Pano Ba Magmove-on?

4 16
Avatar for jameyka
4 years ago

Pano ba mag move forward? Ang daling ipayo, ang daling sabihin. Pero pag ikaw na mismo yong nasa sitwasyon nakakatanga, nakakabuang. Pilit mong binabaling sa ibang bagay, alak para panadalian makalimot. Kaibigan na paulit ulit na nagpapayo at nagsesermon sayo pero tagos lang sa kabilang tenga. At minsan pa nga umaabot pa sa puntong hahanap ka ng panakip butas kahit alam mo sa sarili mong mali, maibaling lang ang atensyon. Umaasang madaling makabangon sa lungkot at sakit na dulot ng kahapon.

Hanggang sa dadating ang tamang panahon. Panahon ng paghihilom. At dun mo maiisip na hindi mo kailangan gumawa ng mga hakbang na makakasakit ka sa iba, at masasaktan ka ding pabalik. Mga bagay na mali na akala mo ay yon ang dapat gawin dahil sa pag aakalang parte ito ng paglimot.

Hindi mo kailangan gumamit ng ibang tao, upang masabi mo sa sarili mong ganap ka ng masaya kahit wala na sya. Hindi mo kailangan lokohin ang iba, maging ang yong sarili masabi lang na limot mo na sya. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo sa mga bagay na hindi dapat dahil hindi problema ang solusyon sa isa pang problema.

Mas maigi pang iiyak mo lang ng iiyak. Hanggang sa mapagod ka. Pero walang pagsukong salita. Hayaan mong lunurin ka ng lungkot at sakit dahil parte ito ng pagmamahal, at proseso ng pagbangon. Hanggang sa dumating ang tamang oras kung saan tanggap mo na. Tanggap mo na ang lahat.

Tanggap mo ng masaya na sya na hindi ka kasama. Tanggap mo ng patuloy uusad ang iyong buhay at magsisimulang bubuo ulit ng mapa ng yong mga mangarap. At tanggap mo ng gaano man kasakit at nakakabaliw ang pag-ibig ay magmamahal ka ulit.

4
$ 0.00

Comments

Madali lang kumain ng marmi hehehhe charot gumala at pumnta ss mga kaibigan MO mkipg inuman mamasyal kayo habng ngkwekwento

$ 0.00
4 years ago

😍❣️

$ 0.00
4 years ago

A relationship means to comes together to make each other better. Support each other . Believe in each other. Be their peace not their problem.

$ 0.00
4 years ago

😍❣️

$ 0.00
4 years ago