How are you today guys!!!
Kumusta ang araw niyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan, walang anomang karamdaman... Gusto kong ibahagi sainyo itong adventure na naexperience ko last December 2017 hindi ko na matandaan exact date basta December yun hehehe..
Meron po ba kayong pinsan na sobrang bait at ililibre ka kahit saan kahit na may anak ka na ay hindi ka parin niya nakakalimutan? Simula pagkabata ay siya na ang aking kalaro at sobramg paborito ko siyang pinsan, bukod kasi sa pinsan ko siya ay siya din ang nagiisa kung kaibigan noon. Lahat ng bagay ay magkasundo kami matanda siya sa akin ng apat na taon pero kapag kasama ko ang pinsan kung ito ay sobrang secured ako na talagang hindi niya ako pababayaan. Siya din ngturo sa akin kung paano paano matulog ng walang ilaw hahaha wierd diba pero kasi nong bata talaga ako ay mas gusto ko may ilaw kapag natutulog pero nong simula ng lagi kami magkasama ng ate ko ay tinuruan niya ako matulog ng patay ang ilaw at ngayon mas gusto ko ng walang ilaw kapag natutulog.
Alam niyo po ba itong ate ko na ito ay sobrang talino, nong elementary kami siya ay laging kasama sa honor list ganun din ako pero siya consistent yung talino niya dahil hanggang sa grade6 ay siya ang nag valedictorian sa year nila ako kasi lumipat ng school hehehe. Pero isang araw ay nabalitaan kong aalis ang ate ko sa manila na daw mag-aaral dahil kukuhanin siya ng kaniyang mga kapatid sa ama at doon na pag aaralin. Sobrang nalungkot ako ng time na yun, iniwanan niya akong may alagang kuting noon hehe tandang tanda ko pa name ng pusa na pinangalanan namin na "Paloma". Kaso nawala ito sobrang umiyak ako kasi yun lang ang alalang naiwan sa akin ng ate ko.. Wala pang cellphone noon kaya talagang hindi ko na nakita ang ate ko kahit nag bakasyon noon hindi siya umuwi mahigpit kasi mga kapatid niya hindi talaga siya pinauuwi.. Hanggang sa parang nakalimutan kona ang mukha niya isang beses umuwi siya 4th year high school na ata siya noon. Unang una niyang hinanap ako pero nong magkita kami hindi ko talaga siya nakilala hehe.. Sabi pa sa akin ng ate ko "Jing ako ito si ate nalyn mo, hindi mo na ba ako kilala?" Bigla akong umiyak at sobrang niyakap ko siya at ayun buong magdamag kaming nagkwentohan sobrang lungkot niya daw sa manila at mis na mis niya daw ako... Nakakapanibago kasi may mga ugali na yung ate ko n hindi ko na alam kahit siya nanibago sa akin.. Tapos umuwi uli siya sa manila at doon na nag college, nong nag work ako sa manila pinuntahan niya agad ako hinanap niya ako.. lagi na siya andon binibisita ako kapag wala siyang pasok. Lalo na nong nagkatrbaho siya hindi niya ako nkakalimutan lagi niya ako pinapasyal sa manila. Sobrang saya ko kapag kasama ko ang ate ko at sobrang mis ko na siya ngayon.
Meron kaming usapan noon na dapat siya muna ang mauunang magasawa bago ako at ang magiging mga anak namin ay siya ang ninang at ako din ang ninang ng magiging anak niya.. Kaso mas nauna akong lumandi kaya siguro hanggang ngayon wala paring asawa ang ate ko mas dedicated kasi siya sa work and family niya.
Nong nagkaron ako ng anak siya agad una kong naisip na maging ninang kaya sa babtismal ng aking anak siya ang unang nakalagay hehe...kahit may anak na ako noon pinapasyal niya parin ako..kasama ang anak ko.
Decemeber at bagong sweldo ang ate ko eksakto din nasa manila kami ng anak ko non dahil gusto makita ng tatay ng anak ko ang kaniyang anak kaya umuwi kami sa manila at nong time na yun nag chat ang ate ko na ipapasyal kami.. mas natuwa ako kaysa sa anak ko eh hehe. Una ngsimba kami sa quaipo church para magpasalamat sa biyaya na pinagkaloob sa amin ng diyos. At nakita ko ulit ang ate ko.. kasama niya din ng mama niya na kapatid ng mama ko..pati yung iba ko pang pinsan kasama namin.. Ang saya ng time na yun kasi firstime kong mkakapunta sa Manila Ocean Park. Para akong bata noon na tuwang tuwa hehe.
Ang gaganda ng mga isda diba hindi mo akalain na merong ganyan sa loob ng ocean park. Nakakabilib lang ang mga gumawa ng ganyan dito sa atin. Mga pinoy naman tlaga ay talagang malikhain pagdating sa mga gabyang bagay at talagang humanga ako sa mga nakikita ko sa loob ng ocean park.
Lalo na dito nong mkapasok kami noong una natakot ako kasi para akong nalulunod hahah hindi nman ako takot sa tubig pero nong unang pasok ko parang hindi ako makahinga nka aircon naman ang buong paligid pero iwan ko ba para akong nalulunod dahil feeling ko mabubutas yung taas at maulunod kami yung lahat ng isda ay lalamunin kami ng buhay hahah ang lalaki panaman ng mga isda na nanjan..hahaha grabe yung imagination ko pero after ilang minutes napakalma kona sarili ko kasi yung anak ko tuwang tuwa eh hehe..
Pagkatapos namin don sa malalaking isda sa mga jelly fish naman kami ang ganda nilang tingnan., Nagkakaroon sila ng ibat ibang kulay...
Mga bandang 4pm nagutom kami kumain at nagantay ng oras para sa sea lion show.. at sobrang nkakatuwa yung show na yun ang talino ng mga sea lion, may video ako noon kaso d ko ma save galing sa fb account ko.
Nong matapos namin mapanood yung show ng sea lion at talaga naman na namangha at natuwa ako pati anak ko grabe yung saya niya makakita ng ganun.. ay tumambay kami sa may bandang harapan ng dagat inantay namin lumubog ang araw at sobrang nkakakamangha yung kagandahan ng sunset na galing sa dagat.
Kinagabihan mga 6pm last na show na panonoorin namin ay ang fountain show.. grabe sobrang ganda hindi ko maexplain yung tuwa at mangha na naramdaman ko noon. Yun na ata ang pinakamasayang pasyal na nagyari sa buhay ko noon. At ang swerte ko at nasaksihan ko yun.
My final thoughts:
Yan na po ang aking munting kwento na masaya akong ibahagi sainyo. Salamat sa readcash at para na din akong nagdocumentary ng aking buhay.. At buti na din ito para hindi ko makalimutan yung masasayang nagyari sa buhay ko...
Sobrang thank you talaga ako at may pinsan akong napakabait sa akin kahit siguro tumanda n siya ay alam kong andito parin siya para sa akin kahit na malayo siya...
Thank you so much to all my generous sponsors.. hope you don't mind kindly visit also their awesome work thank you
For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you
Sissy huhu gusto ko din makapunta dito. Magkano ba ang entrance fee?