Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang gusto sa darating na pasko. Ano nga ba ang magandang idea para ngayong paskong darating? Kayo po ba ay yung tipo ng tao na maaga palang ay pinaghahandaan na ang pasko? Or go with the flow lang kayo kapag anjan na yung okasyon ay don nalang magseset ng plano.?
Isa ako sa tao na mahilig sa surprisa or mahilig magplano lalo na at malayo pa ang okasyon. Minsan niyan ay meron akong mga listahan ng mga bibilhin lalo na kapag sa mga b-day ay malayo pa ang bday nila ay nkakapag set na ako ng goal. Pero minsan nauudlot din kasi minsan may hindi inaasahang pangyayari. Tulad ng bday ng anak ko nong June3 ay may isang simpleng salo salo sana kami, kaso naudlot ito dahil nahospital ang mama ko kaya pinagliban muna namin yung okasyon..kapag ganun ay nalulungkot ako kasi yung anak ko ay kinukulit din ako.. kapag mga ganung plano ay talagang masakit kapag hindi natuloy..
What's the plan?
Ngayong darating na pasko ay gusto ko sana ipasyal ang mga bata, sa isang masayang park na madaming decoration. Tapos kakain pagkatapos sa gusto nilang food chain at bibilhan ko sila ng mga regalo.. Pag katapos non ay magsisimba kami magpapasalamat sa diyos na kompleto at masaya sila kahit simple lang ay gusto ko at natutuwa akong makita kong masaya sila sobrang saya ko na din..
Last year na picture iyan firstime nilang makalabas ng dahil sa pandemic.. ang hirap nga nilang ipasyal dahil sa faceshield at facemask nahihirapan sila. Kahit din ako hirap kasi sa picture hindi makita ng maayos ang mga mukha nila. Pero ayos lng kasi masaya ang mga bata, naghahabulan sila kumain at tuwang tuwa sa mga maiilaw na nakikita nila sa paligid.
Plan for mylab
Sympre hindi mawawala sa isip ko si mahal, ang gusto ko sana sa darating na pasko ay kasama ko siya kahit isang buong gabi lang.. Kakain kami sa labas, mamasyal reregalohan ko din siya kung wala sigurong covid ay nadala ko siya sa isang lugar na kaming dalawa lang yung kami lang magkakaunawaan. Yung mararamdaman namin ang bawat isa ung love namin..Pero kahit naman madaming hadlang dahil malayo siya ay gusto ko parin iparamdam sakanya ang pagmamahal ko. Gusto ko mafeel niya na mahal n mahal ko siya. Kahit ano naman ang iregalo ko sa mahal ko ay tatangapin at iingatan niya yun ang isa na katangian ang nagustohan ko sakanya yung hindi siya maarte go with the flow siya ,masayahin at talagang napapasaya niya ako.
Plan for myself
Dapat pa bang may plan para sa sarili?
Siguro lahat ng mga plano ko simula sa pamilya at sa mahal ko ay lahat na yun para sa akin. Wala man akong marecive sa kanila ay ayos lang oo na sa akin yung makita ko silang masaya sa simpleng plano ko at regalo sa kanila. Sana lang talaga ay hindi maudlot ang plano ko dahil malayo pa nman sana maging maayos ang lahat.
Thank you always guys, for upvoting me and to all my generous sponsors. They're all awesome try to check their works.
Final thoughts:
Ano man ang plano niyo sa darating na pasko ay paniguradong magiging masaya kayo. Sa akin naman ay plano ko lang ito na sana ay hindi maudlot, dahil kapag nagkataon ay sobrang saya ko kpag nakasama ko ang mga taong mahal ko sa araw ng pasko..
Date Published:
October 18,2021
Ang pangarap ko sis ngayong pasko,,syempre bago ang mga pasyal-pasyal na yan ay gusto ko walang karamdaman ang mga mahal ko sa buhay...My family,ma mahal and also her family....Mahirap man ngayon ang sitwasyon dahil sa covid....And syempre iniisip natin yong ating makakasalamuha lalo na sa pamamasyal but isang beses lang yon mangyari sa isang taon...Kaya siguro dapat gawin nating masaya ang pasko and memorable...Buti ka pa may plano ka na sa mahal mo...Ako naman para sa mahal wala pa akong naiisip para sa pasko kasi advance ako mag isip..gusto ko february na.hahahaha