Ikaw naman ang iiyak

23 32

Magandang gabi to all readers, sanay nasa maganda kayong kalagayan ngayon. Dahil sa wala akong maisip na content at gusto ko parin may maisulat ako ngayon dito ay ito nkahanap akong topic na maibabahagi ko sainyo.

Nanonood akong palabas sa tv at ang palabas at title ay ""Ikaw naman ang iiyak" .

Pinagbibidahan ni Miss Dawn Zulueta, Gary Estrada, Charlene Gonzales, Sheryl Cruz at madami pang iba. First time ko din mapanood itong gantong pinoy classic movie.

https://www.google.com/search?q=ikAw+nman+ang+iiyak&oq=ikaw+&aqs=chrome.0.69i59j69i57j35i39j0l2.1537j0j7&client=ms-android-oppo-rev1&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8#imgrc=7x6B9F3Y3BTuJM

Hindi ko siya nasimulan pero andon na ako sa part na Si Dawn Zulueta (Elaine) at Gary Estrada (Santi) ay magkasintahan at pinagaaral niya ang kanyang nobyo sa college para mkapagtapos ito. Para sa kanilang kinabukasan. Kaso ayaw ng kanyang tiyohin ang kanyang nobyo kaya isang beses nagsuntokan ito at kumuha ng itak ang kaniyang tiyohin at gustong itakin ang kanyang nobyo. Dahil sa hindi maawat ang dalawa ay kumuha ng pampalong kahoy at pinokpok niya ng paulit ulit ang kanyang tiyohin. Hanggang sa napatay niya ito, dahil sa pagtatangol niya sa kanyang nobyo ay inako niya ang krimen na nagawa dahil katwiran niya gagraduate pa ito.

Nakulong siya at pinagdusahan niya ang nangyari sa kulungan. Samantalang ang kanyang nobyo ay nagpapakasaya sa piling ng ibang babae. Sa isang mayaman na babae kinalimutan niya ang babaeng nagbigay sakanya ng magandang kinabukasan pinagaral siya at pinagtangol sa kaya nakulong ito.

Makalipas ang isang taon ay hindi parin nkakalaya si Elaine at si Santi ay ikakasal na sa mayamang babae at nalaman ito ni Elaine. Halos ikaguho ng kanyang mundo nong malaman niyang yung pinakamamahal niyang lalaki ay ikakasal na sa iba. At ginamit lang siya ng lalaki para makapag tapos ito ng pag-aaral. Ngunit isang araw ay merong mayamang mag-ama ang dumalaw sa woman's jail at napansin si Elaine ng mag ama na umiiyak pero ang mas nkapansin sakanya ay si Don Leonardo tinulungan siya nito makalabas ng kulungan kinopkop siya nito pinatira sa bahay. Sinamantal iyon ni Elaine sa kagustohan niyang makalaya pinakisamahan niya ng maayos ang matanda at nabuo sa kanyang isipan ang paghihiganti. Pero ayaw sakanya ng anak nitong binata na si Raul na halos mag kasing edad lang naman sila.

Nagkagusto sakanya si Don Leonardo at inalok siya nito na maging kasintahan. Dahil plano niya nga maghiganti ay sinagot niya ito hanggang sa pinakilala siya ng matanda sa mga tao at kaibigan nito na ikakasal na sila. Hindi niya akalain na ang pamilyang napakasalan ng kanyang dating nobyo na si Santi ay kaibigan ni Don Leonardo at sobrang nagalit si Santi dahil talagang minahal nman niya si Elaine pinakasalan niya lang yung asawa niya dahil sa pera. Pero huli na ang lahat dahi ikakasal na si Elaine.

Ayaw parin sakanya ng anak ni Don Leonardo, meron din itong kasintahan isang sikat na tv host gusto na din sana nito magpakasal kaso ayaw pa ng babae dahil mas inuuna yung kanyang career. Ilang beses niya tinangihan si Raul magpakasal. Hanggang sa namatay si Don Leonardo son nagpumilit si Santi na makipagbalikan ky Elaine na kahit ano ang gawin niya pumayag lang si Elaine. Pumayag si Elaine dahil part ng kanyang plano ang paibigin muli si Santi at maghiganti dito hiniling niyang hiwalayan ni Santi ang asawa nito at talagang ginawa naman ito ni Santi. Hihiwalayan at iiwanan niya ang kaniyang asawa at anak para kay Elaine.

Samatala ai Raul ay unti unting nanllamig sa kanyang nobya na si anie dahil dito unti unti rin siyang nahuhulog sa kanyang step-mother na si Elaine hangang sa mahal niya na ito at nakalimutan ang kaniyang kasintahan. Si anie naman ay nagtataka at gusto niyang surprisahin si Raul na payag na itong magpakasal sila. Subalit huli na ang lahat hindi na siya mahal ni Raul. Pero nalaman ni Anie na Elaine at Santi ay dating mgkasintahan dahil siya rin ang nagbalita nito noon sa kaso ni Elaine sa pagpatay sa tiyohin nito binalikan niya ulit yung tape record na kaniyang binalita noon. At pinaalam niya ito kay Raul baka sakaling mag bago ang isip nito kay Elaine.

Nong malaman ni Raul ay nagalit siya kay Elaine at pinalayas niya ito sa mansyon hindi niya man lang pinakinggan ang paliwanag ni Elaine kung bakit niya nagawa iyon. Nalan na din ng asawa ni Santi na ang kanyang asaw at si Elaine ay magkasintahan noon sinugod niya ito. Sabi ni Elaine hindi siya sasama kay Santi kaya wag itong magalala paghihiganti lang ang pakay niya. Nong paalis na si Santi papunta sa bahay nila Elaine ay saktong paalis na din si Elaine dahil pinalayas na nga ni Raul. Bigalang naharang ni Santi yung kotse ni Elaine at pilit itong sinasama sakanya. Narinig ni Raul yun na pilit sinasama si Elaine kaya yung dalaawang lalaki ay ngsuntokan may hawak na baril si Raul. Pinatitigil niya ang dalawa ngunit hindi matigil sa pagaagawan ng baril. Hanggang sa natapon ang baril at pinulot ni Elaine kaya siya ang totok sa dalawa para tumigil ang mga ito.

Hanggag sa sinumbat niya lahat ng hinanakit niya ky Santi simula ng nakulong siya,pinabyaan siya nito nagpakasal sa ibang babae. Kaya siya nag higante kaya nalaman na din ni Raul na hindi masamang tao si Elaine part lng ng paghihiganti kaya nagawa niya yun. Hanggang sa iniwan niya ang dalawang lalaki at nagpakalayo siya. Ngunit si Santi ay bumalik sa kanyang asawa at anak pero hindi na siya nito tinaggap at mismo sa labas ng gate ay umiyak ng umiyak si Santi dahil nawala sa kanya lahat. Naghirap ulit siya...

Si Raul naman ay pilit niyang hinanap kung san si Elaine dahil mahal niya talaga ito. Si elaine naman ay mahal niya din si Raul ang kaso ay takot na siya uling magmahal. Hanggang sa nahanap parin siya ni Raul at nag aminan sila na mahal nila ang isat-isa at naging masaya ang kanilang pag sasama.

The End-

Lesson learned:

Ang aral na napulot ko dito ay wag padalos dalos sa desisyon. Kung meron man na masamang nangyari saiyo sa nakaraan ay wag na sana humantong sa ikaw ay mghigante dahil sa paghihiganti na yan ay madaming tao ang madadamay. May pamilyang nasira dahil sa movie na ito pinaiyak din ako hehe minsan naihahambing ko siya sa realidad ng buhay kaya ok din manood ng mga gantong palabas madaming aral ang mapupulot.

Closing thoughts

Napakahaba ng kwento yung akala kong maikli lang ay ang haba pala pang teleserye na eh hhaha. Sana nagenjoy kayo guys magbasa yung nainip panoorin niyo nalang po sa youtube baka my full movie niyan hehehe. Pero sa ayaw at gusto nalang basahin ay pagtyagaan niyo nalamang po ang aking kwento detalyado naman po yan hehehe..

Maraming salamat sa inyong laging pagsubaybay sa akin. Godbless you po..

Happy 6th Birthday na din pala sa aming Little girl September 28,2021.. wish ko sa iyo baby girl maging good girl lagi at laging makikinig sa mama at papa para love lagi ni papa jesus...

For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you. To all readers, upvoter, and to my sponsors thank you so much po.🙏

@ibelieveistorya

Date Published: September 28,2021

13
$ 0.28
$ 0.10 from @wondergirlwriter
$ 0.05 from @Jeaneth
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3

Comments

Grabe naman pala sacrifice ni Elaine e, deserved din nya maging masaya sa huli. Btw, happy birthday sa baby girl ninyo Sis. I wish her more blessings to come:)

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis sa pagbati.. oo nga e sobrang nkakainspire din yung kwento madaming pinagdaanan..

$ 0.00
2 years ago

Sinayang ni santi si elaine pero siguro hindi sila para sa isa't-isa hehe

Happiest birthday baby girl

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa pagbati po.. oo nga eh sinayang niya yung ganun pagmamahal.

$ 0.00
2 years ago

Kelan to pinalabas sis? Pero parang bata pa si Dawn jan ah. Tapos san pinalabas?

$ 0.00
2 years ago

Bata pa nga si dawn jan po mga 90's pa siguro yang movie na yan hehee napanood ko lang kagabi sa PBO

$ 0.00
2 years ago

Ay oo nga, PBO. Hehe. Classic pinoy films talaga jan na channel.

$ 0.00
2 years ago

Di ko na papanoorin sis, ayos na sakin yun kwento mo. Ang galing mo mag kwento parang yun sa mga precious heart pocketbook sis.

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis nako adik ako jan kasi dati noon sa mga pocketbooks hehe

$ 0.00
2 years ago

Talaga namang nakakaiyak ang mga pangyayaring naganap. Never ko pa napanood yan pero parang di na kailangan kasi naikwento mo na ng bongga. 😂

$ 0.00
2 years ago

Haha salamat po.. panoorin mo sis

$ 0.00
2 years ago

Ayaw ko umiyak sis.hahaha. Joke lang..Ang ganda ng pagkakakwento mo sis..Talagang inabangan mo yang teleserye...Ang gagaling pa ng mga gumanap..Namis ko na tuloy magkaroon ulit ng tv...hahaha...Kaya lang baka daanan na naman ng bagyo sayang din ulit.hehe

$ 0.00
2 years ago

Good morning po sayo sis.. ang gagaling nga ng mga gumanap hehe tska pwd kanaman po magkatv itago nalang kapag may bagyo..

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda sissy, kahit hindi ko napanood ay parang pinapanood ko na din habang binabasa. Ang lahat ng paghihiganti ay walang magandang naidudulotbkailanman. Happy birthday baby girl

$ 0.00
2 years ago

Thank you sis tama kaya dapat wag padalos dalos hehe siguro mas maiging hawg nalang maghiganti ipaubaya n lang sa diyos ang lahat...

$ 0.00
2 years ago

Yes sissy mas maganda pa yon. Ang ganda

$ 0.00
2 years ago

Salamat po mas better mapanood mo din sis hehe

$ 0.00
2 years ago

Para na din akong nanood sissy

$ 0.00
2 years ago

Tama po. Dapat pag-isipan ng milyong beses bago magdsisyon sa isang bagay :)

$ 0.00
2 years ago

Correct ka jan sis.. para walang pagsisihan sa huli..

$ 0.00
2 years ago

naman po hehe

$ 0.00
2 years ago

Para aKong nag basa ng pocket book maganda ang istorya sis ang galing mong gumawa ..buhay na buhay

$ 0.00
2 years ago

Hahaha talaga sis thank you po binase ko lng po sa pelikula kanina nagandahan ako sa movie na yan hehe

$ 0.00
2 years ago