Maikling Pasasalamat

8 17
Avatar for esciisc
4 years ago

Hello guys. Heto na naman ako at muling nagbabalik. Gusto ko lang magpasalamat sa mga nakakaaliw na mga comments sa mga articles ko. Salamat sa encouragement kahit na parang wala namang katuturan yung ibang sinulat ko. Ayokong maging masyadong sentimental at emotional. Natutuwa lang ako kasi kakajoin ko lang dito kagabi pero nakapag pay out na agad ako kanina. Legit na legit talaga ang website na ito. So ngayong nakapag pay out na ako mas ginaganahan akong magsulat pa. Sa totoo lang halos wala na din akong maisip na isusulat pero dahil kailangan to para sa ekonomiya ng bansa (charot!) talagang sinisikap kong pigain itong utak ko para lang may maisulat at maipublish na artikulo dito. Kaya habang nakahilata lang dito sa banig at nagbibilang ng mga butiki sa kisame at pinapakinggan ang malakas na ugong ng bentilador heto ako at nag iisip na naman ng bagong isusulat. Kaylangang sipagan at kailangan ang tiyaga baka sakaling dahil dito sa read cash ay makapag ulam naman kami ng nilaga haha. At speaking of nilaga, paborito ko nga pala yun, mapa-nilagay baboy, baka, isda at manok (lol tinola na nga pala yun 😂). Ah basta kahit anong may sabaw. Habang sinusulat ko to naimagine ko tuloy ang masarap at umuusok pa na sabaw ng nilaga at bigla akong nakaramdam ng gutom. Siguro hanggang dito na lang muna 'tong article ko at nang makapunta muna sa kusina para maghanap ng makakain.

Guys kung nabasa nyo to sana mag comment ulit kayo. Susubukan kong magsulat pa ng nakakaaliw na mga akda para mapasaya kayo.

9
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments

Hahahah. so True Support ako dyan Bebs 🤗 Keep it up

$ 0.00
4 years ago

Nakakatuwa ka naman alam mo yung tipos wala na daw maisip na isulat pero marami parin nasususlat ang sarap mo siguro kakwentuhan gusto ko kase yung mga ataong magaling makipag batuhan ng kwento yung tipong hindi ka mapapatameme lang kase wala kana masabe.. in short gusto ko talaga yung madaldal na tao in a good way..😊😊😊😂

$ 0.00
4 years ago

Hehe masaya po ako na natutuwa kayo. Sa totoo lang natatawa nga din ako sa sarili ko kasi madalas tumutunganga ako at nag iisip ng isusulat ngunit wala akong maisip pero once na nag start na kong mag sulat lumalabas na lang bigla yung mga ideya 😅 Sa personal naman, di talaga ako pala imik pero once na magaan na yung loob ko sayo maririndi ka na sa dami ng kwento ko 😅😂

$ 0.00
4 years ago

Naku parehas lang pala tayo.. tahimik ako pag hindi ko pa vibes ang isang tao pero once naka gaanan ko na ng loob nako napag ka ingay at daldal ko..hahaha minsan sila sumusuko sakin ehh..hehe lalo na mga pinsan at mga tita ko.. natutuwang naririndi sakin..😂😂😂

$ 0.00
4 years ago

Support lang po natin ang isat isa, lahat naman po andito para maaliw at kumita kahit hindi ganon kalaki. Para rin mahasa tayo sa mga pag lalahad ng mga bagay bagay sa paligid natin hehe goodluck po sa journey natin dito sa site na ito. Sana po ay tumagal tayo

$ 0.00
4 years ago

Minsan ako Hindi ko ndin Alam mga pinagsasabi ko sa mga publish ko Basta may masabi lng pwede na yon hahaha . Hindi ko din Alam pano sisimulan UNG mga publish ko hahaha .pwede din kaya gumawa Ng sa mga pocket book na story pero sariling gawa Naman hahahhaa.ung pinsan ko Kasi mahilig gumawa Ng mga kwento minsan mga quotes ganun .

$ 0.00
4 years ago

Pwede naman po siguro. Kahit ano naman ipost dito pwede haha. Pero based sa experience ko mas maganda kung yung mga isusulat natin yung kahit mema lang basta nakaka engganyo sa nagbabasa na magcomment.

$ 0.00
4 years ago

Well-deserved po, galing niyo din po mag-advise. More articles at kwento pa po. All the best!

$ 0.00
4 years ago