Brickgame - habang bored na bored ako sa bahay dahil nga naka quarantine naghanap ako ng pampalipas ng oras na app sa playstore at nakita ko tong larong ito. Naalala ko nung bata ako meron kaming pulang brickgame ng kapatid ko. Pinag aagawan namin lagi yun pero dahil ako ang panganay ako lagi ang nagpaparaya sa kanya wag lang siyang umiyak, siyempre pag umiyak kasi siya mapapalo ako. Masaya kaming naglalaro ng brickgame at nakakatuwang isipin na nung panahon na yun brickgame lang masaya at kontento na kami samantalang ang mga bata sa panahon ngayon gusto tablet o kaya naman smart phone. Magrereklamo pa nga yan kapag cherry mobile lang ang binili sa kanila. Ang sarap balikan ang mga alala ala ng kabataan kung saan mga simpleng bagay lang ang nakakapagpasaya sa atin. Yung tipong kapag may brickgame ka ikaw na yung sikat sa mga kabarkadang uhugin. Ang sarap balikan ng mga araw kung saan wala kang dapat problemahin kundi kung paano ka makakatakas sa nanay mo pag oras ng siesta sa tanghali. Tatakas ka para makapaglaro sa lansangan sa labas. Mas masaya pa rin talaga yung mga pisikal na laro, yung kahit masaktan ka ng kalaro mo, madapa, o mahulog ka man sa puno dahil sa kapusukan mo pero at least natututo kang makipag kapwa tao at makibagay. Di tulad ngayon, halos di mo na makausap yung ibang bata dahil sobrang busy sila kakapindot sa mga cellphone nila. Busy mag tiktok, mag youtube. Wala din namang masama dun kasi yan na ang uso sa ngayon. Ang importante nag eenjoy at safe. Sa ngayon kasi mahirap din kung magiging maluwag ang magulang at payagang maglaro sa labas ang mga anak nila, mahirap na baka mahawa pa ng nakakamatay na sakit. Kaya okay lang kahit maburo sa loob ng bahay. Lumalayo na yata ako sa brickgame. Oo nga pala yung brickgame isang laruan yan ng mga batang 90's na kung saan mag eenjoy kang laruin. Lalo na kapag narinig mo yung tugtog ng laruan mas gaganahan kang maglaro. Pero mas masaya kapag may nag aabang na ma game over ka pero dahil magaling ka matagal ka ma game over at sabik na sabik at inis na inis naman yung nag aabang. Masayang asarin yung kalaro mo tapos maya maya magbabangayan na kayo hanggang sa paluin kayo ng nanay o kaya ng tatay nyo. Pero pagkatapos lang ng ilang minuto ayan na naman, maglalaro na naman kayo. So, ano yung punto? Wala naman gusto ko lang magsulat ng kahit ano para mag ipon ng points dito. Maraming salanat kung binasa mo to. Sana nag enjoy kang balikan ang masayang araw noong bata ka pa.
ohh eto nanamn ako syempre alam mo na siguro kong ang dahilan kung bakit ginawa ko itong comment ahahah reply back para mg ka points