Ang bilis ng panahon at ngayon ay month na ng pinakamasayang buwan ng taon. Decemember talaga ang halos inaabangan ng mga tao lalo na ang mga bata. December kasi doon mo mararamdaman ang kasiyahan na hindi mo maramdaman sa ibang buwan. Kapag December na ay alam natin na malapit na ang kapanganakan ni Jesus Christ.
Alam niyo ba na tayong mga pinoy ang may pinakamahabang pasko sa buong mundo? Pagpasok palang ng bermonths ay cenecelebrate na natin ang diwa ng pasko. Kaya talagang pagdating ng December ay ramdam na ramdam na natin.
Pero ngayon na pandemic at sa hirap ng buhay natin ngayon parang humupa na or hindi na gaano naeexcite ang mga tao sa pasko. Dahil nga sa madaming pinagdaanan sa buhay parang hindi na nila ramdam. Actually kahit sa bahay niyo ay mararamdaman mo din kung talagang masaya kayo kasi magppasko na.
Ano nga ba yung mga gingawa ng mga pinoy kapag sasapit na ang pasko. Sinulat ko itong article na ito para balikan natin yung kasaganaan noong mga nagdaang taon kapag malapit na ang pasko.
Carolling
Kilan nga ba nagsisimula ang pangangaroling ng mga pinoy noon. Ito ay nagsisimula December 16, pwde ng mangaroling ang mga bata sa bahay bahay.
Naalala niyo pa ba yung kabataan niyo? Yung time na kayong magpipinsan ay may goal kaya kayo mangangaroling? Naalala ko nong bata ako kasama ko mangaroling mga kapatid ko at mga pinsan naming lalaki. At ang gamit naming pantogtog noon ay gawa lang namin sa tansan yung takip ng alak. Ginagawa ng mga pinsan ko tapos binibgay sa amin tapos yun na ang pantogtog namin.
Lahat ng kanta ng pasko ay naubos na namin sa isang bahay minsan bibigay lang sa amin ay piso. Pero ayos lang tuwang tuwa na kami noon kahit konti lang. May times na malaki din ang nakukuha namin kaso may times na masusungit talaga may ari ng bahay. Tapos kinukulit namin yung isang bahay noon na may doorbell at pinipindot namin tapos sabay takbohan hahaha.
Kaso isang beses yung may ari pala non matandang llaki ayaw tlaga ng ingay isang beses nangaroling kami. Nakawala pala yung aso mabuti nalang at mabilis akong tumakbo at hindi k kasama mga kapatid ko noon ung pinsan ko natulala buti hindi namn siya kinagat ng aso talagang panay tahol lang.
Mesa de gallo (Simbang gabi)
Alam ko lahat sa atin paborito ito kapag december ang simbang gabi. Nagsisimula ang simbang gabi sa pilipinas simula December 16-24. Alam ko madamindin kayong memories about sa simbang gabi. May mga iba jan na nakikipag kita sa mga kantextmate nila kunwari magsisimba pero makikipagmeet pala.
Yung iba naman na kabataan puro pa cute lang hindi naman nkikinig sa misa ng pari. Kaya ang kalabasan nagagalit yung matatanda kasi naghaharotan lang sila. Kami talaga ng pamilya ko ay mahilig magsimbang gabi noong bata ako. Minsan nilalakad lang namin makapagsimba lang pwera nalang kung umuulan. Kaso dahil bata nga ay nakakantok kaya ayon buong simbang gabi ay tulog ako hehe. Pero nkakatuwa kasi pag tapos ng simbang gabi ay may palibreng lugaw o salabat. Yun lang din talaga ang habol ng iba hehe tapos makakaita ka na nagluluto ng mga kakanin. Puto bongbong, bibingka yung mga ganyan pagkain pag pasko. Pero the best din ay yung shawarma hehehe.
Christmas Party
Kilan huling Christmas party na natatandaan niyo? Siguro sa akin ay yung forth year high school ako yun ang huling natandaan ko na pumarty talaga na ako lang. Naalala niyo ba na napakadami ng tao sa palengke para lang bumili ng bagong damit,sapatos at pangregalo para sa party. Tapos pagdating sa party ay tahimik lang nman ako nagmamasid masid. Tapos meron pamg pa intermation yung mga kaklase ko. Mahiyain ako kaya kahit may alam n kanta hindi ako sumali hehe. Pero masaya naman kasi naranasan ko din magparty .
Exchange gift
Sympre sa party hindi mawawalan ng exchange gift ano ang mdalas niyong makuha noon sa school hehhe ako madalas picture frame talaga hehe si mama mahilig bumiki dati ng album or mga magagamit sa school kaya kapag nakukuha namin noon ay hindi gaanong kaganda galit na galit mma ko hindi daw makatarungan haha. One time nga yung nakuha ko puro chichirya lang worth 100pesos hindi man lang tumagal eh mas ok kasi yung nagagamit talaga or natatago. Nong grade four ako bubbles nakuha ko pero tuwang tuwa naman ako noon eh hehe...
Santa claus
Sino sainyo yung napaniwala din ng magulang na totoo si santa claus hehhe present kami noon magkakapatid akala talga namin totoo si santa claus. Kapag darating na ang pasko pinatutulog kami nila mama gigisingin kami mga bandang 11pm para salubongin yung pasko tapos sabi nila para daw bigyan kami ng regalo ay magsabit kami ng medjas sa aming bintana. Dahil bata nga ginawa namin magkakapatid. Tapos pagising namin deretso punta bintana at nakita namin punong puno ng mga chocolates at candy yung medyas at tuwang tuwa na kami noon. Sabi namin ang bait naman ni santa claus. Siguro laging gingaw nila mama yun pero natigil yun yung pag edad ko ng 12years old isang beses kasi nagising kami ng kapatid ko nawiwi hehe tapos nakita ko yung mama ko na nilalagyan niya yung mga medya ayun nahuli namin. Hehe pagkatapos noon hindi na sila ulit naglagay kasi alam na namin. And malaki na din nman kami.
Ninong at Ninang
Naranasan niyo bang pumunta sa bahay ng ninong at ninang niyo noon ako oo hehe pero dahil mahiyain ako minsan talaga ako na ang nahihiya kila mama kasi sabi ko ang laki kona ma baka hindi na pwdeng regalohan pero sabi nila ay pwd pa kasi d panaman ako dalaga. Ang madalas kung makuha sa mga ninang at ninong ko noon ay pera na binibili naman ng damit ko ni mama. Bukod sa mga ninang ninong nakakkuha din kami sa mga lolo at lola ,tito at tita. Kaya tlgng naktatak sa akin na ang pasko ay para sa mga bata. At sabi ko paglaki ko magiging ganun din ako mapagbigay sa kapwa para madming blessings ang dumating.
Ito guys iilan sa Christmas station Id ng abs cbn na tumatak sa atin noon at ngayon pakingan niyo po..
Merry Christmas in advance to my generous sponsors of mine hehehe mamasko po sainyo.. thank you always for supporting me...
Thank you for reading..
Kayo readers ano ang kinaugalian niyo noon at ngayon kapag pasko at yung mga memories niyo noon na hindi na natin nagagawa dahil sa pandemic.
Masarap balikan ang mga alaala noong mga nakalipas na pasko at sana kahit namanadaming nagbago,may nawala at may bumalik at nadagdagan pa ang ating pamilya ay sana kapag pasko ay wag tayong malungkoy kahit anoman ang pagdaanan natin. Dapat iparamdam natin lalo na kong may mga bata na ang pasko ay para sa kanila. Para kapag lumaki sila ay babaonin nila yun pagtanda at un din ang ggawin nila kapag may mga anak na sila.
Ramdam niyo na ba ang panlalamig niya? Ah este panlalamig ng panahon december na talaga hehehe
Merry Christmas to all🥰
December 2,2021
@ibelieveistorya
Maraming nagbago dahil sa pandemya tuwing simbang gabi ay kinukumpleto ko at nakakamis yung Christmas gift. Ang huli na sumali ako noong high school subrang tagal na. Despite sa mga naranasan natin ay nandoon parin ang tunay na spirit ng Pasko ang magbiyagan at magmahalan.