first love

20 12

Unang araw ko sa highschool nun.Medyo naninibago pa ako sa skwelahang pinasukan ko kasi first time kong makatuntong sa skwelahan ng highschool.Pero sobrang excited din akong makakilala ng mga bagong kaibigan at kaklase.Nung araw na yun kasama ko ang bff ko na elementary palang ay kaklase ko na at lagi ko ring kasama.Habang busy sa pakikipagsiksikan dahil tinitignan ko ang pangalan ko kung saang room ako,may biglang umagaw ng atensyon ko.Isang matangkad,medyo payat,fluffy hair at gwapong lalaki ang umagaw sa atensyon ko.Ang excitement na nararamdaman ko ay nahaluan ng kaba at nerbyos."Sino kaya ang lalaking ito ?"sa isip ko."Carlos!"narinig kong may tumawag sa kanya.Carlos pala ang pangalan niya.Pangalan palang ang gwapo na.Kinilig ako.Natapos na ang unang araw sa klase,pero laman parin ng isip ko si Carlos.At naisip kong may pagtingin na ako sa kanya.Natawa pa nga ako sa sarili ko kasi first day of highschool life may crush na ako agad!.Pero hindi ko akalaing sa pagdaan ng mga araw ay mas tila lalong lumalim ang paghanga ko sa kanya.Sa bawat araw na papasok ako sa klase ay sya ang naging inspirasyon ko.Hindi ko magawang mag absent dahil para sakin hindi kompleto ang araw ko kung hindi ko siya makikita.Kaya lagi akong ganadong pumasok sa klase.Di kalaunan ay nalaman rin ng mga kaklase ko na crush ko sya kaya nga hindi ko maiwasang kiligin pag tinutukso nila ako.Sa sobrang bilis ng panahon di ko namalayang malapit na palang matapos ang first year ko sa highschool.Masyado akong nalungkot ng panahong yun dahil ang pagkakaalam ko ay gagraduate na si Carlos dahil sya pala ay 4th year student.Wala pang k-12 nang panahong yun.Hindi ko lubos maisip kung paano na ako kapag hindi ko na sya makikita.Eh sya ang inspirasyon ko para ganahan ako sa pagpasok araw.araw.Dumating na ang graduation day.Kaya nung araw ding yun nagpasya akong aminin sa kanya ang feelings ko for him."Gusto kita" .Nabigla sya sa sinabi ko.Hindi sya umimik.Tiningnan nya lang ako.Parang nagtataka o hindi naniniwala dahil ang bata ko pa para magkagusto diba?.13 years old pa nga pala ako nun."Ang sabi ko gusto kita!".Bigla syang ngumiti tapos nagsalita."Alam mo,hanga ako sa tapang mo.sa liit mong yan nagawa mong mag confess sakin.Walang masama kung may nagugustuhan ka man.Pero ilagay mo sa lugar.Kung ako sayo bata,unahin mong atupagin ang pag aaral mo.At pag natapos ka na ng highschool,magpapakita ako ulit sayo para ligawan ka."Masyado akong nagulat sa sinabi nya,at halos lumuwa na ang mata ko dahil sa hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko."Liligawan nya ako?"Sa isip ko.

para sa continuation ng story,i like nyo lang po ang article na ito at mag comment na rin po kayo.Salamat.

1
$ 0.00

Comments

Nice. Nakakakilig ang story. True story ba to? Advise ko lng po. Maglagay ka po ng linebreak. Kumbaga hatiin mo sa ilang paragraph ung story para po mas okay basahin. Pwede mo rin po basahin yung article ko na I earned $10 in 7 days. Salamat..

$ 0.00
4 years ago

Sobrang nakakakilig talaga yung mga ganitong love story no ahahahahaha sana lahat may first love😍

$ 0.00
4 years ago

bakit wala ka pa bang first love?😁

$ 0.00
4 years ago

Hanggang ngayon kasi di ko alam kung ano ba talaga ang first love eh ahahahahaha basta hirap iexplain nakakaaning lang

$ 0.00
4 years ago

hahahaha😂😂

$ 0.00
4 years ago

1st day high po 😊😊😊 nkakamiss any highschool life diba???

$ 0.00
4 years ago

yess po,,sobra.Ang sarap balikan ng mga memories at kilig moments..😁😁

$ 0.00
4 years ago

Ako din nun, natatakot nahihiya. Tyaka wala ka pa masyadong kakilala. Bagong friends, teacher, classmate nakikita natin. Pero habang tumatagal nasasanay din tayo at masasabing napakasayang mag aral masaya maging high-school student.

$ 0.00
4 years ago

oo nga po.sabi nga ng karamihan highschool life ang pinakadabest..sobrang saya kasi at ang daming masasayang memories lalo nat kapag wala ka pang kaaway

$ 0.00
4 years ago

This article is about first love. Love is the most important part of our life. First love is always memorable . Thanks a lot.

$ 0.00
4 years ago

Awesome

$ 0.00
User's avatar Win
4 years ago

Love is the another part of our life. First love always memorable for people. Thanks for sharing this important matter.

$ 0.00
4 years ago

Nice one. hahahaha Nakakamiss din yung feeling na may crush ka. Yung pasimpleng magnanakaw ng tingin, nakakamiss yung kikiligin ka sa simpleng mga pagbigay sayo ng papel ng crush mo na tipong ayaw mo nang sulatan dahil memorabilia din yun mula kay crush at yung kilig kapag nagka eyes to eyes kayo hahahahaha

$ 0.00
4 years ago

oo nga po..puppy love ba kamo..hehehehe

$ 0.00
4 years ago

at hanggang memories na lang yun ngayon haha

$ 0.00
4 years ago

Nice kaso sayng lang po dahil d makaka earn ng points yan pag d2 kayo nag postm

$ 0.00
4 years ago

Nice

$ 0.00
4 years ago

High school crush nakakamis...

$ 0.00
4 years ago

Try putting a block sponsor on your last part of your article, so if someone like it pde silang mag sponsor po sayo. Wish you luck

$ 0.00
4 years ago

paano po?

$ 0.00
4 years ago