Ang pangako natin na di napanindigan,
Nangakong sa hirap at ginhawa na tayo'y mag tutulungan,
Ngunit ngayon nasan ka?
Bakit ikaw ay naglaho na parang bula?Hanggang kailan,
Hanggang saan,
Hanggang kailan mag titiis,
Alam kong dimo intensyon na saktan ako pero ako ngayon'y nag hihinagpis,
Na dimo alam na habang sinusulat ko 'tong tula na gamit ang lapis ,
Mga luha ko naman ay gusto ng pumatak ngunit aking tinitiis.Ang sakit sapagkat diko agarang nalaman,
Na ikaw palay lilisan ng biglaan,
Kaya pala ika'y nag bago,
Na pinapamukha mo ,
Na wala akong halaga at kaya balewala sayo,
Ang lahat ng ginawa ko.Ginawa ko naman lahat ,
Minahal ka ng tapat,
Di pa ba sapat?
Animoy nag mistula kang kidlat,
Napapikit mo ako at nagulat,
Na saaking pag dilat,
Ika'y nasapiling ng iba at huli na ang lahat.Di ko ginusto na mangyari ang mga bagay na to,
Kasalanan ko bang napagod ako dahil pinapamukha mong wala na akong halaga sayo?
Ayoko ng alalahanin ang mga alaala na pilit binabalik sakin ng tadhana,
Pero bakit kailangan kopang masaktan ,
Sa iyong biglaang paglisan.Diba ika'y nangako ,
Nakahit anong pait ng kapalaran,
Sabay natin itong lalagpasan,
Ngunit ngayon ika'y sumuko na.
Diko na alam kung saan ako patungo,
Magmula ng tayo'y mabigo,
Ang lahat ng masasayang alala na binuo,
Ay nawala at nawasak kalaunay din gumuho.Nag bago ang lahat ,
Nag bago ang mundo ,
Bakas sayong mga mata na masaya kana sa buhay mo,
At di ko intesnyon na manggulo pa,
Ang gusto kolang ,
At bago kita kalimutan ng tuluyan,
Gusto kolang mag hatid ng tula ,
na hinango mula sa hiwaga ng ating pag mamahalan,
Ika'y nangako ng walang hanggan ,
Ngunit hindi mo iyon napatunayan
If you do have some time,you can visit my other articles😊
Here's the link,just click it
https://read.cash/@dyemi/natures-beauty-9cde15c7
https://read.cash/@dyemi/true-friends-eff06153
https://read.cash/@dyemi/malaya-ka-na-d73f96f3
Salamat sa pagbabasa!😊Stay safe y'all!❤️
We should learn how to love our selves since God who created shunned hatred or evil. And also let appreciate nature