Lahat nman siguro tayo ay merong kahinaan at kinatatakotan hehe. Ngayon may nakita kasi akong isa nanaman sa kinatatakotan ko at talagang nanghina ako nong makita ko siya pero kilangan kong patayin dahil bka makapunta sa mga bata.
Simula pag kabata hanggang ngayon talagang kapag nakikita ko sila ay natatakot parin ako. Pero sympre hindi lang halata sa akin kasi malaking bulas ako hehhe pero di nila ala e takot na takot na ako...
Cow (Baka)
Opo, takot po ako sa baka hanggang ngayon, noong bata po kasi ako ay ang bahay namin ay malapit sa palayan meron kalabaw at baka. Isang araw iniwan kaming magkakapatid sa bahay ng magulang ko dahil magtitinda sila ng isda para may kainin kami. Bandang hapon naglalaro kami sa aming bakuran tuwang tuwa ako kasi andon mga kalaro ko ng biglang may nakawala na baka kulay dirty white siya dito sa pilipinas. Tapos mga kalaro ko kanya kanyang takbohan. Mga kapatid ko naman pumasok sa loob ng bahay, ako naman parang natulala hindi makakilos sa kinatatayuan siguro 8years old ako non ay naalala ko nkapula din akong damit non. Papalapit na sa akin yung baka halos pumikit na lang ako parang inaantay ko nalang na mkalapit siya. Buti nalamg nahila ako ng lola ko sa loob ng bahay at doon ako umiyak ng umiyak talagang nanginig buong katawan ko. Hanggang ngayon diko malilimotan yun yung lola ko nagligtas sa akin. Tapos nagtagal yung baka pagala gala sa bakuran kya nakikita ko pa siyang hinahanap ako. Tapos sabi ng lola ko galit yan sa mga nakapulang damit hahaha dko alam kong totoo o biro niya lang. Tapos ngayon kpag nakakakita kong baka naalala ko yung nangyari noon hanggang ngayon sa malayo ko lang siya pwd tanawin hehe..
Peacock (Pabo)
Isa din ang pabo sa kinatatakotan ko hanggang ngayon dahil nong grade1 ako yung tito ko nagalaga ng pabo ang ganda niya tingnan dati tinitingnan ko lang siya kasi ang ganda ng kanyang mga feathers lalo na kapag bumubuka na ito. Kaso isang araw dumaan ako sa tito ko hindi ko naman alam na naandon yung pabo bigla niya akong hinarang sa daan galit na galit bumuka ung kanyang mga pakpak at hinabol niya ko. Takbo nman ako ng takbo habang sumisigaw ng mama hahahha tapos sa bilis ko di nman niya ako na abot. "Sabi ng mama ko yan kasi layas kang bata ka mabuti ngaya sayo pauwiin" hahhaa. Mula noon takot nako sa mga kagaya niya, manok, pato, itik kasi pakiramdam ko hahabulin nila ko hahaha.
Snail
Ito nman tawag sa amin dito ay "guling-guling".
Maliit lang ito pero sobrang takot ako nito noong bata pati ngayon heheh naalala ko kasi ang igiban ng tubig namin noon na inomin ay malayo sa amin borabod kung tawagin galing sa mga puno nangagaling yung tubig kaya talagang malinis at presko. Kapag tapos na ang ulan nag lalabasan ang snail tapos magiigib na kami sa hapon. Kapag siya ay nakaharan sa dinaraanan ko kahit ang layo naman niya hindi talaga ako makadaan grabe ang takot ko sakanya. Mga pinsan ko pinagtatawanan nila ako kasi nga para akong ewan dahil don. Tapos iniiwanan nila ako kasi niinis na sila sa akin kasi sympre magagabi na wala pa sila sa bhay. Ako nman gingawa ko umuuwi nalang ako ayoko talagang dumaan pag dating sa bahay palo ang aabotin ko kasi magagalit mama ko dahil lang don d ako makadaan eh hindi nman daw ung nangangagat. Katwiran ko naman eh lumalabas pa ang ulo tapos umiikot natingin pa sa akin kaya nkakatakot. Tapos pag tatawanan ako nila mama. Kasi mabagal daw kumilos yun. Feeling ko kasi tatalon siya sa akin hahaha.
Centipede
Ito yung kanina na sinasabi ko na kinatatakotan ko hanggang ngayon grabe kapag nakikita ko siya talagang kinikilabutan ako. Sa dami ba naman ng kanyang paa at parang umaapoy pa kaya ang tawag sa amin niyan ay "mamaso-paso,.
Wala naman akong experience sakanya masyado basta kapag nakikita ko siya sa loob ng bahay namin kahit pinatay na or naitapon na nila mama hindi talaga ako agad agad nakakatulog dahil naiisip ko siya. Feeling ko gagapang siya sa higaan namin wala kaming kama non sa lapag lang kami nahihiga kaya pakiramdam ko anjan siya hahaha.
Sea snake
Sea snake ang karanasan ko dito na hindi ko makakalimutan ay yung naligo kami sa dagat malaki na ako noon siguro 24 years old. Galing akong manila nagtrabho don ng ilang taon napagkasundoan namin na mamasyal pumunta ng dagat. So umaga palang handa na kami papuntang dagat malapit lng kasi ang mga dagat dito sa amin isang sakay lang pwde ngang lakarin, tas napakaganda na. Pag dating doon sympre namis ko yung dagat kasi ilang taon hindi nakauwi tuwang tuwa ako ang linaw ng dagat noon tas maganda yung panahon. Pwrfect timing talaga tapos habang nagsswimming sumigaw ung pinsan ko na may ahas daw papunta sa akin. Halos patakbo na ako pabalik sa buhangin kaso diba pag nasa tubig ka e ang bagal mo kumilos. Pero tumakbo parin ako, pagdating sa buhangin nakita ko nga yung ahas pero nasa kamay ng pinsan ko at niloloko niya pala ako ito pala ay patay na nahanap niya lang. Nakakainis diba kaya simula non kapag maliligo sa dagat nasa ibabaw nalang ako kasama mga bata hahaha pagtawanan nila ko ayoko na sa bandang ilalim kasi mahirap tumakbo hahaha.
Snake
Ito talaga ang hinuli ko dahil ito talaga sa lahat ng nabangit ko ito talaga ang pinakakatakotan ko sa lahat. Wala naman akong experience sakanya na nakita ko basta sobrang natatakot lang ako sakanya nakakita na ako ng ahas pero patay na.
Pero isang beses ngayon may mga anak nako kasama ko mga anako ko ay nagpapahinga kami sa bahay ng mama ko nakahiga kami sa sala. Nakatinging kamill lahat sa may bintana yung bakod ng pinsan ko ay gawa sa bakal na pahaba tapos biglang may nakita akong kulay green na ahas maliit lang katawan niya pero ahas parin yun hahaha tapos ang ingau ng mga ibon tapos nakapagtataka kasi nasa taas siya umiikot ikot sa bakal. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya hangang sa makarating siya sa papaya biglang hindi kona siya nasundan dahil kulay green din dahon ng papaya. Tawag ako dito sa kaptbahay namin ng tulong para mahanap yun pero sobra yung kaba ko. Tapos ung panganay ko pala nakita din niya yun kasi nagkwento siya pag dating nila mama. He hehe
Final thoughts:
Siguro hindi na maalis sa atin ang matakot mapahayop man or gawa ng kalikasan o pangyayari sa ating buhay na talagang kinatatakotan natin na mangyari. Siguro para maibsan ang takot na yun ang ginagawa ko ay nagdadasal na sna hindi na maulit at gabayan ako ng panginoon.
For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up button the globe icon thank you!!!
Date Published: September 26,2021
May phobia sin Ako sa baka nung Bata Kasi Ako hinabol.ako nyan..pati mga uod bulate at kung ano ano pang insekto ayoko dn Nakakakita