Minsan di ko mapigilan na mag isip na sana naging bagay na lang ako. Minsan kasi nakakapagod na rin na sa araw araw na gumigising ako, halos ganun na lang palagi ang nangyayari. Walang bago. Yung ala sais pa lang ng umaga magigising na ko sa ingay ng nanay ko. Oo, alam ko naman na para din sa amin yung mga ginagawa o sinasabi niya. Kaso minsan sobra sobra na din. Payo nga ng bible sa mga magulang na "huwag inisin ang inyong mga anak upang hindi sila masiraan ng loob". Totoo naman yun, bilang isang magulang tama lang na pagsabihan ang mga anak pero sana gawin din nila ito sa tamang paraan. Yung nanay ko kasi minsan nasosobrahan na din, yung tipong papagalitan kami sa harap pa ng ibang tao, pwedeng namang pagsabihan na kami lang ang makakarinig. Kaya minsan naghihinanakit din talaga ako kasi minsan feeling ko kaya di ako iginagalang ng nakakabata kong mga kapatid ay dahil madalas niya akong ipahiya sa harap nila. Sana hindi ganito yung ibang magulang. Madalas din hindi niya nakikita ang mga ginagawa naming effort, yung tipong kapag ginawa namin ng kusang loob ang isang gawain parang wala lang sa kanya pero isang beses lang na di namin magawa yun eh ang dami dami nang masasamang nasasabi. Di ko nga maintindihan kung bakit ganun siya eh mabait naman yung lola ko kaya for sure di naman sila pinalaki nang ganyan. Minsan talaga nakakainis na din kaya di ko mapigilang mag sip na sana naging robot na lang ako. Yung tipong kapag nasosobrahan na hindi na lang gagana. Walang pakiramdam kahit ano pang gawin sa kanya. Pero ganun talaga may mga bagay na hindi natin kontrolado. Katulad na lang ng ugali ng nanay ko, at isang katotohanang di ko na mababago kaya ako na lang talaga mag aadjust. Iniisip na baka isang araw may magbabago rin sa sitwasyon. Pasensya na kung medyo madrama ito hindi ko lang talaga kasi mapigilang di magsulat. Ganun kasi ako eh, mas gusto ko pang isulat ang nararamdaman ko kesa ipagsabi ito sa kung kanino kasi feeling ko wala namang makakaintindi sa naramramdaman ko kundi ako.
paulit ulit nlng ba ginagawa natin everyday hndi lang naman ikaw ang nakakaranas nyan.