Pamilyar ka ba sa kung ano ang body clock? Yung katawan kasi natin mayroon itong mga cells na nagreregulate ng pagkaramdam natin ng antok or gising. Actually medyo nahihirapan akong iexplain sa sa tagalog, basta yung kahit di mo naman talaga balak gumising sa isang espisipikong oras pero bigla ka na lang magigising kasi naka set na sa katawan mo na kapag ganung oras gising ka na dapat. Alam nyo naiinis na talaga ako dito sa body clock ko. Yung alarm clock kasi na nabibili pwedeng pwede mong ireset kung anong oras tutunog at mag aalarm pero itong body clock ko hindi na mareset. Sobrang nakakainis na yung pagiging time conscious nito. Yung feeling na gustong gusto ko pa matulog pero di man lang magkipag cooperate etong body clock ko. Kanina 2:30 na ko natulog kasi sobrang naaaliw nga ako kakabasa dito sa read.cash at kailangan ko ding replyan isa isa yung mga nagkocomment sa mga articles ko at siyempre tamang comment sa din sa articles ng iba kaya ayun di ko na namalayan ang oras. Balak ko sana tanghali na gumising kasi nga late na ko natulog pero etong body clock ko 5:30 pa lamg ginigising na ko. So in the end nasa 3 hours lang ang tulog ko. Noong minsan ngang halos umaga na rin akong natulog sinakripisyo ko pa yung kumot ko at nilagay ko sa bintana para di makapasok ang liwanag at di agad ako magising pag umaga na. Sobrang lamig talaga nung gabing yun at medyo malamok din, so magdamag akong namaluktok sa lamig thinking na okay lang yun since tanghali na rin naman ako magigising pero nakakainis kasi di pa nga sumisikat ang araw ayun ginigising na ko ng body clock ko. Naunahan ko pa yung araw, sayang lang sacrifice ko. Yung tipong ang sarap sarap ng tulog ko tapos pag alas singko na bigla na lang bubukas yung mata ko kahit hindi ko gustong gumising at bumangon. So yun lang, gusto ko lang ilabas yung hinanakit ko sa body clock ko. Comment naman kayo kung naeexperience nyo din yung ganito. Feeling ko kasi ako lang yung ganito. Kaya nga sobrang inggit talaga ako sa mga taong talented sa pagtulog. Yung tipong kakapikit pa lang tulog na agad tapos yung kayang-kayang gumising ng lagpas alas otso na ng umaga. Ako kasi hanggang pangarap na lang siguro yung maexperience ko ang gumising nga tangahali na. Oh siya magandang umaga nga pala, bangon na at magkape, milo o gatas kahit ano pa yan ang importante masaya ka sa kung anong choice mo.
(PS. Photo belongs to its rightful owner. Kinuha ko lang po yan sa google.)
Wala ng para paragraph. Hahaha