Sana

0 13

Minsan di ko mapigilan na mag isip na sana naging bagay na lang ako. Minsan kasi nakakapagod na rin na sa araw araw na gumigising ako, halos ganun na lang palagi ang nangyayari. Walang bago. Yung ala sais pa lang ng umaga magigising na ko sa ingay ng nanay ko. Oo, alam ko naman na para din sa amin yung mga ginagawa o sinasabi niya. Kaso minsan sobra sobra na din. Payo nga ng bible sa mga magulang na "huwag inisin ang inyong mga anak upang hindi sila masiraan ng loob". Totoo naman yun, bilang isang magulang tama lang na pagsabihan ang mga anak pero sana gawin din nila ito sa tamang paraan. Yung nanay ko kasi minsan nasosobrahan na din, yung tipong papagalitan kami sa harap pa ng ibang tao, pwedeng namang pagsabihan na kami lang ang makakarinig. Kaya minsan naghihinanakit din talaga ako kasi minsan feeling ko kaya di ako iginagalang ng nakakabata kong mga kapatid ay dahil madalas niya akong ipahiya sa harap nila. Sana hindi ganito yung ibang magulang. Madalas din hindi niya nakikita ang mga ginagawa naming effort, yung tipong kapag ginawa namin ng kusang loob ang isang gawain parang wala lang sa kanya pero isang beses lang na di namin magawa yun eh ang dami dami nang masasamang nasasabi. Di ko nga maintindihan kung bakit ganun siya eh mabait naman yung lola ko kaya for sure di naman sila pinalaki nang ganyan. Minsan talaga nakakainis na din kaya di ko mapigilang mag sip na sana naging robot na lang ako. Yung tipong kapag nasosobrahan na hindi na lang gagana. Walang pakiramdam kahit ano pang gawin sa kanya. Pero ganun talaga may mga bagay na hindi natin kontrolado. Katulad na lang ng ugali ng nanay ko, at isang katotohanang di ko na mababago kaya ako na lang talaga mag aadjust. Iniisip na baka isang araw may magbabago rin sa sitwasyon. Pasensya na kung medyo madrama ito hindi ko lang talaga kasi mapigilang di magsulat. Ganun kasi ako eh, mas gusto ko pang isulat ang nararamdaman ko kesa ipagsabi ito sa kung kanino kasi feeling ko wala namang makakaintindi sa naramramdaman ko kundi ako.

1
$ 0.00
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments

paulit ulit nlng ba ginagawa natin everyday hndi lang naman ikaw ang nakakaranas nyan.

$ 0.00
4 years ago

Maraming nakakaranas ng parehas na kondisyon mo sa buhay yung iba nga mas malala pa. Pero they keep going, walang masama sa sinabi mo dahil bugso yan ng damdamin mo. Pero lagi molanh tatandaan na kahit ganun sila sayo mahal ka nila, at kung nahihirapan kana wag mong kakalimutang may Diyos na nakikinig sa aatin. Lagi kalang magdasal at gawin mo syang sandigan para mas tumatag ka

$ 0.00
4 years ago

hmmm ganyan lang po talaga ang mga magulang,mga lola iba pa mga nakatatanda satin,, tama ka may mga mali nga sa pamamaraan kung pano kanila pagalitan...minsan kung titingnan mo aral din sa atin yun ng ating mga magulang magiging aware kana na mapagalitan sa susunod sa harap ng ibang tao..dun pa lang iniiwasan mo na kagad na magkamali ka iniiwasan mo makagawa ng di maganda kasi ayaw mo mapahiya...natural na magtampo tayo sa mga magulang natin pero wag po kalimutan sila pa rin ang magiging karamay natin sa lahat ng bagay......Parang pwede tuloy i feature to sa wansapanataym sa tv kung meron pa haha...

$ 0.00
4 years ago

Well,ganyan talaga ang magulang. Malalaman mo yan kapag naging isa ka na rin. Mahirap maging magulang kesa maging anak. Kaya sana maunawaan mo rin sila. Oo,minsan sumosobra na rin ang mga magulang sa pagdisiplina sa atin. Pero kungiisipin mo para lang din un sa kapakanan natin. Walang magulang na gustong mapasama ang kanilang anak. Yan ang lagi mong tatandaan. Oo,nakakasawa man minsan pero ganun talaga ang takbo ng buhay. Just keep on going and be patient. Godbless!

$ 0.00
4 years ago

yalagang hindi natin maiiwasan s buhay natin ang mga salita na sana. what if lalong lalo na estado ng ating buhay o kaya s mga ginawa nting mali s nkaraan na kung sana hindi ko iot ginawa sana anak ako ng mayaman pero s lhat ng yan ay wla na taung mababago dhil nangyari n ang lhat at kung ano man mga pangyayari s buhay ntn ay sadayng nka tadhana na.

$ 0.00
4 years ago

D ko alam bakit ba Ganyan lalalalala Ano ang gagawin akoy napapraning walang pumapasok saking isapan khit akoy nagiisip wala tlaga ano ba talga ang dapat kUng gawin nananana akoy napapraning Sana nmn ay mapansin ...

$ 0.00
4 years ago

Lagi kang makipag communicate sa magulang mo..para lumalim ang relasyon mo sa kanila..siguro dahil may nasasabi mama mo sayo baka dimo ginagawa utos nya!well diko man kilala family mo ..basta mahalin mo magulang mo .huwag magtanim ng sama ng loob ..dahil wala namang magulang na gustong maging miserable ang buhay ng anak..mahal tayo ng ating magulang ..need lang natin silang intindihin.

$ 0.00
4 years ago

madami tayong "sana" sa isipan natin. minsa masakit sa ulo kapag nagooverthink sa mga sana natin. pero kapag isa isa naman natin natutupad ito, gumagaan naman pakiramdam natin.

$ 0.00
4 years ago

Sana is the most popular country in the world. It is very interesting place. Every person going to this.

$ 0.00
4 years ago