Umuusad nga ba?

21 49
Avatar for imanagrcltrst
3 years ago

Lahat tayo ay may mga pangarap at mithiin na nais maabot at matupad.

Nagsisimula sa mga simpleng kagustuhan na magkaroon ng masasarap na pagkain na nakahain sa ating mga lamesa at makapagtapos ng pag-aaral.

Hanggang sa matataas na pangarap katulad nang makabili ng sariling lupa, makapagpatayo ng sariling bahay na masasabi nating sa atin, mga sasakyan, negosyo, at iba pa.

At higit sa lahat ay maging matagumpay sa buhay.

Ako? Ano nga bang pangarap ko?

Simple lang naman.

Makapagtapos ng pag-aaral.

Makapasa sa board exam at maging lisensyadong Agrikulturista.

Makabili ng lupa.

Makapagpatayo ng sarili naming bahay.

Maging financially stable.

Magkaroon ng sarili kong pamilya.

Maging masaya sa buhay.

Bilang pamilya, ano ba ang pangarap namin?

Puwera sa pagkakaroon ng sariling bahay na nakatayo sa sarili naming lupa? Ito ang mga pangarap namin.

Maging mas masaya pa.

Magkaroon ng tahimik na buhay.

Magkaroon ng sarili naming buhay.

Ang huwag nang mamroblema sa problema ng iba.

At higit sa lahat?

"Makaalis dito sa lugar na ito."

Simple lang naman ang mga iyan.

Simpleng sabihin pero mahirap gawin.

Lahat tayo ay gumagawa ng mga hakbang para sa ating mga pangarap.

Trabaho dito. Trabaho doon.

Pero wala sa atin ang may alam kung ano ba ang mga naghihintay sa atin sa dulo.

Walang may alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa atin sa hinaharap.

Oo, nai-imagine natin ang magiging buhay natin. Masaya at successful, hindi ba?

Pero lahat tayo? Lahat tayo ay 'di sigurado.

Lahat sa hinaharap natin ay malabo pa. Katulad nang nasa litrato sa ibaba.

May nakikita tayong liwanag sa dulo pero alam natin na mahirap maabot iyon.

'Di natin alam kung ano pang mga pagsubok ang naghihintay sa atin sa daan papunta sa tagumpay.

Pero isa lang ang sigurado, ang bawat mga hakbang natin ay nakatutulong upang mas maging malapit tayo sa pag-abot ng tagumpay.


Sa mga nakalipas na mga tao o dekada, ang buhay namin ay 'di nalalayo sa buhay ng karamihan.

Kailangang maghanap-buhay at magbanat ng buto nila Ama at Ina para may makain kami at para maibigay ang mga pangangailangan namin bilang isang pamilya.

Mula nang magpakasal sila hanggang sa dalhin na kami ni Ina sa kaniyang nasa sinapupunan, iluwal at ipakilala kami sa mundo, at hanggang ngayon na malalaki na kami.

Mahirap, oo. Puno ng mga pagsubok, oo. Pero kasama lahat ng iyan sa buhay kaya sige lang. Haharapin, kakayanin, at lalagpasan lahat para sa mga pangarap. Para sa mas magandang buhay.

Paano?

Magsikap. Magsikap. Magsikap.

Magtrabaho. Magbanat ng mga buto. Kumayod.

Ginagawa na namin ito sa loob ng maraming mga taon.

Para nang sa ganoon ay umusad sa buhay at mapalapit nang mapalapit sa mga minimithing pangarap.

Pero ang tanong ay ...

"Umuusad ba? Umuusad nga ba?"

Siguro hindi lang ako at ang pamilya namin ang tinatanong ito sa aming mga isipan.

Alam ko na karamihan sa atin ay may ganitong katanungan na tumatakbo sa mga isipan.

Napapaisip tayo kung, "umuusad ba tayo? Bakit parang hindi naman yata?"

Bakit? Bakit natin ito naiisip? Dahil sa 'di matapos-tapos at 'di maubos-ubos na mga pagsubok at problema.

Pero 'wag susuko, dahil ang pagsuko ay nasa pamimilian lamang. Pamimilian na 'di dapat piliin.

Ang pamilya namin ay isa din sa mga bilyon-bilyong pamilya na dumaranas ng hirap. Pero 'di kami nagpapasakop sa mga problema at hirap na ito. Sa halip ay mas pinapatatag pa namin ang aming mga sarili at mas nagsusumikap pa.

Sa paanong paraan?

Sila Ama at Ina ....

Si Ama bilang "Haligi ng Tahanan."

Si Ina bilang "Ilaw ng Tahanan."

Si Ama ay mahigit dalawang dekadang nagtrabaho bilang isang panadero o iyong mga taga-gawa ng mga tinapay. Bago sila naging mag-asawa ni Ina ay naglalako na siya ng pandesal sakay ng kaniyang lumang bisekleta sa iba't ibang lugar dito sa amin, minsan nakakarating pa sa mga kalapit na bayan para maglako. Hanggang sa napadpad siya dito sa aming barangay at nagtrabaho pa din bilang panadero.

Sa trabahong ito, napagtapos niya ako ng High School. Natustusan niya din ang pag-aaral ng dalawa ko pang mga kapatid at nasuportahan ang mga pangangailangan namin mula sa pagkain hanggang sa damit at iba pang maliliit na luho tulad ng laruan at mumurahing cellphone.

Si Ina na nagtrabaho bilang tindera sa panderya, kasambahay, at ngayon ay naglalabada.

Sa ngayon ay naglalabada si Ina. Kuskos dito, piga doon. Sa nakalipas na mga buwan na walang permanente at regular na trabaho si Ama? Ang katas ng paglalabada ni Ina ang aming kinapitan.

Oo, 'di malaki ang sahod dito pero nasusuportahan nila kami. At paunti-unti ay nakakaginhawa na sa buhay.

Ako ...

Bilang anak.

Bilang nakatatandang kapatid.

Bilang estudyante.

Ako bilang ako.

Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Sa ngayon ay nag-aaral ako bilang kolehiyo. 'Di lang ako basta isang anak, kapatid din ako at isang mag-aaral.

Sa murang edad namulat na ako na 'di madali ang buhay namin. Minsan na din kaming nasama sa mga pamilya na kung tawagin ay "isang kahig, isang tuka." Lalo na noong magsimula ang pandemya.

Ngunit ayoko nang basta maging anak, kapatid, at estudyante na lamang na naka-depende lamang sa mga magulang.

Pagkatapos ng Moving Up noong Grade 10, nagsimula na din akong kumayod at makisabay sa agos ng buhay.

Nagtrabaho sa munisipyo sa loob ng dalawang magkasunod na summer vacation para kahit paano ay masuportahan ang aking pag-aaral at ibang pangangailangan ng pamilya.

Sa edad na disinuwebe ay nakapagtapos ako ng sekondarya at nagsimula sa buhay kolehiyo sa edad din na ito.

Mas namulat pa sa buhay noong nagkasakit si Ama at 'di nakapagtrabaho ng halos anim na buwan.

Nang pumutok ang pandemya, mas naging mahirap pa. Tila ba wala nang pag-asa pa na maka-usad kami.

Sadlak kami bago pa magka-pandemya at mas nasadlak pa nang magsimula na ito. Kaya naman mas kumayod pa kami ni Ina. Dahil sa pagkakataon na ito ay mahina si Ama at dapat mas maging malakas kami ni Ina para sa aming pamilya.

Tumanggap kami ng labada mula sa halos dose katao. Ang dami, hindi ba? Pero kinaya namin. Mahirap ang buhay namin pero dahil sa mga pagsusumikap namin ay paunti-unting nakakaginhawa na.

Tandaan na ...

"Sa buhay ay 'di puro semento ang aapakan natin papunta sa tagumpay. Kailangan din na lumusong sa putik ng mga pagsubok upang sa ganoon ay mas maging malakas at matibay pa."

Captured when I was still in my first year of college, year 2019.

Si Pangalawa at si Bunso ...

Si kapatid na lalaki ay disi-syete na sa ngayon. Malaki na at mulat na din sa buhay. Nahinto sa pag-aaral sa loob ng halos dalawang taon pero ngayon? Handa na ulit na makipag-sapalaran.

At ito kami ni Ina at Ama, handa siyang tulungan.

Si bunso? Onse anyos pa lamang pero unti-unti na din na nagkakaisip at mas namumulat na sa buhay. Dati ay napaka-isip bata pa pero ewan ba namin at tila ba nagma-matured na ngayon.

Ngunit, sa edad nila na ito? Alam kong puno na din sila ng pangarap. Pangarap hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kun'di ay para sa aming buong pamilya.

Kaming lima bilang isang pamilya.

Sa ngayon ay tila ba bumabalik kami sa umpisa ng pandemya. Dumadaan na naman sa mga pagsubok lalo na sa pinansyal na aspeto.

Ang dating dose na pinaglalaba ni Mama? Naging isa na lang ngayon. May pasulpot-sulpot na tatlo pero sa loob ng halos tatlong linggo? 'Di pa sila nagpaparamdam ulit. Kaya naman tila sobra na namang mamomroblema si Ina.

Pero ngayong kaya ko na din na kumita? Hahayaan ko ba naman na huminto kami sa daan? Hahayaan ko ba na masadlak na naman kami? Hahayaan ko ba na maranasan ulit namin na halos 'di kumain sa gabi? Hindi, hindi, hindi.

Kaya naman kahit na alam kong mahihirapan ako na pagsabayin ang pag-aaral ng mga aralin ko at pagtuturo sa mga kapatid ko?

Pipilitin ko pa din na isabay ang pagkayod.

Buti na lamang at may gusto pa din na magpa-tutor sa akin.

Buti na lang at nandiyan sina noise.cash at read.cash.

Buti na lang nandiyan kayo. Mga tao na handang tumulong kahit sa isang pindot lamang.

Ngunit, dadating talaga sa punto na matitigil ka sa dilim.

Hindi dahil ayaw mo na, kun'di dahil sa ibang mga tao na nakapaligid sa iyo. Na kadalasan ay kung sino pang mga malalapit sa iyo ay sila pa ang hihila sa inyo.

Hihila sa mas malalim pa.

Hihila sa dilim.

Katulad na lamang nang nangyayari sa amin.

Nakakaginhawa na kami pero heto ang mga kamag-anak at ultimo mga kapatid ni Ina na tila ba hihilahin pa kami sa ibaba kasama nila.

May mga problema kami sa buhay pero mas madami pa ang sa kanila.

May sari-sarili nang pamilya pero sa iisang bahay pa din nakatira. Sa iisang kaldero pa din nag-sasaing. Buti na lamang at nakahiwalay kami kaya naman medyo okay pa.

Ngunit, hindi eh. Ganoon pa din. Dahil ba nakakaginhawa na kami ay hihilahin ulit nila kami? Bakit ganoon? Ayoko niyon eh.

At ito na nga, naranasan na naman naming kumain sa dilim. 'Di dahil may power interruption, kun'di dahil naputulan kami.

Unang gabi sa dilim.

May pambayad kami ng ambag namin pero pwede ba namang ibayad lang ang share namin? Hindi.

At ito kami ngayon, sama-samang nagpapaypay sa araw at sa gabi.


Dahil sa nangyayaring ito sa amin ngayon? Naitatanong ko na naman kung "umuusad nga ba kami?"

Alam kong oo pero mukhang kailangan namin na huminto muna. Pansamantala.

Pangako ko sa sarili ko na kapag mas nakaluwagluwag pa ako? O mas naka-ipon pa nang mas malaki? Isusunod ko naman 'yung pagpapakabit ng sarili naming kuntador.

Kaya naman, Ama, Ina, at mga kapatid ko? Kaunting hintay na lamang at 'di na natin ulit mararansan na kumain sa dilim, hampasin ang mga balat natin dahil sa mga lamok na aali-aligid, at magpaypay nang magpaypay sa gabing napaka-init.

Kaunting hintay pa. Kaunting hintay na lang. <3


Hanggang dito na lamang po. Sana ay nagustuhan ninyo ang sulatin kong ito. Kahit na sa tingin ko ay mas marami pa ng sabaw dito kaysa sa laman. Sana ay may napulot din kayong aral. Sana!

Before I end this article, remember that ....

"Slow progress is better than no progress."

-Anonymous


For more articles, just visit me here in read.cash:

imanagrcltrst: https://read.cash/@imanagrcltrst

And, we can also have a chitchat in noise.cash:

imanagrcltrst: https://noise.cash/u/imanagrcltrst



LOVE LOTSSS!

Published by August 20, 2020

7
$ 8.11
$ 6.91 from @TheRandomRewarder
$ 1.00 from @Ruffa
$ 0.10 from @Yen
+ 3
Sponsors of imanagrcltrst
empty
empty
empty
Avatar for imanagrcltrst
3 years ago

Comments

Napakaswerte ng magulang mo sa iyo. Mataas talaga ang pangarap mo. Lumipad ka sa abot ng iyong makakaya kapatid. Walang masama sa pangangarap kapatid. Ang masama eh, yung umaasa ka sa ibang tao para mapunta ka sa itaas. 👍

$ 0.00
3 years ago

Ang dami nyo rin talagang napag daanan na ano. Buti nga kahit sobrang hirap ng buhay pilit pa rin kayony sumusulong pahakbang. Di kayo pinang hihinaan ng loob. Siguro may time na gusto na ding sumuko ng magulang mo but for their kids, tuloy lang kahit mahirap. Kahit oa puro lubak lubak ang daan, kahit pa maraming liko liko at muntik ng magkada ligaw ligaw, tuloy lang ang laban, hahakbang para sa inyong mga anak nola. Salute to your parents bata, napalaki ka nila ng maayos, magalang at may pagpapahalaga sa Pamilya.

Sana lang kahit anong pang hihila pa pababa ang gawin sa inyo ng mga kakilala, kamag anak or sino mang mga ututing tao sana piliin nyo pa ring lumaban. Sa una lang mahirap, sa una lang yang lubak lubak na daan na yan. Madadapa kayo, masusugatan pero basta sama sama kau para may mag bangon sa bawat isa sa inyo, lahat ng yan mapag hihilom ay sa dulo nandoon ang trophy nyo. Nag hihintay sa inyo para sa magandang buhay. Fighting lang bata, amd to your Mom and Pops and little sister. Walang sukuan okay. Laban lang. Don't mind others and just, ignore them. ♥️✨⚡💥💯🌟💪💪🤗🤗

$ 0.03
3 years ago

Ateeeeee ang seryoso nito, naluha tuloy ako ay. Tutulo na pero pinigilan ko kasi nasa labas ako. Pero grabeeee, damang-dama ko care mo. 🥺

Ayun nga, feel ko din na medjo pinanghihinaan na ng loob sila Mama lalo na si Papa. Kasi kung hindi? Edi sana willing pa din s'ya na magtrabaho pero baka dahil sa sobrang daming pinagdaanan mula bata pa s'ya ayun, napanghinaan na ng loob pero alam ko na kaunting push lang? Tatakbo s'ya ulit at makikisabay sa agos ng buhay. Kaunting push lang talagaaa.

Ako naman? Di ko naman naiisip na sumuko, sadyang may mga tanong lang talaga na biglang pumapasok sa isipan ko ba. Pero no, 'di ako susuko kasi kapag sumuko ako? Parang domino effect na mangyayari eh. Dire-diretso na hanggang kila kapatid at ayokong mangyari 'yun. So, grind lang nang grind. Para saan ba at masusuklian din 'to lahat. :)

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha, buti nipigilan mo mamya maglabas ka ng uhog jan makita ni kwash, awiejjhhhj ahahaha.

Di yan sila bibigay para sa inyong mga anak nila. Basta tuloy lang ang support okie.

Good yan bata, grind lang think of them para mas lalo kang ma push na lumaban 💪😩🤗

$ 0.00
3 years ago

Hahaha mega turn off agad 'yun kapag ganun. 😂🤣

Support each other langs, para sa kinabukasannn. <3

$ 0.00
3 years ago

Bye bye kwash agad ni di pa nga nakakapag tapat ahahaha

$ 0.00
3 years ago

Naiyak ako habang binabasa ko Kasi ramdam na ramdam ko . Pero gusto Kong sabihin sayo na oo umuuusad at pipilitin nating umusad para sa pamilya. Pahug nga NG Isa 😭

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Halaaaa. Naiyak ka talaga, Atee? May mga parts din jan na na-teary eyes ako habang tina-type eh. Medjo masakit kasi ay. Umuusad naman talaga pero ang dami kasing mga tao na para bang pinipigilan tayo. Kung pwede lang na i-cut ties sa kanila, gagawin ko eh. Kasi 'di naman sila nakakatulong talaga, mas madami pa 'yung times na nahihila nila kami pababa pa.

Yakap na, Ateeeee! :)

$ 0.00
3 years ago

Huwag po kayong mag-,alala kami din ganyan buti nga kayo hindi lubog sa utang eh..Naging maginhawa lang buhay namin ng konti noong nakapagtapos dalawa kong kapatid sa college pero hanggang ngayon nagbabayad pa rin ng utang ng pa unti unti.. MaHirap talaga ang buhay pero kung susukuan natin ang buhay walang uusad sa atin...

$ 0.00
3 years ago

Ay 'yung sa utang naman po, meron din kami pero 'di namin hinahayaan na lumaki kasi mahirap na kapag nalubog eh. Paunti-unti, kini-clear na namin habang maaga pa. Ayaw din kasi ni Papa na utang nang utang. Ang itinanim namin sa utak namin is 'wag uutang kund 'di kayang bayaran kaagad. Saka kapag nasimulan na po kasi na mangutang parang nagiging addiction na din eh. Ayun pilit na sinisiksik ni Papa sa isipan namin which is nagagawa naman namin na i-adapt para iwas na mas mabaon pa. :)

Uusad po tayoooo. Paunti-unti. :)

$ 0.00
3 years ago

Nakakatouch naman tong gaw mo beh. Oo, umuusad naman siguro. Tayo kasi we tend to look for bigger ewsult agad at dk natin napapansin un maliliit na achievements na nakakamit natin. Goodluck beh naway makamit mo lahat ng pangarap mo sa buhay..

$ 0.00
3 years ago

For sure naman na umuusad tayo, Ateee. 'Di lang natin pansin pero umuusad 'yan. :) Ako naman, ayoko 'nung biglang successful. Ayoko nang easy money kasi mas naglu-look forward ako sa process kasi mas maganda epekto 'nun sa atin eh. Mas nagiging malakas at matatag tayo.

Good luck sa atin, Ate! :) Grind lang nang grind at wag na 'wag susuko. Pahinga lang pero 'wag susuko. <3

$ 0.00
3 years ago

Tama yan heheheh, para sa pag unlad natin! ❤

$ 0.00
3 years ago

More tiyaga at sipag lang, makakamit din natin 'yan lahat. In God's perfect timing. <3

$ 0.00
3 years ago

Amen to that..

$ 0.00
3 years ago

Uusad yan! Sa paglipas ng panahon matatawa at matutuwa ka nalng kung babalikan niyo. Kapit pa, kapit lang!

$ 0.00
3 years ago

Kung pudpod na ang gulong para umusad, willing akong magtulak para lang maka-usad. Kasama sa buhay 'yan kaya makikisabay na lang ako pero 'di ko hahayaan na maiwan ako at kami ng pamilya ko. :)

$ 0.00
3 years ago

Pinalaki ka ng mabuti at mapagmahal bibi naiiyak ako! Hindi naman sa hindi ako makipamilya nabuhay kasi ako palagi mag isa na di sila kasama well nakitira ako sa relatives ko iba pa din pag yung may mama papa at kapatid ka na kasama. Kaya yan bibi! <3

$ 0.00
3 years ago

Sending hugs to you, Ate Kelzzz! <3 For sure naman kahit 'di kayo magkakasama is naiisip ka din nila at alam ko na mahal ka din nila.

$ 0.00
3 years ago

Oo naman ang pag-usad ng buhay minsan napakabagl ngunit mas masarap ang tagumpay kapag pinaghihirapan mabagal man ngunit totoo hindi panandalihan. Oo naman ang iyung PRC ID ay naghihintay 😍

$ 0.00
3 years ago

Katulad nga nang palagi ko, nating sinasabi? Mahira pero kaya at mas kakayanin paaaa. <3 Para sa pangarap. Kasama 'yan sa buhay kaya dapat matuto tayo na makisabay pero 'wag magpapatangay sa agos ng buhay.

Omoooo! Can't wait na mahawakan ko na 'yung lisensya ko. Nasa stage na ako na makikipag-sagupaan na ako kay thesis. Ilang taon pa, board exam naman. <3

$ 0.00
3 years ago