pananamantala sa panahon ng pandemya

5 56
Avatar for eve
Written by
4 years ago

Nakakalungkot isipin na sa panhaon ng mas higit na kailangan ang tulungan at unawaan ay lalo pang dumadami ang mapag samantalang tao na walang malasakit sa kapwa nya.Marahil sa bawat panig ng mundo ngayon ay apektado sa pandemya na dulot ng coronavirus. Nakakalugod na malaman na marami parin ang mga taong tumutulong sa kapwa ngunit nakakapanlumo at nakakagigil ang mga tao na nanamantala sa kapwa nya ang mga sumusunod ay isang katunayan kung pano sinasamantala ng kapwa nya sa panahon ng pandemya.

Inimbestigahan na ang anomalya sa Philhealth sa kongreso at senado na talagang nakaklunkot isipin na ang ahensya na dapat magiging tapat sa kanilang serbisyo para sa kalusugan sa panahon ng pandemya ay sinamantala ng mga matataas na opisyal para sa kanilang pansariling kapakanan, ang pinaghirapan ng mga pilipino ay ninanakaw lang ng mga taong mapag samantala.

Ang ayuda na dapat pinamamahagi sa mga lahat ng nangangailangan ay mas lalo lang pinalala ng opisyal na dapat patas na pamamahagi at lalo lang pinatagal ang mga nakakaawang hinaing ng mga tao.

Mga libo libong empleyado na nawalan ng trabaho sa pag sasara ng isang malakingkumpanya na walang nilabag ayon sa ginawang paglilitis ng kongreso pero malinaw na personal na dahilan lang ang motibo sinamantala nila ang kanilang katungkulan imbes na ayusin, pagbigyan athindi mawalan ng mga trabaho ang mga empleyado nito.

Nakakalungkot man isipin darating din ang panahon na malalagpasan natin lahat ito at higit na mag bibigay ng katarungan sa lahat ng mga pananamantala sa ating kapwa at yan ay ang Maykapal na laging nakakakita sa bawat kamalian ng bawat isa.

Sponsors of eve
empty
empty
empty

6
$ 0.00
Sponsors of eve
empty
empty
empty
Avatar for eve
Written by
4 years ago

Comments

Hello dear, plz subscribe me, I already subscribed u

$ 0.00
4 years ago

i already done sir thanks

$ 0.00
User's avatar eve
4 years ago

Sobrang nakakalungkot. Bakit kaya nakakaya nilang maging mapagsamantala? Para na silang mga walang kaluluwa. Kailangan natin magtulungan ngayon, Hindi mag iwanan.

$ 0.00
4 years ago

tama ka minsan kung sino pa ang mas maraming pera sila pa ang nanlalamang sa kapwa

$ 0.00
User's avatar eve
4 years ago

dina talaga mawawala sa tao ang ganyang pag uugali

$ 0.00
4 years ago