Literal na walang puhunan. Huwag na taying paligoy ligoy pa, deretso na agad. Sa buhay may madali at may mahirap, pero madalas mahirap at kailangan natin tanggapin lalo na sa trabaho. Dahil karamihan sa trabaho mahirap.
Naghahanap kabang trabahong walang puhunan? Marami nyan, pero paghihirapan natin yan. Lalo na kung online. May mga walang puhunan pero huwag tayong magtaka at magreklmo lalo na kung piso ang kita sa isang araw. Mayroon din namang walang puhunan na maayos ang kita at yan ay paghihirapan din natin. Ang punto ko dito, kung may mga nagiimbita sayo ng walang puhunan pero sobrang maliit lamang ang kita huwag naman natin laiitin. Nasa saiyo na.po yun kung tatanggapin mo o hindi. Yun lamang po, ganon lamang kasimple, kung ayaw mo dahil maliit huwag kanang magtaka lalo na at walang puhunan at napakadali ng gagawin. Huwag na lamang po manglait.
Ibabahagi ko lamang po sainyo na isa ako sa mga nagtyatyaga sa mga walang puhunan dahil wala akong pera. Kahit papanu nakakaipon naman akong pambili nang load at nakakaipon akong barya paunti-unti. At nagpapasalamat ako.
Hi po pwedi po mag tanong Pano po magkakakita dto?? Hehe