May uban na ako!

1 34
Avatar for fyrfinex
2 years ago
Topics: Experience, Wisdom, Hair, Life

Magandang araw, mga kaibigan ko dito sa read.cash.

Hindi masyadong ubanin ang lahi namin, in fact, yung lola ko kahit 80 years old na sya hindi pa totally maputi ang buhok nya. Pati mama ko, kahit 60 na sya maitim parin ang kanyang mga buhok.

Ang swerte ko kasi nasa mid-30s na ako pero wala parin akong maraming uban. Pero nagulat ako nung nakaraang mga araw kasi may nakita akong isang maiksing uban. OMG! Itey naba ang sign? Dali-dali kong binunot yung uban. Hayy..Nawala rin sya..Pero the next day, may isang bagong uban na naman!

Hindi na siguro mapipigilan ang pagtanda ko. Well, lahat naman tayo patanda- walang tumatandang pabata lol. Ano kaya yun.

Pero ang pagkakaroon ng uban ay isang blessing, ayon nga sa bibliya:

Mga Kawikaan 16:31 RTPV05

Ang mga uban ay putong ng karangalan, ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.

RTPV05: Magandang Balita Bible (Revised)

Ito ay isang pagpapala dahil hindi lahat ay tumatanda.

May mga taong pagkapanganak pa lang ay kinuha na ng Diyos. Yung iba naman, sa kanilang kabataan, sa panahon ng kanilang kasikatan, kalakasan ay pinatay na ang kanilang kandila. Yung iba naman sa pagkakasakit, yung iba ay sa mapait na kamatayan. Hindi lahat ay may pagkakataong tumanda.

Ang uban ay tanda ng karunungan.

Hindi ba? Usually ang nagkakauban yung mga taong nagpupuyat sa pagaaral. Yung mga puyat at naliligo ng maaga, hayun, nagkakauban sila. Di naman ganun ang routine ko sa pagaaral kaya di ako nagkauban ng maaga. Pero yung mga geek, kadalasan may mga uban sila. Yung iba naman, dala ng genes.

Ito ay tanda ng karunungan sa buhay.

Ang ibig kong sabihin- karunungan sa lahat ng mga karanasan masaya man o malungkot. Ito ay senyales na marami ka nang pinagdaanan at dapat matalino ka na sa iyong mga pagpapasya. Hindi ka na padalus-dalos sa mga magiging desisyon mo, maliit man o malaki dahil alam mo na ang mga kalalabasan ng mga ito. Nagiging wais ka na, nagiisip ka ng maigi tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay lalo na kung may kinalaman sa pamilya.

Sa tingin ko, kung may isa o dalawa akong uban ay okay lang sa akin. Pero pag dumadami na sila, gusto na ko magpakulay ng buhok. In denial pa kasi ako na ganito na pala ang edad ko kahit sinabi kong tumatanda naman tayo lahat. I still feel young and youthful inside- kahit na hindi na physically kasi tumaba na ako. Gusto ko na tuloy magbawas ng timbang.

Gusto ko pang maki-Tiktok, you know. Kaya nga kanina sumasayaw sayaw ako. Pero para akong balyena na naahon sa tubig at hindi makahinga. Mygad, ano ba ito. Parang bangungot ang tingin ko sa sarili ko. I pramis.

Yung uban ko ang nagsilbing paalala na dapat mas alagaan ko ang sarili ko kasi mahalaga ang may magandang kalusugan. Na dapat disiplinado na uli ako sa pagkain lalo na sa mga matatamis. Alam nyo bang ngayon ko lang din naappreciate ang taba? Masarap pala sya, at yeah, kung kelan ako tumanda. May mga anak ako, kaya dapat maging conscious ako sa aking mga kinakain, mahirap na ang magkasakit.

Pagtatapos

Ang pagkakaron ng uban ay hindi masama at hindi dapat ikabahala. Pero nasa iyo na yun kung gusto mong magpakulay ng buhok or tanggapin na iba na talaga ang magiging kulay ng buhok mo. Sa parte ko, magpapakulay ako ng buhok para mukhang bata parin, "pugong sa edad"..Ang ibig sabihin sa Tagalog ay pinipigilan ko ang aking pagtanda. May kalayaan naman tayong mamili kung ano ang gusto natin.

Ikaw ba, okay lang ba sayo ang magkauban? Ready ka na ba sa stage ng pagtanda?

Images were from Unsplash.com
The rest of the content is mine unless stated otherwise.
February 26, 2022

Manalangin tayo para sa kapayapaan at kaligtasan ng mundo.

©fyrfinex

1
$ 0.05
$ 0.05 from @ARTicLEE
Avatar for fyrfinex
2 years ago
Topics: Experience, Wisdom, Hair, Life

Comments

Ako walang uban sa ulo pero sa balbas at bigote marami haha!

$ 0.00
2 years ago