My everyday routine
Hello universe and magandang araw sa lahat,kamusta naman ang araw niyo...dito medyo malamig padin kasi maaga pa bumagsak ang ulan!sana hindi uminit ng tudo mamaya..
Maaga akong nagising kanina mga 6am gising na ako kasi tinignan ko ung tampurorot kung anak hindi kasi tumabi sakin kagabi kasi tinanggalan ko ng selpon para makatulog na sana siya kaso ang ending ayun umiiyak ng umiiyak at ayaw na tumabi sakin kaya pumunta siya sa ate niya at dun tumabi hahaha..kaya pag gising ko nilambing2 namin ayaw padin magpalambing kaya gina ko binilhan ko siya ng oreo sa tindahan at tinimplahan ng dedi para lang mapaamo hahaha,,tapus nung napaamu kuna siya napapahayy naku nalang ako sa sarili ko natatawa nalang yong papa niya habang naka tingin sa amin..hahaha tampuhin talaga itong pangatlo kung anak na lalaki kung anung gusto niya gusto talaga niya hindi siya nauuto kaagad kaya minsan kisa sa pagalitan nilalambing nalang namin siya,sana bunso na ito kasi ang hirap mag alaga ehh,,ang kukulit ng mga bata ngayon..
Tapus nagluto lang ako ng sinangag at itlog para sa almusal nila ng mga bata sila lang nag aalmusal sa umaga ako nagkakape lang at tinapay,hinaluan ko lang ng hotdog at carrots yong sinangag hiniwa ko sa maliliit ung carrots para mabilis maluto,at pagtapus kung magluto nagtimpla nadin ako ng kape para makakain na muna yong asawa ko bago umalis papuntang work niya mahilig din siya sa kape kapag umaga lang
Pag alis ng papa niya ginising kuna din yong ate niya para bantayan siya kasi lalabas ako bibiling ulam..gulay lang din ang binili ko more on gulay kami kapag paubus na ang budget hahaha pero bihira lang naman talaga kami magkarne,,buti na nga lang at kumakain na ng gulay ang mga anak ko..chupsoy nalang din yong niluto ko para sa tanghalian namin sinahugan ko lang ng chicken kasi un nalang ang laman ng ref namin at wala ng iba haha..tapus kapag my natirang ulam sa tanghali yon nalang din ulit ang inuulam namin sa gabi para di masayang..sayang din naman kasi kung itatapon lang at magluto ng bago...
Tuwing sahudan bumili ako ng stock namin para sa loob ng 15 days,bumibili ako ng isda,itlog,hotdog,balunan,at chicken na pansahug sa mga gulay,pero yong gulay hindi ako nag e stock ng gulay kasi mabili lang din masira ehh,,lalabas nalang ako sa umaga para bumili ng gulay kasi malapit lang naman tindahan ng gulay dito sa labasan namin..
Maraming salamat sa matyagang pagbabasa,,
Sa aking likers at upvoters maraming salamat
Yeah i maintain it,,coz i dont have a big budget.....