Una, siyempre dapat siguraduhin mo munang may karne ka. Paano ka gagawa ng chicharon kung wala ka namang iluluto. At dapat ito ay karne ng baboy hindi baka, manok, kalabaw, aso o pusa kundi baboy. Parang yung iba dyan naging hitsurang baboy na dahil puro kain lang habang naka quarantine. Galaw galaw din uy para di ka magmukhang baboy. Mag isip ka ng kahit anong bagay na pwede mong gawin para naman maging produktibo ang araw mo kahit naka quarantine tayo (ay wala nga palang tayo π )
Pangalawa, ilagay mo na ang ingredients. Asin, bawang, paminta at laurel. Ngayon kung wala kayo sa kusina niyan eh simulan mo nang kunin ang mask at bumili sa labas. Pero kung tinatamad kang lumabas magbukas ka na lang ng sardinas at wag mo nang ituloy gumawa ng chicharon. Kaya ka napapagalitan lagi dahil sa katamaran.
Pangatlo, ilagay sa kaldero at lagyan ng tubig. Yung sapat lang ah. Wag masyadong sobrahan. Parang sa love lang yan, minsan sobra sobra na yung naibibigay mo at nakakalimutan mo nang magtira para sa sarili mo kaya sa huli sobra sobra ka din kung masaktan. Pagkatapos lagyan ng tubig, isalang mo na sa stove o kalan. Kung wala kayo niya simulan mo nang kumuha ng kahoy o kaya uling at magparikit o magpaningas, kung wala din eh wag ka na lang magluto. Matulog ka na lang, di ka pa mapapagod.
Pang apat, pakuluan at hintaying maluto ang karne sa loob ng 30-40 minutes. Pero dahil hindi ka makapaghintay sabaw na lang ang iulam mo.
Panglima, after 30 - 40 minutes alisin mo na sa kaldero, kawali o kaya kaserola, bahala ka na kung anong gamitin mo. Lahat naman tayo may kalayaan para pumili kung anong gusto natin. Balik sa karne, ilagay sa kahit anong lalagyan at hintayin ng 5 minutes habang nasa room temperature. Ang after 5 minutes tusukin ang balat ng tinidor or toothpick. Make sure na buong balat ay matutusok at wag sobrang lalim, yung sakto langkung ayaw mong magsisi sa huli.
Lagyan ng asin at siguraduhing malalagyan lahat ng parte ng karne. Yung sakto lang ah, wag sobrang konti at wag namang sobrang alat. Kaya yan naghahanap ng iba kasi hindi ka pa sapat. Wag ka nang magtaka at wag na rin magtanong kung anong konek.
Ilagay sa ref at hayaang mag air dry magdamag. Oh hindi mo alam kung ano yung air dry? Yan kasi puro ka cellphone, puro ka pacute sa facebook at instagram, puro ka tiktok, puro ka ML kaya ang alam mo lang magprito ng sunog na hotdog at magluto ng pancit canton tapos iiyak iyak ka kapag nagka UTI. Wag ako, nai stress ang bangs ko.
After 24 hours pwede mo nang ilabas sa ref at maghintay ka ulit nang 5 minutes habang nasa room temperature yung karne saka mo iprito. Wag ipiprito agad pagkalabas sa ref. Matuto kang maghintay, kaya ka napupunta sa maling tao dahil di ka marunong maghintay.
Painitin na ang kawali na may mantika bago pa uminit ang ulo ng nanay mo sayo. Ilubog ang karne kapag mainit na. 'Srsssssrsssssssswwssrs' Tunog yan ng piniprito mo, di ba mas maganda kapag may sound effects hahahaha. Wag kang mag alala hindi puputok yan dahil nga na air dry. Lutuin ng 10-12 minutes sa medium heat. Wag masyadong malakas ang apoy kung ayaw mong mag apoy na naman sa galit ang nanay mo dahil sa kapalpakan mo.
After 10-12 minutes alisin mo na sa kawali at palamiging muli. Wag excited hindi pa yan tapos. Alam ko excited ka na, parang ako excited na ding lumabas ng bahay pero siyempre dahil gusto ko pang mabuhay, magtitiis na lang akong maburo dito sa loob.
After mag cooldown, ire-fry mo na ulit this time sa high heat para maging crispy. Lutuin ng 2-3 minutes. Ayan na malapit na, alam kong naglalaway ka pero pigilan mo dahil di ka naman aso.
Muling alisin sa kawali. Tsadaaaan! Luto na at pwede nang kainin. Oh dahan dahan lang hindi mo gugustuhing ma high blood mahirap pa naman kung dadagdag ka pa sa mga pasyente sa ospital. Maawa naman tayo sa mga doctor at nurses ang dami na nilang ginagawa dadagdag ka pa dahil lang sa nasobrahan ka sa chicharon.
So na ayan po ang recipe ng crispy chicharon. Actually hindi ako ang nakaisip ng recipe na yan. Dinagdagan ko lang ng humor para naman mag enjoy kayo sa pagbabasa. At yung picture naman galing lang yan kay pareng google. Happy reading!
wow ang haba ng post sir ah.hehe.. sarap naman nyan lalo na pag bagong luto at may kasamang beer.hehe