Mga Tipikal Na Paniniwala Kapag May Buwanang Dalaw

18 913
Avatar for imanagrcltrst
3 years ago

Ang manunulat ng artikulong ito ay gumamit ng lenggwaheng Filipino at diyalektong Tagalog. Nang sa gano'y maipahayag ng mabuti at mas malinaw ang nilalaman nito.

Sa artikulong ito, ating pag-usapan ang ilan sa mga bagay-bagay tungkol sa "buwanang dalaw" ng mga kababaihan, naming mga kababaihan. Marahil ay isang "taboo" ang paksang ito para sa nakararami sa atin. O iyon bang mga paksa na iniiwasang pag-usapan dahil 'di lahat sa atin ay kaya itong sikmuraing pag-usapan sapagkat para sa kanila ay napaka-sensitibo ng ganitong mga usapin o talakayan.

Ngunit, sa araw na ito ay atin itong pag-usapan. Kahit na sa loob lamang ng ilang minutong pagbabasa sa artikulong ito.

Una, ano nga ba ang buwanang dalaw?

Ito ay ang buwanang pagdurugo ng mga kababaihan na kung saan naglalabas kami ng mga maruruming dugo na nanggagaling sa aming katawan. Para sa aming mga kababaihan, ito ay ang pinaka-senyales ng aming pagdadalaga. Na kung saan mas dapat kaming maging mas maingat sa aming mga galaw. At, ito ay aming nararanasan buwan-buwan ngunit mayroon din naman na hindi at sila iyong tinatawag na irregulars.

Ilang mga araw bago ang araw ng pagdating ng aming mga bisita ay nakakaramdam na kami ng ilang mga palatandaan na malapit na itong dumating. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Pagsakit ng puson (menstrual cramps), dibdib, balakang, at iba pang parte ng katawan.

Ito ang mga pinaka-madalas na nararamdaman ko. Siguro mga limang araw bago dumating ang dalaw ko? Paunti-unti nang sumasakit ang puson ko lalo na 'yung mga dibdib ko. (Pader 'yang mga 'yan pero sumasakit din. HAHAHA!) As in, napakasakit. 'Yung tipo ba na mapapaisip ka kung may breast cancer ka na ba o ano kasi ang sakit talaga.

Cravings.

Cravings o iyong kagustuhan na kumain ng iba't ibang mga pagkain o inumin. Maaaring nagsisimula sa simpleng junk foods hanggang sa fries, pizza, burgers, milk teas, at kung anu-ano pa.

Pero 'di ko naman 'to gaanong nararamdaman. Basta may makain lang, okay na ako. Hihi. 🤣

Pabago-bagong mood o mood swings.

Ngayon, tawa ka nang tawa. Nasa good mood at napaaaaaka-bait pero maya-maya lang? Nagsusungit na. Nagtataray na. Sigaw na nang sigaw. Ang daling mapikon o mainis. Oh, grabeng switching hano? HAHAHA!

Katamaran.

Hay nako! 'Yung gusto mong gumalaw pero ayaw ng katawan mo. Ayun pala dahil padating na. 🤷‍♀️

Pero 'di tayo dito magpo-pokus talaga. Kung hindi, ditooooo:

"Ilan sa mga tipikal na paniniwala kapag may buwanang dalaw"

Karamihan sa mga ito ay iyong mga bawal gawin. Saan ito nagmula? Tipikal na galing sa mga Lola natin o sa mga Nanay natin na tinuruan din ng mga Nanay nila dati.

Karamihan ay 'di sinusuportahan ng siyensya at purong mga paniniwala o superstitions lamang. Pero dahil nakasanayan na ay marami pa ding sumusunod at gumagawa hanggang sa ngayon. At isa na ako sa marami na iyon.

Ngunit, anu-ano nga ba ang mga tipikal na paniniwala na ito? Simulan natin dito.

Pagtalon sa unang beses na magkabuwanang dalaw.

Unang beses na nagkaroon ako ng buwanang dalaw ay Grade 5 pa lamang ako. Siguro buwan ng Oktubre iyon, basta bago mag-semestral break. May foam kami na ginagamit sa tuwing matutulog sa gabi, kalimitan ko pa lang na kalaro ay 'yung kapatid ko na lalaki kasi baby pa si bunso 'nung mga panahon na iyon. Tumbling tumbling hanggang sa napansin ni Mama na may something sa short ko, iyon pala ay dinatnan na ako. Ang bata, hano? Ikaw ba?

So, ayun nga. Pagkatapos makasigurado ay pina-akyat nila ako sa lababo at saka pinatalon. Ginawa mo din ba ito dati? Parang Bagong Taon lang hano? 🙈

Bakit nga ba ito ginagawa? Kalimitan na sa hagdan talaga pinapatalon ang mga kababaihan na dinadatnan sa unang pagkakataon. Tatalon sila mula sa ika-tatlong baitang ng hakbang. Bakit? Bakit sa ika-tatlong baitang at 'di sa ikalawa o ika-apat? Ayon sa mga matatanda ay para raw tatlong araw lang ang itatagal ng mga dalaw ng babae.

Huwag kumain o uminom ng maaasim na pagkain o inumin.

"Oh, 'wag kang kakain ka ng mangga kapag may buwanang dalaw ka."

"Oh, 'wag kang hihigop ng suka."

Ilan lang ito sa mga tipikal na ipinagbabawal kapag may dalaw ang mga babae. Bakit? Dahil mapipigil daw nito ang pagdurugo ng mga babae at maaaring higit na makapagpasakit o makapagpalala ng cramps.

Sinusunod mo ba ito? Ako? Oo, kasi naranasan ko na na minsang kumain ng mangga noong minsan na dinatnan ako at ayun nga, mas sumakit ang puson ko. Kaya simula noon, 'di ko na ulit sinubukang ulitin.

Uminom ng softdrinks.

Sa pagkakaalala ko ....

Noong unang beses na dinatnan ako, pinainom nila ako kinabukasan ng soft drink. Sabi nila ay para daw mas lumakas at mailabas ko lahat. Hindi ko pa alam dati kung totoo ba ito pero habang lumalaki ako at nagkakaisip ay nalaman ko na mali pala sila ng paniniwala. Kasi ayon sa mga pag-aaral ay mas nakakapagpalala pa ito ng cramps.

Bawal maligo.

Itong paniniwala na ito ay 'di pinapagawa sa amin dito sa pamilya namin. At 'di ko din alam kung may gumagawa din ba nito. Ngunit, bakit nga ba binabawal na maligo kapag may buwanang dalaw? Dahil mababaliw raw. Anooooo?

Bakit 'di dapat maligo? Ilang oras pa nga lang na nakababad sa mga sanitary napkins ang pribadong parte ng katawan naming mga babae ay nakaka-irita na o 'di na komportable sa pakiramdam. Tapos 'wag pang maligo? Linis lang, ganoon? At isa pa, dapat mas maging malinis pa tayo sa ating mga katawan sa mga pagkakataon katulad nito.

Kaya naman, 'di namin ito sinusunod. Pero itong susunod na paniniwala? Sinusunod ba namin o hindi? Sinusunod n'yo ba o hindi?

Bawal maligo sa ulan.

"Oh, 'wag kang maliligo sa ulan kapag mayroon ka huh?"

Palaging paalala ni Inay, ni Tita, ni Ate, at lalo na ni Lola kapag may bisita tayo. Bakit? Sa anong kadahilanan? Katulad nang dahilan kung bakit pinaniniwalaan na bawal maligo kapag may dalaw ay dahil mababaliw raw.

Kaya naman sa tuwing umuulan o kahit umaambon lamang, minsan ay 'di kami lumalabas kapag nandiyan si bisita. Lumalabas din naman kami pero sobrang dalang talaga. Wala namang masamang maniwala dito, di'ba? Naninigurado lamang. Nakakatakot kaya. Dami ko pang pangarap no. Hihi.

Katulad na lamang kanina noong nagpagupit kami ni bunso sa bayan. Iniwan ko na s'ya sa tricycle kasi bawal lumabas ang mga may edad na 15-pababa at baka mahuli pa kami, wala akong pambayad sa multa. 🙈 Pagakatapos ay nagpunta na ako sa binibilhan namin ng pancit Malabon kasi nagpapabili si Mama, habang pauwi ako ay biglang umambon. 'Di ko pa alam 'nun na mayroon na pala ako pero madami nang sumasakit sa akin kaya inaasahan ko na din si bisita ko. Pagkauwi ay saka ko lang nasigurado na mayroon na pala. Kaya naman nasabi ko na, "hala! Baka naman mabaliw ako. Naambunan kasi ako kanina eh." Pero pabiro naman ang pagkakasabi ko.

At sumagot si Papa nang, "bakit? Totoo ba 'yun?" Sinagot ko s'ya nang "ewan." Kasi 'di ko din naman talaga alam kung totoo ba iyon o panakot lang. Ayoko namang subukan na gawin para lang malaman kung totoo ba iyon o hindi. Baka masaktuhan pa ako ay. Di bale na lang. 😅

Ikaw? Naniniwala ka din ba dito sa paniniwala na ito o hindi?

Pagpahid ng undies sa mukha.

Isa ulit ito sa mga pinapagawa ng mga nakakatanda sa atin kapag unang beses na nagkadalaw ang isang babae. Paano? Lalabahan ang pangloob at saka ipupunas sa mukha, lalo na sa mga pisngi.

Bakit? Bakit ito pinapagawa? Para daw 'di tigyawatin.

Ako? Pinagawa sa akin ito dati. Katulad ng ibang paniniwala nila ay 'di ko din alam pa noong mga panahong iton kung totoo ba iyon o hindi. Basta, sumusunod lamang ako kasi mas may alam sila eh. Pero nalaman ko na 'di naman noon mapipigilan ang pagkakaroon natin ng mga tigyawat sa pagdaan ng mga panahon. Kasi kasama sila sa buhay. 'Di baaaa? :D Kaya nga kapag minahal na natin sila ay umaalis na sila pagkaraan ng ilang araw. Hayst! Char lang. 😁

Ikaw? Ginawa mo din ba ito dati o hindi?

Bawal suntukin o hampasin ang mga babae kapag may buwanang dalaw.

"'Wag mo sabi akong hampasin eh. Kapag nagkapasa 'yan, lagot ka sa'ken. Kita mo!"

Kalimitang paalala ko kapag may bisita ako sa kapatid ko na mahilig makipagkaladyaan. Sigurado ako na sinasabi din ito ng karamihan sa mga ka-nayon ko. At sigurado din ako na minsan na din kayong (mga kalalakihan) na nasabihan nito.

Bakit? Bakit bawal kaming hampasin o suntukin kapag nandiyan si buwanang dalaw? Kasi magkakapasa kami.

Minsan ko na 'tong naranasan noong nasa Junior High School pa lamang ako. 'Di naman ganoon kalala pero nagpasa pa din s'ya. Sensitive kasi ang katawan ng mga babae sa ganitong mga panahon na kaunting tapik o hampas lamang sa amin ay nagpapasa o namumula na kaagad.

Bawal magbuhat ng mabibigat.

"'Wag kang magbubuhat ng mabibigat kapag mayroon ka."

Palaging paalala nila Mama sa akin, sa amin ni bunso. O baka sinasabi din ito ng inyong mga Inay. Para saan? Bakit 'di pwede? Paano kung kailangan ko nang maligo at kailangan kong mag-igib ng pampaligo? Sinong mag-iigib kung wala sila kapatid na lalaki? Sila Itay?

Pero, bakit nga ba? Bakit nga ba nila tayo pinagbabawalan na gawin ito kapag mayroon tayong bisita? Dahil malaki ang posibilidad na bumaba ang matres natin.

Sa katunayan ay 'di kami pinagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Pwedeng gawin paminsan-minsan pero 'di pwede kung madalas. Dahil ayon sa mga pag-aaral ay nakakababa talaga ito ng matres. At napatunayan ko nang totoo ito dahil kay Mama.

Kaya naman, iwasan natin na gawin ito, mga ka-nayon ko. <3 At sana ay malaman din ito ng mas marami pang mga kalalakihan para sa ganoon ay malinawan sila at mas maging mas maginoo pa sa ating mga kababaihan. ❣

Huwag sasabihing mabaho o malansa ang nilalabas natin.

Nalaman ko lang ito noong nasa elementarya pa lamang ako nang minsan kong nasabi na amoy malansa 'yung nilalabas nating dugo.

At sinabi sa akin 'nung isa sa mga malalapit kong kaibigan noon na s'ya ding pinaka-unang dinatnan sa seksyon namin na 'wag daw sinasabi na mabaho o malansa iyon dahil baka daw marinig 'nung mga nilalabas natin at maging mas malansa o maging mabaho talaga sila.

Tandang-tanda ko pa talaga ito. 'Di ko alam kung totoo ba o ano kasi kaklase ko lang din naman ang nagsabi pero iyon daw ay paalala lang din sa kaniyan ng Lola niya.

Totoo nga kaya ito o isa lang din sa mga paniniwala ng ating mga ninuno?

At isa na namang artikulo ang aking natapos! :) Sana ay nagustuhan ninyo ito. Kung may iba ka pang alam na paniniwala tungkol sa paksa na ito ay ihayag mo lamang sa comment section at doon tayo magpalitan ng mga kaalaman at karanasan. <3

Isang paalala lamang, "'di ko intensyon na maging bulgar, bastos, sensitibo, o ano sa artikulo na ito. Sadyang nais ko lamang magpahayag ng ilan sa mga karanasan at nalalaman ko ukol dito." 😊


For more articles, just visit me here in read.cash:

imanagrcltrst: https://read.cash/@imanagrcltrst

And, we can also have a chitchat in noise.cash:

imanagrcltrst: https://noise.cash/u/imanagrcltrst


LOVE LOTSSS!

Published by August 15, 2021

7
$ 5.14
$ 4.77 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @ExpertWritter
+ 5
Sponsors of imanagrcltrst
empty
empty
empty
Avatar for imanagrcltrst
3 years ago

Comments

Ako di ko sinabi na nagkameron na ko. Haha nagsarili ako ng gawa ng pamahiin. Tumalon ako sa hagdan ng 3 beses haha.

May sinabihan pala ako kapatid ko na lalaki na baklain 14 years old ako nun siya naman 12 ata sabay pa rin kami naliligo tapos nakita niya sabi ko wag niya ipagsasabi tapos nilabhan ko yung pan** ko tapos pinunas ko sa mukha ko haha tapos sabi ko siya din sabi ko punasan ko sukang suka na siya e wala na naman yun dugo haha umiiyak na siya pinunas ko pa din hahaha para nga kasi di kami kuno magkatagyawat. Pag naalala niya yun lagi niya ako sinisi pag nagkakapimples siya haha binahiran ko daw siya ng dumi pashnea! Haha

$ 0.00
3 years ago

Nako, di ko rin ginawa dati yung pahid sa mukha. Di ko maatim hahahaha. Tsaka yung pag-upo daw sa hagdan, yung third step. Dapat sa pinakaunang dalaw gawin yun para maiksi lang at hindi maging 5 days. Ewan kung totoo pero yung pinsan ko ginawa yun so baka naman totoo sa kanila. Hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Bakaaaa. Halos lahat jan ginawa ko dati except 'dun sa 'di maliligo. Di ko kaya 'yun. Haha

$ 0.00
3 years ago

Grade six po ako noong nagkaroon ako ng unang dalaw. Grabe oo yan yung mga panakot na habilin ng mga matatanda sa akin. Sinunod ko sila wala naman akong kaalaman noon hehe ..hanggang ngayon po sinusunod ko hindi pag ligo pero ikalawang araw lang doon kase marami ang lumalabas eh linis lang ganun the next day naliligo na ako at hindi ako naghihiliod kapag meron ako kase baka daw magka strecth mark ako..

$ 0.00
3 years ago

Relate na relate ako sa LAHAT ahahaha. I mean, lalo na ung pagpupunas ng dugo sa mukha ahaha. Ginagawa ko jan, effective man ay di mandin ako inatubuan nyan liban pag meron ahahaha. Charot lang, wala naman kasing magpapatunay na legit yan ee. Basta lahat ito pasok sa mga sinasabi sakin ni Mommy. Tapos bawal daw tutulog pag basa ang buhok lalo na pag may regla hahaha. Ang dami ng paniniwala aguy namana.

$ 0.00
3 years ago

...lalo na 'yung mga dibdib ko. (Pader 'yang mga 'yan pero sumasakit din. HAHAHA!)

Natawa ako dito HAHAHAHAHA 🤣

Pagtalon sa unang beses na magkabuwanang dalaw

Akala ko kapag tatalon kapag meron sa unang beses eh nakakatangkad 🥺 diko kasi ginawa yan pero 3 days lang din tinatagal ng ano ko.

The rest is legit at totoo mga yan. Kaya diko ginagawa kasi nung unang try ko sa pag ganyan sobrang sakit ng puson ko talaga. At pag sobrang sakit na kakamatay 🤦🏻‍♀️ Yung pag pahid ng napkin sa mukha diko triny 🤣 HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Wala ako pinaniniwalaan dyan haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Hindi ako makarelate kaya motivate nalang.. fighting lang ladies haha

$ 0.00
3 years ago

Uwuuuu. Sana may jowa din kami para may taga-provide ng cravings. Huehuehue buti nanjan sila read.cash at noise.cash. Jowa material na eh. 😁

$ 0.00
3 years ago

Relate ako sa lahat ng sinabi mo mars hahaha. Jusko lagi kaming nag aaway ng mama ko dahil ayaw nyo kong paliguin tuwing may dalaw ako haahha. Eh ayaw ko ng di naliligo, ang lansa kaya 🤣

$ 0.00
3 years ago

Ay dito sa amin, talagang naliligo kami. Mas pa kapag meron kasi nakakairita kaya diba? Haha. Napakalagkit sa feeling.

$ 0.00
3 years ago

Truuueee. Ang init2 din mars hahah

$ 0.00
3 years ago

Okay lang naman maligo hahaha sadyang nasanay lang tayo sa mga pinaniniwalaan natin.

$ 0.00
3 years ago

'Yung sa paliligo sa ulan, 'di ko talaga ginagawa. Pero 'yung usual na pagre-refresh sa katawan natin? Always pa din. Twice nga lang kapag may red days. Hihi

$ 0.00
3 years ago

Pinapagalitan talaga kami ng matatanda pag maliligo pag may red days kasi magkakasakit daw tayo lag maliligo,pero ako naliligo parin naman,kasi napakainit kaya,heh

$ 0.00
3 years ago

Ako? Naliligo ako once a day tapos shower sa gabi lalo na kapag may red days. Kasi di ako komportable down there eh.

$ 0.00
3 years ago

Sa pinas lang yan 🤣 Sabi ng instructor ko sa CG dati okay lng dw maligo

$ 0.00
3 years ago

'Yung sa paliligo talaga ang 'di ako naniniwala eh. Kasi nakakairita sa feeling tapos di pa maliligo. 😅

$ 0.00
3 years ago