Kapag ako ay may topak

9 30

Kumusta na kayo guys..

Ngayon lang ulit nkapagsulat ilang days din na nwala dito sa mundo ng readcash. Kapag kasi wala kang maisip na itopic ay wala talagang maisusulat ka kahit pigain mo na ang iyong isipan. And medyo affected din kasi ako nong ilang araw masama ang pakiramdam ang aking mahal kaya kapag ganun ay sobrang apektado din ang buong systema ko..

Nitong mga nkaraang araw ay sobrang busy ako, sa modules ng anak ko sa pag aasikaso at mga gawaing bahay dito sa bahay kaya wala ding time makapag readcash at comments,at mkapagbasa sainyong mga articles..

Andito ako ulit para ibahagi sainyo ang aking munting saloobin about sa pagiging balat sibuyas or kung tawagin nila sa english sensitive na tao. Hindi ako magpapaligoy ligoy pa kasi isa ako sa taong yun dahil konting masakit lang na marinig ko sa mama at papa ko ay umiiyak na talaga ako. Minsan kahit malayo sila na naguusap ay naririnig ko parin sila kaya minsan nasama talaga agad loob ko. Pero panandalian lang yun kinabukasan ok nako. Pero nakatanim na sa isipan ko yung sinabi nila or ginwa nila sa akin.

At sobrang sensitive din akong tao, naniniwala ba kayo na kapag February daw ipinanganak ay may topak? Kasi daw kulang kulang..? Kulang sa petsa hahaha, pra sa akin ata hindi nman nakadepende parin sa tao kasi yun kasi lahat nman tayo may topak hehe.. kahit anong buwan pa yan. May kakilala nga ako na kapag tinopak ay talagang hindi mo makausap hahaha. Yun nga po sensitive akong tao ayoko ng pinaasa, pinaghihintay, piangsasabhan kasi alam ko naman mga yun kung baga ayoko lang gawin. Pero kapag mali na din para sa akin ginagawa nila ay tlagang sumasama ang loob ko kaagad.

Pero paano ko ba nahahandle ang sitwasyon kapag tinopak ako tukad nong nakaraang araw ay hindi magtx ng gaano yung gusto kong makausap ang kaso nagpaliwanag siya gabi na at talagang badtrip na yung mood ko talagng dinibdib ko yun. Kinagabihan ay hindi ako makatulog siguro ang normal na tulog ko ay 10pm pero mag 2am na hindi parin ako naantok at naiisp ko siya ng dahil sa kaiisip ko ayon iniyak ko ng iniyak hangang sa mapagod ako at makatulog. Kinabukasan ay pumunta si mahal sa akin pero hindi ko siya kinikibo alam niya din yun kaya nagsilent mode muna kaming dalawa. Binigyan ko siya ng space, binigyan niya din ako. Kaso ako kasi #marupok hahah nong nagluluto ako at nakikita ko siya hindi ako sanay na tahimik siya eh usually kasi madaldal yun tapos panay kwento nong time na un silent talaga sobrang awkward moment ba hahaha. Tapos sabi ko sa isip ko akondin mahihirapan kong hindi ko siya papansinin kasi siya magaling siya magtago ng nararamdaman ako hindi. Kaya pakatapos ko makaluto kumuha na ko pagkain tumabi sakanya at yun hehe sinubuan ko siya at nagtaka siya bakit ko ginawa un at wala na kaming usap basta kumakain lang kami nagngingitan sa isat-isa at sobrang kilig moments hehhe. Minsan kailangan niyo ding mag away paminsan minsan no hahaha.

Kaya buong hapon ay ganado kami magkwentohan, nagsorry kami sa isat isa at panay ang kwento namin about past at ang saya lang mga childhood memories namin ay napagkwentohan namin at feeling ko ay bestfriend lang kami noon pero happy ako talaga mg mga oras na yun kaso bitin parin kahit maghapon sila dito..

Final thoughts

Yan po guys wag niyong hhayaan na kainin kayo ng pride niyo kayo man ang gumawa ng kasalanan o siya pag mahal niyo wag niyong titiisin kasi baka dumating ang time na mas lalong magtiiisan at pataasan kayo ng pride.. masakit talaga kapag binabalewala ka pero siguro nasa paguusap yan at kung paano mo ihahandle ang ganoong sitwasyon. Hangang dito nalang ulit guys sana ay nagustohan niyo po

Thank you for reading...

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Kumusta kayo mga mababait kong sponsors hehehe salamat po sainyo lagi..godbless po..

Date Published

November 4,2021

@ibelieveistorya

6
$ 0.04
$ 0.02 from @Khing14
$ 0.02 from @Sweetiepie

Comments

Yang pag aaway sis ang isa sa nagpapatibay ng relasyon ng dalawang tao. Kami din naman mag asawa hanggang ngayon aso at pusa..hahaha..silent mode din kami madalas..Pagkatapos ng bangayan eh silent war naman..pero ayun,. lumilipas lang din naman...hahaha...

$ 0.00
3 years ago

Thank you sis tama ka jan hehehe

$ 0.00
3 years ago

Minsan talaga dumadating din yan sa isang relasyon....Pero kahit nagtatampuhan kayo or nag-aaway ang importante hindi nababawasan ang nararamdaman niyo sa isat-isa...Siguro may mga dahilan lang kung bakit wala siyang paramdam sayo pero ang kinagandahan naman kasi may panahon kayo para makapag-usap....

Siguro lagi ka sis napapag sabihan ng mahal mo.hehehe...Pagpasensyahan mo na yon kasi mahal ka lang talaga siguro ng mahal mo..Kapag hindi ka na kasi pinagsasabihan kahit may mali na..ibig sabihin non wala na siyang pakialam sayo...heheh

$ 0.00
3 years ago

Tama ka jan sis.. hehehe ay oo lagi ako pinagsasabihan at ok nman sa akin po kasi mahal ko yun may times na nakakapikon hahaha pero mas nangingibabaw yung pangunawa lalo na kapag nag explain na siya hehehe

$ 0.00
3 years ago

Ganyan talaga sah isang relationship, pero minsan babaan din natin Ang pride natin kasi, nasa huli Ang pagsisisi ehh,, dapat sa isang relationship may awayan may Lambingan din,, para mas lalong matibay Ang pundasyon.

$ 0.00
3 years ago

Tama po kapag wala nman kasing away parang boring at d normal ang relasyon hehe

$ 0.00
3 years ago

Ahaah, kaya nga sis ehh,,

$ 0.00
3 years ago

Kung walang away walang sweetness un un hehe

$ 0.00
3 years ago

Very true sis..

$ 0.00
3 years ago