iba na?
Pwede bang magmahalan?
Ang dalawang lakan?
Ang tulang ito ay ay gawa ng aking kaibigan. Sya'y nakiusap kung maaari ko daw bang maibahagi sa inyo ang kanyang tula na ginawa para sa isang tao. Nawa'y magustuhan nyo.
nakakabilib naman ang isang tao na may kakayahan na makaisip ng isang mahusay na tula.keep posting dude.