Nahihirapan nako

4 34
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago
Topics: My experience

How are you dear readers, kumusta kayong lahat bakit ganun nong nagbabasa ako ng nga articles niyo ay panay pasakit sa damdamin ang nababasa ko simula kay sis @Buhayexperience tapos kay sis @Bloghound parang tinatamaan ako sa inyong mga articles hehehe..

Anyways ano mn ang inyong pinagdadaanan sa ngayon ay lilipas din yan. Kasi day by day iba iba ang pagsubok natin. Paano ko ba sisimulan itong article ko ilang days din akong nawala at talagang wala din akong maitopic puro basa lang ako pero ngayon hindi ko din mapigilan sarili ko magsulat.

Paano niyo ihahandle ang sitwasyon kapag nangyari sainyo yung kabilaang problema?

Nasa punto ako ngayon na hindi ko alam gagawin ko ang bigat ng pakiramdam ko, ang bigat sa dibdib kapag ganito ang sitwasyon mo. Yung mahal mo ay problemado din sa buhay at hindi mo alam kong papaano siya matutulungan.

Hindi ko na alam gagawin ko kasi ayoko ding magkwento pa sakanya ng problema ko nong isang araw pa ksi ayoko dagdagan pa ang kanyang iniisip at mamroblema pa sa akin.

Simula pag kabata wala naman akong masasabi sa magulang ko kundi maswerte kami kasi sila ang nging magulang ko. Ang papa ko napakasipag na tao yung isusubo niya nalang ibibigay pa niya sa amin. Lahat ng luho naibibigay nila, at nong elementary kami napagkakamalan pa kami ng mga tao at kaklase ko noon na anak mayaman dahil sa pananamit at mga gamit namin. Kaming dalawa ng kapatid kong babae kambal ang suot lagi namin kpag may bago siyang bestida meron din ako tapos iba iba ang pangipit namin sa buhok,may hikaw may singsing,kwentas at relo pa. Wala akong hirap na dinanas nong maliliit pa kami hangang sa magdalaga na ako nagkapatong patong ang problema ,utang ng mama ko sa lending tapos papa ko naman nalulong sa sugal at alak.

Hangang sa yung sari-sari store ng mama ko ay nawala dahil sa mga utang puro pamayad lang, pagkatapos ng high school nagtrabho na ako sa manila. Doon ko naranasan ang hirap ng hindi marunong sa gawaing bahay yung pagluto ng itlog takot na takot ako hindi ko magawa. Yung pag lalaba ng puti sa de color ay hindi ko alam. May isang damit ako ng amo ko noon na namantsahan ko dahil naisama ko sa mga puti mabuti nalang mabait sila. At sabi ng ate ko yung amo namin senyorita ka ba sainyo at wala kang alam sa bahay? Doon ako napaiyak kasi bakit nararanasan ko yun na hindi pinaranas sa akin ng magulang ko. Lahat sila ang gumagawa, at sobrang namimis ko yung pag aalaga nila kaso no choice ako naghihirap na kami bagong panganak mama ko noon sa bunso namin at may mga pinagaaral pang mga kapatid na sunod sa akin.

Hangang sa pati bahay at lupa namin ay binenta ng mama ko para ipambayad sa mga nautangan niya. Ako naman hindi makaalis sa pinapasukan ko kasi pusro bali ako, naisip ko hanggang doon nalang ba ang buhay ko katulong pamayad utang nalang ba napupunta ang sahod ko? Naiingit ako sa ibang kabataan doon na meron silang magagandang damit may mga magulang na kasama kapag nagsisimba. Yung kabataan ko halos nauwi sa pagkakatulong na hindi ko man lang naenjoy yung pagiging dalaga ko. Nakatoon lagi atensyon ko sa pamilya at sa inaalagaan kong bata noon. Nakalimutan ko na magaral dahil mas gusto ko ng magtrbaho makapadala sa kanila.

Yung hirap na yun ay unti unti na sana namin nalalagpasan ngayon dahil sa pagsisikap din ng kapatid ko. Nagabroad siya para sa amin hangang sa nakabili uli kami ng lupa at nkapag patayo ng bahay kaso hindi talaga perpekto ang panahon. Kung kilan nagiging ok kami ang mama ko nagkaroon ng sakit, kidney stone na dapat sana ay ooperahan siya kaso naawa na kmi sa kapatid ko sa abroad na lahat nlang ay iaasa sakanya. Kaya nag mementenance nalang sa gamot ang mama ko. Pero hindi parin sapat nong isang araw grabe yung suka ng mama ko halos wala na ngang nailalabas sa kanya pero nasusuka parin siya awang awa ako sa mama ko dahil namamayat na siya lubog na ang kanyang mga mata. Gusto sana namin isugod si mama sa hospital kaso ang hirap ngayon. Hindi pa siya nababakunahan kaya mahirap magpahospital sa panahon ngayon.

Nagsimula ang pagsusuka ng mama ko nong ilang araw ng nagpapasaway ang papa ko. Ang papa ko kasi hindi naman sa galit kami sakanya kundi gusto namin magbago siya kasi malalaki na kami ganun parin siya wala siyang pagbabago. Inom, barkada sabong ang kanyang bisyo. Ok naman ang papa ko pero kapag nadadala ng barkada ay parang wala siyang pamilya na iniisip. Doon nagsimul ang pagsusuka ng mama ko na alam ko dahil un kay papa nastress siya kahit hindi siya mag kwento sa amin ramdam ko ang bigat na dinadala ng mama ko. Alam mo yung matatanda na sana sila dapat hindi na sila nagkakaproblema.

Ngayon andito mga tita ko kapatid ng mama ko kinausap ako na kausapin ko ang papa ko bilang panganay baka daw makinig sa akin. Oo kakausapin ko ang papa ko dahil dati pa ginawa ko na yun halos nga nagaway kami ng apapa ko nong napagsabihan ko siya bakit nakinig ba siya sa akin nagbago ba? Ang hirap ng ganito na gusto mong maginhawaan ang isip mo kaso nasa paligid mo hindi mo kayang tiisin hindi ko kayang magbulag bulagan kaya nong nakita kong umiyak si mama sa harapan namin hindi ko na din napigilan hindi umiyak ayoko sana makita nila na mahina ako... Pero hindi ko na din kaya sabi ko nalang ky mama hayaan mo nalang ma si pa magsasawa din yan. At yun nga iyakan kami kanina pati mga kapatid ng mama ko ayoko kasi na mawala si mama ng dahil sa stress baka yun ang ikahina ng katawan niya puro sakripisyo nalang ang inabot niya kay papa. Sabi ko nga bakit hindi mo hiniwalayan si papa ma.. iniisip niya kaming mga anak niya lalaking walang ama. Sabi ko naman ma kung gnyan din naman lang ginagawa ni papa mas mabuti pang walang ama. Nasasabi ko daw un kasi wala ako sa sitwasyon niya pero ayko lang makitang nahihirapan si mama kahit si papa pa ang dahilan.

Pag ganito na namomroblema mama ko pati ako apektado yung buong katawan ko nanginginig sa takot na baka ano mngyari sa kanya. Mahina ako sa problema hindi ko alam pano ihandle ito.

Sobrang drama ng buhay ngayon pero salamat at may readcash salamat sainyong pagbabasa.

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Thank you so much to my sponsors... Keep safe always..

November 27,2021
@ibelieveistorya 

4
$ 0.05
$ 0.05 from @BCH_LOVER
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago
Topics: My experience

Comments

Kaya mo yan sis..lagi mo lang isipin na hindi ibibigay sayo ang problema kong hindi mo kaya.....Lahat ng sitwasyon..lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan at may nakaplano si papa god para sa atin..minsan naman talaga napakahirap lalo na kung yong alam natin na ang ibinibigay sa atin ay yong kahinaan natin......Pero bakit sa lahat ng sitwasyon eh yon ang binibigay sa atin...siguro plano lang ni papa god para turuan tayo na maging malakas at mas matibay kasi alam niyang doon tayo mahina.....may kilala din kasi akong isang tao.....halos lahat ng pagsubok,problema ay dinadanasaan na ata niya pero sa kabila ng lahat ay nagagawa niya pang tumawa.......Naisip niya daw kasi na kung bibigay siya at magpapadala sa kahinaan niya eh paano na daw yong mga taong umaasa sa kanya.....pasensiya na sis napahaba na ata yong comment ko...isipin mo lang kaya mo yan...

$ 0.00
2 years ago

Magpakatatag ka para sa mama mo sis, yung may problema tayo para tayong manghihina, yung katawan parang walang lakas kumilos pero kailangan nating magpakatatag para sa mahal natin sa buhay. Kaninang umaga nabasa ko din yung kay sis buhayexperience, nakakalungkot

$ 0.00
2 years ago

Oo nga eh nakakawa din sitwasyon niya.. kya nga sis apketado ako nawalan nga akong gana kumain ngayon.. pero salamat po sis.. kahit ppano gumagaan din pakiramdam ko.

$ 0.00
2 years ago

Naawa din ako sa kanya sis. Nitong nakaraang araw dami ding nangyari sa buhay namin, ang bigat sa dibdib pero kakayanin para sa pamilya.

Laban lang tayo sis, may mga umaasa sa atin. Magpakatatag tayo para sa kanila

$ 0.00
2 years ago