Disclaimer: This article was written in both English and Tagalog. Because I want to express all th memories that I like to discern, maybe I should use more Tagalog instead. You can simply click the globe icon if you want to translate this article at English.
Since I'm a low key fan of Tik Tok, I decided to employ my hobbies into something purposive. Are you also a fan of Tik Tok where you can watch random videos, then you can give it a heart? I guess that I'm not the only one.
Supposedly, there has a trending sound on Tik Tok which is from a track of Taylor Swift entitled Style. If you are an avid fan or let's we say you are one of her supporters, we can clearly depict that the song she produced is originally intended for Harry Styles.
Balik tayo sa Tik Tok, marami akong napanood na entry about sa trend na ito. Dahil rito, lalo kong na-miss na magkaroon ng klase kahit puro tawa lang ang ambag ko. Base sa mga bali-balita sa social media, may plano na raw ang pamahalaan na ibalik ang klase sa piling lugar simula sa November 15. Sa tingin niyo, sang-ayon kayo sa panuntunan na ito?
Habang nag-s-scroll ako sa Tik Tok, napapangiti ako sa entry nila kahit mukha akong sira. Though kill joy ako sa ibang mga katatawanan nila, hindi ko pa rin maiitanggi na na-mi-miss ko lahat ng kabulastugan na ginawa nila. Sa katunayan, sila ang bumuo ng happy memories ko, at hindi tulad ngayon na hindi na unforgettable. Tara na at simula na natin. Sorry kung hindi ako sanay gumawa ng ganitong article.
Entry #1
Aminin 'man natin o hindi, hindi natin maiiwasan na marinig sa mga kababaihan na tumili kapag nakakakita ng guwapo. Dahil dito, naalala ko 'yung time na may mga universities na nanliligaw sa amin para i-promote ang kani-kanilang school. Actually, may COVID na nung mga panahon non pero overcrowded pa rin kami.
Kung hindi ako nagkakamali, may mga representative sa school nila para i-present 'yung uniform ng kanilang school. And then, 'yung mga girls na ka-batch ko ay tili ng tili. As usual, may pogi kasi na representative nila habang ako ay uwing-uwi tapos ang init pa sa pwesto ko. Nakaka-boring talaga 'yung ganoong ganap since ga-graduate na kami that time, and alam ko naman na hindi ako mag-a-aral sa Metro Manila.
By the way, pogi nung captain 'no? Sana all na lang hehe. 'Di ko lang alam kung ano 'yung real name niya haha. Kayo na lang maghanap ng pangalan niya kung naka-public ba or hindi.
Entry #2
May bigla ako naalala rito. Grade 10 ulit kami nito, may adviser ako na may pagtingin sa English teacher namin. Personally, likeable naman talaga si Ma'am Precious (real name niya) kasi nga maganda, magaling magturo, mabait, at hindi nauubusan ng lesson. Personally, binibiro siya nung kaklase namin na magaling rin since tapos na 'yung taga-ibang section sa lesson, tapos nagtuturo pa rin siya. She's literally hindi nauubusan ng topic, you know. At least, marami akong natutunang maganda sa kaniya compare sa previous teachers ko na sobrang tamad magturo.
Kung si Sir Mark naman ang pag-u-usapan (siya adviser ko noon), mabait ng slight, magaling magturo kahit nakakalutang ang subject niya, then malapit sa estudyante. Since malakas ang amats (tama in general) ng co-Grade 10 ko na kaklase, napagdesisyon nila na ipagtambal sila sa isang picture. Naalala ko nga 'non na general practice ng cheerdance non kasi malapit na siya, tapos nasa isang court lang sila. Wala lang, mas masaya siguro kung walang emergency na suspension. Sayang lang 'yung SHS experience ko, 'di ko na-enjoy.
Entry #3
Alam niyo ba yung laro na ito? Naalala ko na ipina-activity sa amin yan sa Science. Hindi ko na masyado naalala buong ganap diyan pero nangyari ito nung Grade 9 kami. Nakalimutan ko na kung para saan ito, but I guess that it's about physics. Basically, pagpapasahan lang nila 'yung itlog gamit ang panyo at the same distance, and kailangan nila masalo. If hindi nila masalo, there has a high risk na mababasag 'yung itlog. Sayang lang at hindi ako napabilang rito kasi sobra kami ng member kaya ako na lang nagpaubaya. Mas okay na yon kasi pagtatawanan lang ako ni Ma'am eh haha.
Entry #4
Grabe, ang aggressive nung naka-chequered. May naalala ulit ako, awit. Nung year-end party kasi namin, may ginawa rin na ganito para masaya. Since nakasama na ako sa laro na may cookies sa noo mo tapos kailangan mapunta yon sa bunganga mo, kahit pwede na akong 'di sumali diyan.
Yung kaklase ko rito, kasama rito tapos nagpasa-pasahan sila ng card hanggang sa finish line. May actual picture pa nga ako nung relay na 'yon, but I decided to hide it for their privacy na rin. Mukhang nakalimutan niya na 'yon kaya huwag na natin ipaalala.
Likewise, nagpapasahan sila ng card tapos 'yung kaklase niya na papasahan niya ng card, accidentally niya na nahalikan. As in, direct kiss. Ayaw pa nga niya na maniwala sa incident na iyon eh. Howeveer, may picture na nangyari yon kaya wala siyang takas. Wala nang klase non kinabukasan kaya napag-pasyahan namin na talakayin namin siya through Messenger.
Bawi-bawi lang yan kasi pinagtawanan nila 'yung mukha na kinukuha 'yung cookies, aguy. Though isang taon na mahigit ang lumipas, natatawa pa rin ako sa mga chat niya kasi 'di talaga siya makapaniwala.
That's all for this soup article, and this article was written in Tagalog, so expect not so perfect grammars. Ikaw, anong kuwentong F2F mo?
Walang ng mas sasaya sa High school life, ang daming ganap. Ako noon kapag may event sa school talagang halos mag aalaas dose nakong umuwi hahaha pero nung nag college na wala na. Parang nawalan nako ng gana. Panira lang kasi yung COVID hahays...