Disappointed to Crypto Market - A Tagalog Article.

15 65
Avatar for kli4d
Written by
2 years ago
Topics: Rant, Tagalog, Blog

Wala sana akong balak magsulat ngayon pero dahil sa current situation ng market, naisipan kong magsulat para lang makapag labas ng saloobin hahaha. Hindi na rin ako mag i-english dahil hindi na ako makapag-isip nang maayos. Siguro may kaunting taglish pag medyo nadadala na ng emosyon, charot. 

So, ayun nga mga mare aware naman siguro tayong lahat na bumagsak na sa $100 or P5,000 ang presyo ng kada isang token ng Bitcoin Cash. To be honest, isa ako sa mga apektado ng pangit na situation ng crypto market. Syempre tulad nyo nagsusulat din ako dito para kumita ng pera tapos makikita mo yung pinaghirapan mo na paunti unting bumabagsak ang value. Actually, okay lang sana na medyo mababa ang value ng BCH as long as continuous din yung pagbibigay ni Rusty, pero hindi kasi ganun ang nangyayari. Naiintindihan ko naman na kailangan ding magtipid ng read cash sa pagbabayad ng mga writers kasi bagsak din ang market. Kaya no choice talaga tayo kundi magtipid at kumapit nang mahigpit. 

Tsaka pansin ko din na medyo hindi maganda ang performance ni BCH compared sa ibang ALT coins. Sa pagkakaalala ko, last time nung naging $18 000 si BTC, nasa around $115 pa si BCH. Pero ngayon, nasa $19 000 palang si BTC, sumadsad na si BCH sa $100. 

Siguro isa sa mga nakaapekto yung issue ng CoinFLEX at sagutan ni Mark Lamb at Roger Ver sa Twitter. Sa mga hindi alam, si Mark Lamb ay ang CEO ng CoinFLEX samantalang si Roger Ver ay isa sa mga investors ng bitcoin.com wallet. 

So ito na nga ang chismis. Ayon kay Mark, nagkaroon daw ng utang si Roger sa CoinFLEX na naging dahilan ng temporary suspension ng withdrawals. Dahil connected ang Smart BCH (SBCH) sa CoinFLEX, pansamantalang hindi magagamit ang SBCH bridge. 

Nagcause ‘to ng mga FUD sa community na maaaring nag-result ng drastic decrease ng presyo sa BCH. Sana diniscuss nalang nila privately para hindi rin nagpanic ang mga tao. 

Anyway, ayun nga nakakalungkot pa rin yung current market. Mag aambag nga sana ako ng pambayad sa gastusin sa bahay pero tuloy tuloy naman pagbagsak ng crypto tapos medyo matumal si Rusty. So bale wala rin. 

Medyo nalulungkot nga ako kanina kasi napag-uusapan namin ni mama na masyado na daw mahal gastusin sa bahay. Medyo nakokonsensya ako kasi di ako makapag-ambag. Tapos mag-aaral pa ako sa private university kasi walang natanggap sa aking mga state universities. Sobrang pressured na ako, awit hahaha. 

Sa mga sponsored ko dyan baka di ko muna ma-renew ang aking sponsorship, sorry. Maghihigpit muna siguro ako ng kaunti sa sinturon hahaha. 

Sana naman magsuspend ng tax sa gasolina. Hindi ako masyadong payag sa pagbibigay ng ayuda. Feel ko mas malaki ang magagastos doon eh. Tsaka di natin sure kung mapupunta ba talaga sa tao yung pera. Syempre dadaan yan sa local government, eh di naman natin sure kung malinis ang kamay ng mga yan. Nung pandemic nga lang, maraming di nakatanggap ng ayuda kasi wala na daw pondo. Pero kung tutuusin bilyon ang nilaan dyan. 

Mas maganda siguro kung i-suspend muna yung tax sa petrolyo. Temporary suspension lang naman eh. Hindi habambuhay. Pag nawala tax sa gasolina, edi bababa ang presyo at mas maraming makakaramdam ng ginhawa. Hindi lang iilan ang magbebenefit. Ganto ang ipinapanukala ni former VP Leni Robredo eh, hindi lang sya pinapakinggan kasi nga oposisyon. 

Pansamantala, tiis-tiis muna tayo sa golden years– panahong ginto ang presyo ng mga bilihin, charot. Pinag-iisipan ko nga kung ito na ba yung time para maghanap ako ng part time job. Kasi kung aasa lang ako dito, parang di na kakayanin dahil sa mahal ng bilihin. 

Tatapusin ko na siguro dito yung article ko. Sana safe kayo sa market crash. Pahinga muna at ilaan ang oras sa pamilya. Matagal-tagal pa ating lalakbayin :)). 

9
$ 2.34
$ 2.28 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @kingofreview
$ 0.02 from @Jeansapphire39
+ 1
Sponsors of kli4d
empty
empty
empty
Avatar for kli4d
Written by
2 years ago
Topics: Rant, Tagalog, Blog

Comments

Yeah, gastusin pa more. At mukhang kelangan ko din ata maghanap ng part time job ngayon. Arat, hanap tayo! Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Nako, kaya pala nagtataka ako hindi nagsspike yung price ni BCH unlike yung ibang alt coins. Wala ako masyadong ipon ngayong June hehe. Pero ok lang kasi dinadalaw naman ako ni R kahit papano. Antay antay na lang muna tayo.

$ 0.00
2 years ago

Nag-migrate na nga ako ng kaunting funds sa ibang alt coins. Sabi nga nila dont put your eggs in one basket hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ngayon ko lang nalaman 'yung chismis hahaha. Lumipat na ako sa ETH UwU

secret lang yan hahahaa

$ 0.00
2 years ago

Safe sakin yang 'secret' mo hahaha

$ 0.00
2 years ago

Same feels lalo sa gastusan sa bahay huhu tapos sa graduation ko lahat sila want sumama HAHAH ang mahal ng pamasahe mula CamNorte pa Albay huhu tas food at tutulugan pa ackk bch beke nemen huhu

$ 0.00
2 years ago

Kailangan ng masidhing pagdadasal para sapian ang market na tumaas hahaha

$ 0.00
2 years ago

Patapos na ang pandemic imbis na umangat na ang economy bakit parang mas bumababa pa.. Hayss..

$ 0.00
2 years ago

Hahahays kaya nga sana bumaba lang nh kaunti bilihin para naman di tayo mahirapan masyado sa buhay 😵‍💫

$ 0.00
2 years ago

Hindi ako masyadong geek sa crypto market pero nakakalungkot yung ganitong scenario haha. Relate ako sa part na paunti unting nababawasan mga earnings mo dahil sa pagbaba ng prices haha. Sana talaga ma-pursue ko na yung Plan B ko immediately hahah.

$ 0.00
2 years ago

Manifesting na ma-pursue mo na yung plan B mo ✊🏻. Claim mo na agad hahaha

$ 0.00
2 years ago

ang daming issues po ngayon sa market at nalilito po ako kuya sa mga detalye. hindi pa kasi ako pamilyar pero tuloy tuloy lang po sa pag susulat.

$ 0.00
2 years ago

Oo oks lang yan. Observe ka muna sa nangyayari. Magegets mo rin yan pag tumagal ka dito hahaha

$ 0.00
2 years ago

Yan pala ang dahilan kaya nagkatrouble sa coinflex tpos may pondo pa ako don huhuhu..di ko muna kinuha ksi bagsak lagi market eh. Kakapagod din mgsulat tpos uubusin lng kita mo dito diba. San ba tayo lulugar nito.

$ 0.00
2 years ago

Opo ate agree. Nakakapagod magsulat pero nababawasan naman ng value ng hawak nating BCH. Sana talaga umangat lang na presyo

$ 0.00
2 years ago