Anong Pangarap Mo Noong Bata Ka Pa?😊

4 27

Magandang Araw po sa inyon lahat. Ito po una kong artikulo dito sa read.cash na ginamit ko ang aming pambansang wika. Mas maiintindihan at mas ma eexpress ko po ng mabuti kong ano po ang gusto kong sabihin.

Pero bago po iyan ay nais ko pong pasalamatan ang mga manunulat na patuloy po na nagtitiwala sa aking likha. Na dahil po sa kanila ay mas lalo ko pa pong pinag iigihan ang pagsusulat dito. Alam ko pong mahirap pero dahil sa pav pupush at pag bibigay nila o ninyo sa akin mga advices ay siyang nag papalakas ng aking loob upang magpatuloy sa kung anuman po ang aking nasimulan. Kaya maraming salamat po muli mga mahal kung sponsors.

Sponsors of flordecar26
empty
empty
empty

So ayan po at na kapag pasalamat na tayo sa ating mga sponsors at bago ko po makalimutan kung hindi po kayo busy ay pwede niyo rin po silang bisitahin. Sigurado po akong matutuwa at may mga aral din po kayong makukuha sa kanilang mga artikulo.

Simulan na po natin ang aking kwento. Nawa'y mapasaya ko po kayo sa tunay na kwento nito ng aking buhay. Pero hindi po ito lahat ha, parti lang. Dahil naku po pag e kwenento ko po lahat kulang ang isang buong araw.



Tayong lahat ay nagsisimulang mangarap mula pa lamang sa ating pagkabata at hanggang sa tayo ay tumanda na. At habang tayo ay papatanda nadadagdagan o nagbabago ang mga pangarap nating ito.

Ang Aking Pangarap:

Ako noong ako'y magka muwang sa mundo ang una kong naging pangarap at hanggang ngayon ay iyon at iyon pa rin ay ang mapaayos ko po ang aming bahay.

Ang aming bahay ay naka tirik sa tabi ng ilog. Noong elementarya pa lamang ako kapag high tide parang swimming pool ang loob ng aming bahay. Nakataas ang mga gamit upang ito'y hindi maabot at mabasa ng tubig.

[SOURCE OF IMAGE:](https://valenteshop.ru/tl/k-chemu-snitsya-zatoplennaya-kvartira-k-chemu-snitsya-zatopilo-kvartiru/)

At syempre dahil sa bata pa lamang ako sa tuwing ganito kataas ang tubig akoy tuwang-tuwa at maliligo na naman ako na parang swimmimg pool sa aming sala. Panay ang langoy ko niyan. Hindi ko alintana kong madumi ba o hindi ang tubig. Pero sa totoo lang madumi naman talaga ang tubig.

Walang nagagawa noon ang aking ina kapag akoy nagtampisaw na sa tubig. Sobrang tigas kasi noon ng aking ulo. Kapag akoy iyong higpitan ay mas lalong nagkukumawala. Kaya pinapabayaan nalang ako ng aking ina.

Na siya naman aking pinagpasalamat dahil wala akong masabi sa aking kabataan. Kahit na napapalo o napapagalitan okay lang dahil naranasan ko ang mga bagay na iyon na halos hindi naranasan ng mga bagong henerasyon ngayon.

Pero sa kabila ng mga kasiyahan na iyon ay tumatak na sa aking isipan na balang araw ay maipapatayo ko rin ng kahit simpleng magandang bahay lamang ang aking pamilya. Kaya seneryoso ko ang pangarap ko na iyon.

[SOURCE OF IMAGE:](https://www.google.com/search?q=mapatayo+ang+pangarap+na+bahay&tbm=isch&ved=2ahUKEwj10qaCxIfzAhUK7ZQKHbWqA0wQ2-cCegQIABAC&oq=mapatayo+ang+pangarap+na+bahay&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzIECB4QCjoKCCMQ7wMQ6gIQJzoECAAQDVCbtAhYgvsIYKv9CGgCcAB4AoABjwqIAcY1kgEPMC40LjIuMS4xLjEuMS4zmAEAoAEBsAEFwAEB&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=UFZFYfXqDYra0wS11Y7gBA#imgrc=R7V9T1_u2_i_7M)

Hanggang ngayon hindi ko pa iyon natutupad. Patuloy pa rin po akong nagsusumikap upang matupad ko po iyon. Nakakalungkot po lamang na hindi na iyon makikita ng aking ina.

Pero alam ko po lagi po siyang nakabantay sa kabilang dako kung asan man siya naroroon ngayon na mapagtagumpayan ko po iyon. Ang pangarap ko po kasi na iyan ay talagang para sa kanila ng aking ama at sa kapatid ko.

Marami pa akong pagsubok na pag dadaanan pero kakayanin ko pong lahat iyon para sa kanila at para sa sarili ko. Kaya sa mga may pangarap diyan na hindi pa nakakamit wag kang mag alala at darating din iyan. Tiwala lang at wag kang susuko.

DENOUEMENT:

Alam kong darating din ang panahon na iyon. Hindi man ngayon o bukas kundi sa tamang panahon. At pag mangyari man iyon masasabi ko na sa sarili ko na buo na ako at makakapag simula na ako ng bagong yugto ng buhay ko.

Oh siya mga ka read.cash readers hanggang diyan lan muna ha. Naiiyak na ako eh. Maraming salamat nga pala inyo at napadaan po kayo. Mag iingat lamang po kayo palage.

[SOURCE OF LEAD IMAGE:](https://free.facebook.com/TadhanaGMA/photos/isa-lang-naman-ang-pangarap-ko-eh-ang-maging-pangarap-mo-bata-pa-lang-dream-job-/2454950711241395/?_rdc=1&_rdr)

Lovelots,

@flordecar26

4
$ 1.34
$ 1.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Zcharina22
Sponsors of flordecar26
empty
empty
empty

Comments

Godbless you dreams po. strive harder lang makakamit mo din lahat ng pangarap mo.

$ 0.00
3 years ago

Ano din sis, actually pangarap ko na mapa ayos ang bahay namin. Need ko NG 500k para dito. Di ko Alam sayang kamay NG Diyos ko kukunin yan

$ 0.00
3 years ago

Ang dream house ko noon, yung may elevator haha para sosyal na sosyal tapos nganung gusto ko nlng yung mala korean drama na bahay.

$ 0.00
3 years ago

Same Tayo Flor gusto ko din matupad yung dream house ko. Kaya nagsisikap din ako at para na din sa family ko. Tiyaga at sikat lang Langga alam ko matutupad mo na yong pangarap mo. Magdasal ka palagi para gabayan ka ng ating Panginoon. 🙏

$ 0.00
3 years ago