Minsan sa may Kalayaan, kami ay naging magkaibigan...

6 19
Avatar for jasglaybam
3 years ago

Natatandaan nyo ba ang Eraserheads or Eheads?

Teenager pa lang ako, siguro mga 11 or 12 nung marinig ko yung kanta na "Minsan" ng Eraserheads. Kasagsagan ng summer noon, masayang masaya kami ng mga kabarkada ko sa mga kalokohang pinaggagawa namin at syempre, sa paglalaro ng patintero, tumbang preso, Chinese garter, holen atbp.

Isa ito sa mga kantang sikat na sikat. Naalala ko pa ang paggigitara ng kaibigan ko habang sinasabayan namin ang kanyang pagkanta. At nasabi ko sa sarili ko na paglaki ko, makakapunta din ako ng Kalayaan at makakahanap ng mga good friends.

Yes, napadpad ako sa Kalayaan, finally...Pero paano?

Isang araw nagaway kami ng mga pinsan ko, sobrang tindi na kailangan ko umalis ng bahay at sa tulong ng isang kaibigan ay lumayas ako. Napadpad ako sa West Rembo, Makati City. Ang Makati ay sobrang kakaiba sa Maynila. Nakakagulat ang mga tao sa Maynila, sobrang matatapang at mapagmura, sorry po. No offense meant.

Nakakahiya namang maging pabigat sa kaibigan ko at sa partner nya so umalis ako at nagboarding house...At saan? Sa may Kalayaan! Actually, Lawton ang tawag sa kanya. But anyways, nakahanap ako ng mapagmahal at mababait na landladies. Ipinakilala nila ako sa mga boarders na naging mga kaibigan ko na rin.

Ang picture na to ay kuha sa pinakaunaunahang Trick or Treat namin. Mga isip-bata kami, gusto naming magsaya at maglibang kasi we know we deserve it. Most of my friends here are breadwinners. Believe me, mga magagaling at mga competitive ang mga yan. Hayy, nakakamiss. Sinu-sino nga ba ang nasa pic nato? Sila ay sina:

  • Baby Girl- Sya ang pinakabata sa boarding house. 15 or 16 pa lang sya nung naging kasama namin sya. Nagaaral sya sa UMAK at wag ka, Magna Cum Laude yan nung grumaduate. Kami ang kasama nya sa mga birthdays nya. He makes us laugh kasi sobrang bait at inosente. I am proud of him talaga.

  • Chase- Nasa Netherlands na ata sya ngayon. Siya ang pambansang resource queen namin. Kaya lang, nakakatakot pag nalasing hehe. Sa sobrang daming gamit pwede ka nya pahiramin ng halos lahat ng wala sayo, lol.

  • Melvin- Si Manager ng McDo. Madiskarte, gwapo, at matalino. Di ko sya crush ha..Nakakatakot din sya kung matipsy. Isa sya sa mga magaling magorganize ng mga kung anu-ano sa boarding house. Mabait na kuya sa mga kapatid nya.

  • Carl-Yang nakataliko si Carla or we call him Carla. Bata pa lang yan pero ang laki na ng kinikita. Isa sya sa mga directors ng sikat na salon dito sa Manila. Napakagenerous at talagang maasahan na kaibigan. Carl, you are a gold just like your favorite song.

  • Ryan-Matalinong bata. Proud ako sa iyo Rye, kahit di ka na nagrereachout sa akin after ko umalis sa boarding house. I miss you and Earl and how I wish things were the same. But sadly, you both have moved on without me in your lives. I still love you bro.

  • Earl-The last in the pic. He was my soulmate and a good friend. I am not sure if what we had was something romantic but I believe it was mutual. Kung umamin ka sa akin baka may chance pa tayo. Guy kasi ang ginusto mo, andun naman ako palagi. Ikaw ang pantasya sa boarding house. Seriously, I hope you will find someone who will love you for what you are, wholly, without any judgement because you deserve it.

  • Kate-Si Katy Perry. Isa sya sa pinakamaganda at sexy sa boarding house. Ang liit ng bewang, parang barbie pag nakatalikod at si Chuckie pag nakaharap. Biro lang. Sya ang the last woman standing pagdating sa inuman, matulungin, palangiti at parang lalaki kung tumawa. Miss you Kate.

Iilan lang ang mga kaibigan na ito ang nagbigay ng kulay sa buhay ko. Marami-rami pa sila pero baka di na kasya dito at baka maluha pako. Lumalabas kami para magfood trip, magkape, maglaro, magvideoke at minsan, kahit maglakad-lakad lang. Naalala ko pa ang Padi's time namin, umuuwi kaming mga bangag at may mga hangover kinabukasan pero go parin. Nagpupunta kami sa Antipolo para magswimming tuwing New Year. Nagoorganize kami ng events sa boarding house, minsan cooking, minsan fashion show, minsan movie marathon, at minsan nagmi-Mercato kami. How I miss these guys. Looking back, napapangiti ako tuwing naalala ko sila at mga kalokohan namin.

Natatawa talaga ako sa Trick or Treat night sa picture na'to, nagbugbugan yung kaibigan naming Chef against dun sa bisita nya kasi binastos yung mga babae sa boarding house. Napuntahan kami ng MAPSA at nakulong pa si Anthony, yung close friend din namin. Pero it did not stop us to still have fun at magEmpi Lights every Friday night lalo na sa araw ng sahod.

Sana kahit saan man sila ngayon ay maaala nila ako, yung mga advise ko at mga naging ambag ko sa buhay nila. At sana paglaki ng mga anak ko ay maranasan nila kung gaano kasaya magkaroon ng mga cool and good friends.

...

This article made me want to share more about my life... And I believe it is about time...

Char...Ikaw ano'ng kwento'ng b-house mo?

Thank you for reading!

3
$ 1.14
$ 1.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.02 from @Bloghound
Sponsors of jasglaybam
empty
empty
empty
Avatar for jasglaybam
3 years ago

Comments

Ang saya naman. Saya talaga pag may friends. Listening to eheads now :D

$ 0.00
3 years ago

Thank you po sa mga tips ninyong lahat. Yeah bittersweet memories :D

$ 0.01
3 years ago

Walang anuman :)

$ 0.00
3 years ago

:D

$ 0.00
3 years ago

Nakakatuwa naman yan, sis. Pati Eheads hehe. Batang 90's!

$ 0.05
3 years ago

Hehe those were the days! Batang 80s ako but the 90s were the best!

$ 0.00
3 years ago