Bagyong agaton

4 28
Avatar for jhajha03
2 years ago

April 12 #6

Umpisa kahapon ng umaga nag abang abang na ako ng balita sa amin kasi tuloy tuloy na ang ulan at dahan dahan na din tumataas ang tubig sa ilog at kinahapunan lalo pang lumakas ang ulan at dahil sa paglakas ng ulan tuluyan ng tumaas at umapaw ang tubig sa ilog na naging sanhi ng baha at lumubog lahat ng palayan at taniman ng mais at dahil hindi humina ang ulan kagabi pati tulay nilagpasan na ng tubig baha..nakakalungkot lang kasi umaasa yong mga magsasaka na my aanihin silang mga pananim nilang palay at mais pero sa isang iglap lang nilimas lahat ng baha na dala ng bagyong agaton mabuti na lang wala dalang malakas na hangin

Kapag ganito kataas ang tubig maraming silang nakukuhang isda like karpa,hito,dalag malalaki dala siguro yon ng baha,kasi kapag walang baha bihira ka nalang din makakuha ng malalaking isda sa ilog pero kapag my baha ang daming malalaking isda,

Ito yong palayan na hindi na nakita dahil sa baha na yan...kuha yong picture kaninang umaga hanggang ngayon umuulan padin pero dina ganun kalakas kung ganu kalawak yong tubig ganyan din kalawak ang palayan na nilimis niya walang tinira kahit na unti,

Tapus ito bahay ng 2nd pinsan ko pinasuk ng baha yong bahay nila kaninang umaga kaya ayan dali dali nilang nilalabas ung sako sakong palay nila halos basa na ang mga palay..

Ayan madami na silang nailikas na mga sako sakong palay nila at tinakpan nlang ulit kahit basa na talaga ang mga palay sana uminit bukas para mabilad nila kaagad picture not mine gin screenshot kulang yan sa fb ng 2nd cousin ko...

Yong palayan ng papa ko wala ding natira naubos din lahat ni baha,kaya mag uupisa na naman ulit sa umpisang pagtatanim sayang lang talaga ang binhing palay,,filtelizire at mga gamot sa palayan ang mamahal pa naman ng mga gamot sa palay tapus biglabg nilimas. tapus yong bahay ng tita ko pinasok din ng baha kaya sa taas ng bobong nalang sila nagpalipas ng buong gabi hindi sila narescue kaagad,, kanina hapon lang sila natulongan at mabuti nalang at walang ibang napinsa sa lugar namin di tulad sa ibang lugar madaming nadisgrasya gawa ng landslide,,

Ito yong sa mismong city namin halos lulubig na din yong mga bahay sa baha ang lakas talaga ni agaton walang pinalagpas!ang tapang talaga ni agato. Pinaramdam talag niya na malakas siya hahaha ang hirap na nga ng buhay lalo panghihirap dahil sa bagyo na to ehh

Sana umalis na si bagyo at wag ng bumalik pa,,,kawawa ang mga taong nasasalanta ubos ang kabuhayan nila..

Maraming salamat sa pagbabasa at ingat po tayong lahat!

2
$ 0.26
$ 0.21 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
Avatar for jhajha03
2 years ago

Comments

Grabe talaga nakakalungkot isipin ang nangyayari pag may bagyo. Daming nasisira at dami din namamatay. Sana wala na susunod pa.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga po sana wala ng susunod pa!

$ 0.00
2 years ago

Salamat po

$ 0.00
2 years ago

Sending prayers po sa mga affected

$ 0.00
2 years ago