14th birthday of my lil sister

7 31
Avatar for ibelieveistorya
3 years ago

Kumusta po kayo?

It's sunday ,maulan dito sa amin buong linggo ata hindi umaayos ang panahon kaya ang aming mga sinampay ay hindi parin ntutuyo hanggang ngayon dahil walang tigil ang ulan.

Anways kahapon November 13, ay kaarawan ng aming bunsong kapatid. At ang akala niyang wala siyang handa surprise kuno hehehe.

Kung naalala niyo pa po yung article ko about sa namasyal kami ng kapatid ko sa mall ay dahil bibilhan namin siya ng cellphone silang dalawa ng mama ko. At dapat kahapon namin yun ibibigay sakanya para surprise talaga. Kaso ang nangyari yung kapatid kong lalaki sobrang atat makita reaction ng kapatid naming bunso kaya napaaga ang pagbigay sakanya.

Pero sinabi ko na sa bunso namin na cellphone lang talaga ang regalo mo. Sa birthday mo wala na hehe wala ka ng handa, so kahapon wala talaga siyang ideya kasi si mama busy sa pagpapatrabaho ng kwarto ng kapatid kong nasa abroad. Wala din siyang makitang pinamiling ingredients kasi nga busy. Ang hindi niya alam nagorder lang kami ng pagkain para pagdating ng hapon ay kainan na lang hahahaha.

Ang nakakatawa ay maghapon hindi siya nagbubukas ng ref. Kasi si mama ugali niya may ref kami pero hindi niya ito ginagamit hhaha kasi sayang daw kuryente puro tubig lang nman ang laman. Gagamitin niya lang ito kapag may okasyon kahapon maaga palang nakabili na si mama ng cake pero hindi ito nakita ng bunso namin kasi hindi kami sanay na may laman ang ref.hahaha.

So ayon na nga hapon na umalis sila mama pinaligo kona ung bunso namin. Sabi ko bday mo hindi ka maliligo,maya2x eh anjan na sila mama panay kanta na yung kapatid kong lalaki.. Paglabas sa kwarto ng kapatid ko gulat siya kasi may handa pala siya hahaha

Happy 14th birthday dabah...

Ang bilis lang talaga ng panahon, yung bunso namin magdadalaga na. Naalala ko 4th year high school ako nong pinanganak siya at sobrang tuwang tuwa kaming magkakapatid. Tatlo kaming magkakapatid noon at pangapat siya, hindi namin naranasan ng mga kapatid ko ang magalaga ng baby kapag may mga pinsan akong maliliit noon yun ang lagi kung kinakarga at sinsabi kay mama na."Ma gusto ko din ng kapatid na kinakarga." Tawa tawa sila noon kasi akala ko daw madali yung hinihiling ko.

Pero hiniling talaga namin siya sa diyos sabi namin gusto pa nmin ng kapatid yung maalagaan at makakarga hehe. Pero ang gusto sana namin ay lalaki kasi isa lang kapatid kong lalaki sana yung bunso ay lalaki din para may kalaro din si nono heheh kaso babae ang lumabas at natuwa ako at kamukhang kamukha ko daw. Parang pinagbiyak na bunga. Alagang alaga namin yang bunso namin lahat ng hilingin niyan lalo na nong maliit pa siya binibgay namin hanggang ngayon naman eh. Sobrang spoiled yan sa amin basta ayusin niya lang ang kanyang pagaaral.

Sabi ko sa mama ko pano kaya kung wala yung bunso namin at kami ay malalaki na at may sarili ng pamilya. Sabi nman ng mama ko e d kami nalang ng papa mo ang maiiwan dito sa bahay. Sabi ko nman sa mama ko kaya nga hiniling namin sa diyos si bunso para kapag wala kami ay meron pang maiiwan na anak sainyo heheh. Napaluha si mama noon pero totoo yun. Nong nagdalaga ako sa manila ako halos 7years ako don. Andon din yung kapatid kong lalaki nagwork naiwan sa mama ko yung bunso talaga namin.

Final thoughts

Blessings ang magkaroon ng maraming kapatid ang saya siguro noon. Kaso sa hirap ng buhay ngayon parang ang hirap ng magpadami ng anak. Practical na mga tao ngayon.

Happy birthday ulit sa kapatid ko..

Thank you for reading...

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Thank you so much to my generous sponsors, kindly visit their work too.

Date Published

November 14,2021

@ibelieveistorya

4
$ 0.14
$ 0.05 from @Ling01
$ 0.05 from @Buhayexperience
$ 0.03 from @BCH_LOVER
+ 1
Avatar for ibelieveistorya
3 years ago

Comments

Ang sarap maging bunso hahha, pero nakakatuwa nga naman pag may pa surprise lalo na pag special occasions like birthday. Btw, Happy birthday sa kapatid mo Sis:)

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis.. oo nga e sarap magibg bunso eh hehehe pero yang bunso namin atat ng maging matanda heheh

$ 0.00
3 years ago

Happy birthday sa kapatid mo sis. Maganda talaga pag marami tayong kapatid. Namimiss ko yung mga kapatid ko. Tagal na din nung huli kaming nagkita kita

$ 0.00
3 years ago

Thank you sis.. kaya nga rh maganda kahit maingay at mahirap masaya kpag nakakatulong na sa magulang hehehe

$ 0.00
3 years ago

True sis, sa umpisa lalo na pag maliit pa tayo nakakaranas tayo ng kahirapan pero pag malaki na tapos may kanya-kanyang trabaho, pag may day off at nagkasama uli ang saya lang.

$ 0.00
3 years ago

Nakakamis nga sis ang madaming kapatid. by the way belated happy birthday sa kapatid mo po...Ang dali nga ng panahon.....minsan dahil sa sobrang busy natin sa buhay hindi na natin namamalayan..

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis sana madami din kami kaso mama ko mahirap magbuntis t manganak hehe

$ 0.00
3 years ago