This is a Filipino language Please use translation for this who are from other countries...
Ngayon ay Buwan ng Wika, kaya ngayon ay gagawa ako ng tagalog na article o artikulo para sa araw na ito. Pero di ako sanay sa buong tagalog kaya, hahaluan ko na lang ng konting english haha.
Ano ba ang Buwan ng Wika?
Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.
Walang iisang wikang sinasalita sa kapuluan ng Pilipinas nang dumating ang mga Kastila. May tatlong pangunahing wikang sinasalita sa kapuluan, ang Kapampangan, Ilokano, at Cebuano. Dahil ang mga wika sa Pilipinas ay magkakaugnay at madaling maunawaan ng mga katutubo, karamihan sa mga mananalita ng higit na maliit na wika ay nakapagsasalita ng dalawa o higit pang mga wika.
Ang source ay galing sa Wikipedia.
So yun nga, every month of August ay Buwan ng Wika (Oh diba nagenglish hahahaha)
This time, ishe share ko sa inyo ang aking mga karanasan sa buwan ng Wika. Mga past experience ko simula noon.
Sa school, every time na merong Buwan ng Wika, matik na laging may event sa mga schools yan. Parang naging.. tawag dito... karanasan na sa pag celebrate tuwing Agosto. Iba't ibang events. (Ang hirap talaga pag pure Filipino salita hahaha)
So yun nga, sa school, laging may event. May mga bad at good memories din ako sa event ng Buwan ng Wika.
Yung mga panahon na iyon, sumasali ako sa mga gantimapalak, paligsahan o contest na tinatawag sa english.
Mahiiig ako sumali sa mga paligsaan noon. I'm like a competitive person. Sumasali ako sa mga drawing/arts contest, nakibahagi sa mga group class dancing contest (of course, dance din ako), tapos, sumasali din ako sa mga contest like, essay at story writing competition.
Nung panahon high school, sumali ako sa mga drawing/art contest. Isang beses lang ako nanalo. Pero hindi first place. 3rd place lang, pero ayos lang at least tinawag ang pangalan ko at pinarangalan sa stage. Masarap kaya matawag name mo sa stage para bigyan ng award.
As I mention, sumali din ako sa paligsahan ng essay writing contest at Story writing contest.
Di man ako nanalo sa essay writing contest, kahit papaano eh nagenjoy naman ako sa pagsusulat.. Ngunit ang hindi ko lang nagustuhan ay yung, sa Story Writing Contest. Di ko lang gusto naging resulta. Parang may naganap na lutuan pero wala akong magagawa. I was only placed at 3rd. Hindi ako nageexpect pero mali talaga...
Story Writing Contest, oo mahilig ako magsulat. Writing a story is like a part of my life. I've been writing for 20+ years of my life, yun nga simula nung 7 ako, nagsimula na ako magsulat ng kung ano anong mga storya galing sa aking kathang isip o imagination at sa panaginip. Kahit hanggang ngayon nagsusulat pa rin ako. Ah, if gusto niyo mabsa mga istorya ko, meron din akong mga nai-publish dito sa read.cash. Marami nang storya ang aking na ipublish dito.
So yun na nga uli, di ko lang talaga nagustuhan yung resulta ng winners noong time na iyon. Narinig ko iba sa kanila eh kumuha sa internet at sa mga old stories, pero nanalo. Habang ako eh, sariling storya talaga ang ginawa ko.
Baka nga siguro hindi talaga para sakin ang paligsahang ito, kaya hinayaan ko na lang...
Nung college naman ako, bagong lipat lang ako, at wala pa ako alam sa school na iyon, narinig ko, tuwing Buwan ng Wika, every year, ginaganap ang Battle of the Bands. Tugtugan ng mga grupo. Gusto ko sana sumali kaso, wala pa akong kilala sa mga time na iyo at masyado akong mahiyain yung time na yun hahaha.
Araw ng paligsahan ng Battle of the Bands, nagstay ako doon para makinig. Kasi nga mahilig din ako makinig at manood ng mga live bands.
One time, magpeperform na dapat yung, isa ngunit nagkaron sila ng problema, they were the same section as mine. Nagkaproblema sila, yung drummer nila hindi dumating at nagkasakit. Mag fo-forfeit na dapat sila, at ng bigla ako nagtaas ng kamau. Di ko rin alam bakit ako nagtaas ng kamay lol. Nagtaas ako ng kamay at sabi ko, marunong ako magdrums. No choice kesa magforfeit sila, sayang din. Points din yun sa school subjects namin.
So, yun, pumayag naman mga judges since same section ko naman sila at wala akong ibang team na sinalihan. Hindi ko alam kung ano tutugtugin nila, pero yun, sinabayan ko na lang and doing my own style.
Heto yung picture na sumali ako as back up drummer. So far, nagenjoy din ako. Pinangarap ko rin kasi sumali sa mga live bands. Lagi na lang din kasi ako tumutugtog ng mag isa hahaha.
Di man nanalo yung grupo nila, pero ayos na rin, as long as I enjoyed din sa pagdrums...
Ilang taon makalipas at nagaaral pa rin ako sa College. The day before I quit in studying, nagkaron naman ng paligsahan sa Cosplay.
Cosplay o tinatawag na Costume play. Ito ay isang aktibidad at pagganap ng sining kung saan ang mga kalahok na tinawag na cosplayer ay nagsusuot ng mga costume at accessories sa fashion upang kumatawan sa isang tukoy na tauhan. Ang mga cosplayer ay madalas na nakikipag-ugnay upang lumikha ng isang subcultural, at ang isang mas malawak na paggamit ng term na "cosplay" ay nalalapat sa anumang naka-costume na papel na ginagampanan sa mga lugar na bukod sa entablado. Ang anumang nilalang na nagpapahiram sa sarili sa dramatikong interpretasyon ay maaaring makuha bilang isang paksa. Kasama sa mga paboritong mapagkukunan ang anime, cartoon, comic book, manga, serye sa telebisyon, at mga video game.
That's me! I copied, Haseo from the anime Hack.//roots. I won the first place for the first time lol.
Lol with my belly.
Nageexpect ako magkaron ng premyo oo. Trophy or anything. Pero sabi samin, next week daw ibibigay from our club teacher. Nageexpect ako ng malaki kasi last year na ginaganap ito, worth 5000 pesos or worth $100 ang binigay noon sa winner pero hindi ako sumali that time.
Nung kukunin na namin yung prize... Parang may mali... 500 pesos/$10 lang ang binigay. Nagtanong ako bakit... Ang sagot ng Head teacher, hati hati daw yung 4 na nanalo. Kahit daw 2nd or 4th same din daw sa 1st... Bakit ganun. Gusto ko magreklamo, pero hindi ko na tinuloy. wala din binigay man lang na award, trophy o certificate...
Parang wala lang sa lahat ung effort na ginawa ko. Ako mismo din ag gumawa ng costume na yan. DIY. pinaghirapan ko tapos.... sigh... Siguro nga talagang malas lang talaga ako sa mga pacontest... kaya hindi na ako umaasa sa mga pacontest simula ng yan... At hindi na rin ako mageexpect kung malaki o maliit ang bigay. I know for sure, everything will be the same. Malas lang siguro ako sa mga ganitong bagay hahaha.
Anway... Yun lang.
Salamat sa iyong mga time bumisita sa aking article..
PS: It's really hard to put in tagalog words hahaha. I can't still make it pure tagalog hahaha.
End...
jiroshin/Joshua14
"Jiro, the Crazy artist of #Club1BCH."
ang cool mo sadrums tingnan hehehe..at bakit ang unfair ata pinaghirapan mo yung costume tapos pare pareho lang kayo nang premyo..baka nabulsa yun