Kung papansinin mo ang nakaraan at ngayon, makikita mo ang pagbabago. Dati sobrang saya na natin basta makapaglaro lamang tayo sa labas kasama ang mga kaibigan, masayang nagtatakbuhan hindi alintana ang sikat ng araw kahit pa tagaktak na tayo nang pawis sige pa rin tayo sa hiyawan, ngunit ngayon ang mga bata'y hindi mo na mapaglaro sa labas dahil sa sinasakop na tayo nang teknolohiya. Daing natin noon ay pambili nang laruan gaya nang teks, jolen, o tig pisong barbie na gawa sa papel. Samantalang ngayon, gadget na ang gusto nang mga kabataan.
Naalala ko pa noong nasa unang baitang pa lamang ako nang elementarya, walang ibang nag aalaga sa aming magkakapatid kundi ang lola lamang namin sapagkat nangibang bansa si mama at si papa naman ay alas-dose na nang gabi kapag umuuwi sa bahay galing sa pagtratrabaho.
Lagi kaming abalang magkakapatid sa paglalaro kung hindi naman ay nanunuod kami nang mga paborito naming palabas sa T.V noon. Hinihintay namin si papa makauwi nang bahay bago kami matulog kaya habang nagpapalipas kami nang oras ay naglalaro kami, nanunuod o nagkwekwentuhan nang mga kababalaghan.
Isang araw, abala ako sa panonuod ko sa paborito kong palabas sa T.V sa GMA. Hindi ko inatupag ang kalokohan ng mga kapatid ko at pinsan kaya hinayaan ko na lamang sila. Tutok na tutok ako sa aking panonood nang biglang tinawag ng pinsan ko ang kuya ko na nakaupo hindi kalayuan sa akin. Tinignan ko lamang ang mga ito at katapos ay ibinaling ko nang muli ang atensyon ko sa T.V.
Muling nagbalik ang pinsan kong babae at ako naman ang tinawag ngunit 'di ko siya tinugon at sinabing,
"Ayoko, nanunuod ako rito" iritang sagot ko kaya naman tinawag na lamang niya ang nakababata ko pang kapatid na nakaupo sa tabi ko. Sinulyapan ko lamang sila at nanuod nang muli. Feeling ko tuloy ay nasa survival of the Philippines kami o PBB dahil isa isa kaming tinatawag.
Nang nasa kalagitnaan ako nang aking panonuod ay bumalik muli ang pinsan kong babae at pinaswitan ako.
"Bakit?" usal ko sa kanya.
"Halika rito" balik niyang sabi sa akin. Sigurado naman akong hindi ako tatantanan ng mga ito kaya lumapit na ako, bigla nila akong hinila at dinala sa salas nang bahay. Napakadilim doon at wala akong makita masyado kaya naman inilibot ko ang mata ko nang biglang may naaninagan akong nakaupong babae na nakaputi at nakatayong tao sa isang sofa at ang ulo nito ay may nakatababal na tela. Nagsisisigaw ako sa loob nang salas habang nakahawak sa mga upuan na malapit rito at hinihila ko ang sarili ko para makalabas doon ngunit hinila rin ako nang pinsan ko at kapatid kong babae.
Hindi ko alam kung paano ako kakawala sa mga ito. Todo ang hila nila sa akin habang ako ay todong nakahawak sa mga kamay nang upuan para 'di ako matangay ng mga ito. Walang sawa akong umiyak habang sumisigaw sa tana ng buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganoong bagay. Sabi ko nga sainyo hindi active ang sixth sense ko.
Nagpatuloy kami sa ganoong posisyon nang biglang tumayo ang babaeng nakaupo at bumaba ang taong nakatayo sa taas nang sofa, sabay nilang tiningala ang mga ulo nila at tinanggal ang mga nakaharang sa mukha nila. Mas lalo akong natakot sa mga ginawa nito pero natanggal din ito agad nang makita ko ang mukha ng nakakatanda kong kapatid na babae at lalaki. Wala na naman silang magawa sa mga sarili nila, nagtawanan ang mga ito habang ako ay napako naman sa kinatatayuan ko.
Nang makabalik ako sa ulirat ay nilapitan ko na ang mga ito na patuloy pa rin na nagtatawanan, syaka nagsimulang magkwento ang pinsan ko. Aniya nito ay naglalakad siya sa salas para lumabas nang mga maagip ang mata niya na babaeng nakaupo sa gilid nang sofa, unti-unti niyang pinihit ang ulo niya at biglang nanuot ang takot sa kalamnan niya
"Sino ka?" usal niya nang may buong tapang. Nang biglang magsalita ang babaeng nakaupo at unti-unting hinawi ang napakahaba niyang buhok.
"Teph, ako to" sabi nang babaeng nakaupo. Kahit na madilim ay naaninagan nang pinsan ko kung sino ito, natawa ito sa modus na naman nitong naisip.
"Punta ka roon tapos papuntahin mo sila rito takutin natin sila" sambit nang ate ko at sumunod naman ang pinsan ko. Pumunta siya sa amin at tinawag ang kuya ko dali dali namang siyang tumayo at pumunta roon.
Dagdag nang mga ito sobra raw ang halakhak nila ng makita rin iyon ni kuya, hindi raw siya makagalaw sa kinatatayuan niya at nagsisisigaw daig pa raw niya ang babae sa ginawa niya na siyang kinahalakhak nila. Nang matauhan ito ay sinali nila ito sa kalokohan nila, kumuha siya ng mahabang puting tela at maliit na tela syaka ibinalabal sa ulo niya upang magmukha siyang walang ulo.
Ang mga susunod na nangyari ay ang mga naikwento ko sa una, walang batid ang pagtatawanan namin dahil sa kabaklaan na ipinakita ni kuya mas malala pa pala siya sa akin.
Hindi pa riyan natatapos ang mga kwentong kababalaghan na may katatawanan na ginawa namin noong mga bata kami dahil kapag may pagkakataon na busy ang lola namin sa panonuod ay lagi kaming naglalaro kapag sumasapit na ang gabi. Isa ito sa paraan namin para makalimutan namin ang bagot at antok habang hinihintay ang pag uwi ni papa sa trabaho.
Ang tagal na nang mag-upload ako nang article, kaya naman heto akong muli nagbabalik. Maraming salamat sa pagbabasa sana'y nasiyahan kayo.
By: icaryxghost
wala pa rin? hahahah