Kumusta na po kayo?
Ang hirap po pala magksakit sa panahon ngayon halos hindi mo alam kong ano igagamot mo sa sarili mo.. Nagsimula yung sakit ko noong Tuesday September 28,2021 sobrang sakit ng likod,balakang, ulo mga kamay ko mata halos buong katawan ko ata masakit nong time na yun. May konti na din akong lagnat pero hindi ko siya pinansin pero uminom na din naman ako agad ng paracetamol. Kinabukasan akala ko magiging ok na ko pero parang lumalaa yung pakiramdam ko. Kpag tumatayo ako parang umiikot ang paningin ko tumataas na din yung lagnat ko. Inom ako ng inom ng gamot.
Nawalan ako ng pang amoy at panlasa,sa una alam ko normal lang pero sabi ko wala nman akong ubo at sipon bakit mawawalan ako ng panlasa. Yung Best friend ko halos everyday andito siya sa akin. Tinutulungan niya kong magawa yung mga bagay na hindi ko magagawa. Siya nagpapaligo sa mga anak ko nilulutoan niya kami pinapakain. Kaso sympre uuwi parin siya sa kanila kaya kpag uuwi na siya sobrang nalulungkot ako.
Lumipat kami muna sa bahay ng parents ko para maobserbahan at mabantayan ako nila mama, kung ano2x herbal pinaiinom nila sa akin pati mga nilalagay sa ulo at tyan ko kasi grabe yung nararamdaman ko nong time na yun. Firstime ko magkasakit ulit ng malala naalala ko kc bata pako nong last time na nagkasakit ako. May time's na binabalakan na nila akong idala sa hospital kasi talagang pabalik balik lang lagnat ko. Dinala din nila ako sa albularyo baka tatawasin lang pero hindi parin ako gumaling. Hinilot na din ako buong katawan ko pero ganun parin. Ang prinoproblema ko lagi ang pagkain ko kasi wala talaga akong panlasa at pang amoy. Kaya wala ako talagang gana kumain dahil don. After 1 week ganun parin ang temperatura ko mawawala sa umaga ang lagnat bandang gabi babalik nnaman. Buti nalang matyaga talaga si mama at yung best friend ko gamotin ako kasi paulit ulit nila ko ponainom ng mga herbal, luya, kung ano2x mga dahon. Hanggang sa nakaamoy na ako ng konti. Ang problema ko nga lang ay biglang inubo ako sobrang sakit sa dibdib.. nasa loob pala ng katawan ko yung plema kaya akala ko wala akong ubo. Halos grabe yung hingal ko konting lakad ko lang hihingalin na agad ako.. Kaya lagi lang akong nkaupo or higa ng time na yun.
Pagbalik ng pangamoy ko ang pangit ng kinalabasan kasi sobrang nababahuan ako sa bawang ayoko ng luto na may bawang kasi amoy na amoy ko. Kapag may bawang ay dko talaga nakakain. Siguro epekto parin ng sakit ko. Nong mag normal na ang aking temperatura kinabukasan ay naligo nako. Ang daming mga dahon2x na pinakuluan nila mama para daw hindi ako mabinat. Feeling ko tuloy bago akong panganak nong time na yun hehe.. Sa ngayon ok na ako nkakapaglakad na din nman ng konti pero hindi pa kaya ng malayo.
Siguro hanggang dito muna po ang aking maibabahagi sa inyo. Dahil po medyo hindi pa sanay yung mata ko sa radiation ng cellphone. Gusto ko lang ikwento sainyo ang nangyari sa akin.. Ayoko ng magkasakit kasi nong mga times na down n down ako wala akong ibang makapitan kondi sarili ko at pananalig sa diyos. Oo anjan mga mahal mo sa buhay handang tumuluong sayo pero tama naman sila hindi mo mapapagaling ang sarili mo kapag hindi mo tinulungan ang sarili mong gumaling. Kaya kahit halos iluwa ,isuka kona ang mga gamot dahil minsan talagang sunod sunod ang painom sa akin. Kinaya ko inisip ko ang mga anak ko at mga taong nagmamahal sa akin. Gusto ko pa sila makita at makasama ng matagal. Madami pa akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang magtravel around the world kasama ang mahal ko. Kaya kinaya ko.. may nagsabi sa akin na covid19 na daw yung naramdaman kong yun. Pero hindi ako naniwala kasi para sa akin simpleng trankaso lang yun..
Date Published: October 13,2021
Mag iingat po kayo,, kasi sah panahon Ngayon talagang bawal magkakasakit,, tapos may baby kapa naman,, alagaan moh ang sarili moh alang2x sah baby nyo po,, God bless