Gusto ko pong magbigay ng mga paalala kung panu natin maiingatan ang ating mga gamit/gadgets..
Cellphone
Wag hayaang naka charge ng magdamag o lumampas sa oras ng tamang oras na nakalaan sa isang cellphone..
Wag gamitin ng naka charge eto habang ginagamit para tumagal pa ang buhay ng isang cellphone..
Alisin ang baterya at ilapat sa pantay na sahig at subukang ikutin.. kapag ito at umikot nangangahulugang lumubo na ng konti ang inyong baterya.. sanhi eto ng sobrang pag charge o pag gamit ng naka charge..
Kung sakaling parang mabilis oh mabagal mag karga ang inyong baterya keysa sa normal na pag charge neto.. nangangahulugang hindi na mabasa ng cellphone ang tamang percentage ng inyong baterya.. at kelangang i calibrate ang inyong telepono.. (Eto ang paraan para ma calibrate nyo ang inyong telepono:: i lowbat ng husto ang telepono.. i charge ng naka patay ang telepono hanggang maging isang daang porsyento.. pag isang daang porsyento na buhayin eto ng hindi binubunot ang charger.. kapag nakabuhay na at nakitang 100% na ang baterya bunutin mo na sa telepono sa charger.. ngaun calibrated na ang inyong baterya.. at magbabasa na ng tama ang inyong telepono kung ilan talagang porsyento ang inyong baterya.. mas magandang gawin eto ng isa hanggang dalawang beses kada linggo)
Ang mga nabanggit ay pwedeng gamitin sa tablet..
Laptop
Halos ganun din ang dapat gawin tulad ng sa cellphone. Pag ka calibrate lang ang hindi..
Wag gamitin ng naka charge ang laptop.. magiging sanhi eto ng paghina ng baterya ng laptop..
Dapat updated lagi ang inyong anti-virus para maiwasan ang virus..
Wag gamitin habang nakain para hindi malangisan oh madumihan ang keyboard neto na pwedeng maging sanhi ng pag kasira neto..
Wag ipatong sa kama oh kung saan mang pwedeng uminit ang ilalim neto na pwedeng maging sanhi ng pag palya ng mga pyesa neto sa loob..
Gumamit ng cooling pad kung kinakailangan kung eto ay gagamitin ng matagalan.. at kung naaalis ang baterya neto ay mas mainam na alisin nlng habang naka charge ang laptop para hindi maging sanhi ng pagkasira o pag hina ng inyong baterya..
Yan lamang po muna at maraming salamat.. kung may tanong kayo patungkol sa mga teknolohiya ay wag mahiyang mag mensahe sakin.. Salamat
Tama ka jn kya tlga napapabangon ko kpg alm ko nakacharge mga gadgets ng mg az kids ko kc minsan nkkatulugan na nla