Kung Maibabalik Ko Lang

2 40
Avatar for jekai_88
3 years ago
Topics: Life

It has been days since the last time I wrote an article since I can't seem to find any topic to write. I actually thought that since there are a lot of challenges here on read.cash that I can use as a topic, it would be easy for me to right one, however, I was wrong. The Question and Single topic is not appropriate for me since I am not single anymore, while the Buwan ng Wika challenge is not easy at all. At first, I thought its just a piece of cake but it's not. It maybe a piece of cake but a big one though. I actually don't have any plans on doing the Buwan ng Wika challenge,not until right now, while I am putting my youngest and my niece to sleep, the title suddenly popped up and triggered me to right something right now. So, without much further ado (naks,emcee lang?LOL), let me begin my entry.

  • PS: I have a feeling that this article would be a Tagalized version of my Would You Rather article.

Sa mga nakalipas na araw, sa mga nangyayari sa buhay ko, hindi ko maiwasang hindi mapaisip, kung hindi ba ako nabuntis ng maaga sa edad na bente uno, naging mas maganda kaya ang buhay ko? Naging mas masaya kaya ako?

Araw ng pasko ng makumpirma kong buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na yun kasi hindi kasama sa mga plano ko ang pagbubuntis ng maaga. Kakapasa ko pa lng bilang isang ganap na guro noon, at ang pagtuturo ang syang tuon ng attensyon ko upang matulungan ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral. Naisip kong palaglag ang bata pero nakonsensya ko kaya wala akong ibang ginawa kundi sabihin sa tatay ng bata ang kalagayan ko na malugod naman nyang pinanindigan. Natakot akong ipagtapat sa tiyahin ko ang kalagayan ko dahil alam kong nabigo ko sila pero wala akong magagawa kundi aminin sa kanila. Agad kaming ikinasal kasi bilang isang guro, hindi kami maaaring mangturo na buntis na walang asawa.

Sa totoo lang,hindi naging maayos ang sitwasyon naming mag-asawa. Hindi din magkasundo ang aming mga pamilya, na muntik ng humantong sa hiwalayan namin. Pati asawa ko,hindi na rin naging maayos ang pakikitungo nya sakin. Naging mahirap para sa kin ang lahat. Unti-unti naayos din kmi, pero hindi ang mga pamilya namin.

Hindi rin naging madali ang buhay namin,hanggang ngayon. Nakikitira pa din kami sa bahay ng mga biyenan ko, kasama ang mga kapatid ng asawa ko. Mahirap, magulo, nakakapagod. Nakakapagod, kasi nakikitira lng kami at hindi ko hawak ang desisyon sa bahay. Nakakapagod, kasi mas madami yung pagkakataong nag-aaway kaming mag-asawa kahit sa mga simpleng bagay.

Nagsisisi ba ko? Oo, sobra-sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Masaya din naman ako kasi nandiyan yung mga anak ko pero mas matimbang yung pakiramdam na sana hindi ganto ang buhay ko, sana mas responsable yung naging asawa ko, sana hindi kami naging marupok, yung mga ganong bagay ba.

Minsan iniisip ko, kung naging mas maingat ba kami noon, hindi siguro yung asawa ko ngayon ang asawa ko. Siguro hindi yung mga anak ko ngayon ang magiging anak ko, alam nyo yun, yung mga ganun. Kaya nga, kung papipiliin akong bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap, hindi akong mag aatubiling bumalik sa nakaraan. Kasi gusto kong itama lahat ng maling desisyon ko sa buhay, kasi alam ko ako mismo ang may gawa kung anumang sitwasyon o buhay mayroon ako ngayon. Wala akong pwedeng sisihin kundi sarili ko lang, hindi naman ibang tao ang nagdesisyon para sa kin eh, kundi ako.

Alam ko, nasa akin din ang solusyon kung paano ko maayos ang buhay ko at ng pamilya ko. Kaya ko namang mapagbuti ang buhay namin eh, pero siyempre hindi ko din naman maiwasang isipin yun,kasi lahat naman tayo eh, hindi lang ako ang nagkamali sa mga desisyon natin sa buhay, at alam ko, karamihan din satin iniisip kung anong klaseng buhay mayroon tayo kung hindi lang dahil sa maling desisyong iyon. Wala naman sigurong masama kung paminsan minsan ay isipin natin yung mga "Paano kaya" sa buhay natin.

4
$ 2.02
$ 1.92 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ZehraSky
Sponsors of jekai_88
empty
empty
empty
Avatar for jekai_88
3 years ago
Topics: Life

Comments

Grabe, sa pagkakabasa ko pa lang ng article mo, nararamdaman ko yung hirap at pagsisisi mo. Wala akong ibang masasabi kundi sana magkalakas ka para kumawala sa lugar na di ka na masaya. Aanhin yung masasabing kasal ka nga pero puro away naman. Aanhin yung masabing buo nga pamilya niyo pero nakikita at naririnig sa inyo ng anak niyo ay puro away lang din. Hindi mo na mababalikan ang nakaraan pero ngayon pwede mong baguhin ang kinabukasan mo. Hahayaan mo bang pati sa future, pagsisisihan mo yung miment na di mo ginawa best mo para maging masaya at mas pinili na lang magpakalunod sa pagsisisi?

$ 0.00
3 years ago

Thanks for the upvote sis,and thank you din sa payo. Yung pag aaway naman namin kahit papano eh sinisigurado ko namang di nakikita ng mga bata kasi ayokong maging pangit ang tingin ng mga bata samin. Kasi ayokong matanim sa isip nila na okay sa mag asawa ang nag aaway. I have also decided na mag usap kaming mag asawa ng masinsinan para ayusin yung buhay namin,and I want to be open din na sa kanya about sa mga nararamdaman ko para mas maintindihan namin ang isa't isa. Again,thank you sa payo mo and I really do appreciate it. ☺️☺️☺️

$ 0.03
3 years ago