Social Media Influencers: Taxable o Hindi?

20 74
Avatar for deedum
Written by
3 years ago

Disclaimer: Di talaga ako sanay magsulat sa Tagalog, di ko kasi kayang ma-express yung sarili ko, the way na nagagawa ko sa English. Tsaka taglish to kasi di ko talaga kayang itranslate yung ibang words, lalo na legal terms TT.TT

Ayun, bear with me na lang talaga mga bes. Gagalingan ko promise! Chz. 


Nitong mga nakaraang araw, nagkakagulo ang online world at ang mga netizens sa mga issues tungkol sa taxation. Hindi lang sa mga influencers sa kahit anong social media platforms (Youtube, Facebook, Tiktok at iba pa) pero pati na din sa mga freelancing, crypto trading, online selling at iba pa.

Dahil ito sa nilabas na Revenue Memorandum Circular, RMC No. 97-2021: Taxation of Any Income Received by Social Media Influencers. Madaming nagalit, natuwa at nang-troll dito kasi nga naman kung titignan mo, bumabagsak na ang ekonomiya ng bansa at wala ng pera ang gobyerno. Iniisip ng karamihan na ginagamit lang ng gobyerno ang oportunidad na to para makakuha ng pera. 

Pero isa-isahin natin:

Ex post facto law

Siguro nababasa niyo na to, lalo na sa mga post ni Xian Gaza, na sinasabing hindi pwede na tax-an o buwisan ang mga influencers kasi magiging ex post facto law at ito ay unconstitutional or labag sa constitution ng Pilipinas. 

Ex post facto is most typically used to refer to a criminal statute that punishes actions retroactively, thereby criminalizing conduct that was legal when originally performed. 

Source

Simple lang naman ang logic ng ex post facto law, kapag nagpasa ng criminal act hindi pwedeng madamay ang mga gumawa nito bago mapasa ang batas. Halimbawa, kapag nagpasa ng batas na simula August 25, 2021 bawal na kumanta, lahat ng kakanta sa August 25, 2021 at sa mga susunod na araw lang ang pwedeng kasuhan, yung mga kumanta bago ang August 25, 2021 ay hindi na pwedeng kasuhan. Dahil noong mga panahon na yun di pa naman bawal kumanta kasi pang batas na nagsasabi na bawal ang kumanta. 

May ex post facto law ba na nangyari?

WALA.

Unang-una ang RMC ay hindi batas, so kung titignan mo walang bagong batas kaya paano magkakaroon ng ex post facto law? Ang RMC ay isang circular lamang na naglalayon na tumulong sa mga taxpayers na mag-explain ng ating tax code o batas. Ibig sabihin interpretation lang siya ng batas natin na tinatawag na TRAIN Law. 

At sa RMC na nilabas, nagpapaalala lamang ito na kailangan magbayad ng influencers ng tax dahil responsibilidad nila ito at ito ang nasa batas. 

Magbabayad ba talaga sila ng tax?

OO, DAPAT.

Sec 32 of National Internal Revenue Code (NIRC) - Except otherwise provided in this Title, gross income means all income derived from whatever source…

Source

May dalawang parts tong statement na to:

  • “Except otherwise provided in this Title” - ibig sabihin may exemption naman talaga sa tax pero dapat nakasulat sa batas ang exemption na yun. Kaya pag pinag-usapan natin kung taxable ba o hindi, tanong mo muna sabi ba sa batas na exempt? Kapag walang sinabi tax-an mo. 

  • “gross income means all income derived from whatever source” - walang sinabing way para maging taxable ang isang income, sabi pa nga “from whatever source” ibig sabihin kahit papaanong paraan mo na-earn taxable yan. Ganyan kapowerful ang taxation. 

Paano kapag di naman sa Pilipinas na-earn taxable pa din ba?

Sec 23 (A) of NIRC - A citizen of the Philippines residing therein is taxable on all income derived from sources within and without the Philippines. 

Source

Kapag tinignan mo ang batas, kapag Filipino citizen ka at nakatira ka sa Pilipinas taxable lahat ng income mo kahit saan mo pa na-earn yan, Pilipinas man o hindi. Pero syempre may mga tinatawag na reciprocity rules o mga provision sa batas na di ka na pwedeng taxan pa kapag na taxan ka na kasi magiging double taxation yun. 

Paano kapag hindi ko naman alam na kailangan pala magbayad pwede ba na sa mga susunod na kita ko na lang bayaran at wag na yung dati?

May legal principle tayo na ignorantia legis neminem excusat o “ignorance of law excuses no one from compliance therewith” 

Hindi natin pwedeng sabihin na hindi natin alam ang batas natin kasi batas natin yun at dumaan yung sa proseso (due process of law), kagaya ng publication sa mga newspaper at balita. Required ang bagong batas na mabalita, ito ay para ipaalam sa mga mamamayan na may bagong batas upang di rin nila magamit ang rason na di nila alam ang batas. 


Sa totoo lang, na-eexcite ako sa mga posibleng mangyari dito, if magbabayad na lang ba talaga ang mga influencers o maghihire sila ng mga abogado para sa isang legal case. 

Lead image: Photo by Gian Cescon on Unsplash



10
$ 11.01
$ 10.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.10 from @kingofreview
+ 7
Sponsors of deedum
empty
empty
empty
Avatar for deedum
Written by
3 years ago

Comments

Slow clap👏🏻👏🏻👏🏻 mas naintindihan ko yung explanation mo kesa sa prof ko dati hahaha pero nasa tao na rin yan e lalo na kung sa tulad natin na nag-eearn sa mga ganito. Unless i-declare natin sa kanila na may income tayo thru this, dun nila tayo hahabulin. Tama ba? Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Good to know that it made sense! But yes, taxable lang siya if idedeclare natin, kaya need talaga mag-intervene ng BIR kung gusto nila matax-an kasi ang feature din ni crypto is anonymity so mahirap ma-achieve na mataxan ang mga bagay-bagay

$ 0.00
3 years ago

To do effort yan sa BIR kung talagang gusto nila habulin pati sa crypto. Since anonymous transacts sya e. Maganda tong article mo. Buti na lang at hindi pure English hahaha

$ 0.00
3 years ago

Thank you poooo. hehe

$ 0.00
3 years ago

Wala naman problema kung i-tax yan. Yun nga lang, wag naman sana kurakotin ang pera. Dun sa ex-post facto law, nakakatawa dahil sabi ng BIR, taxable pa rin daw ang Jamill kahit nagbura na ng YouTube accout.

$ 0.00
3 years ago

Technically, taxable pa din sila kasi di sila nagbayad sa past earnings nila eh

$ 0.00
3 years ago

Yun o, nag-Tagalog. Pasok sa banga for Buwan ng Wika. Hehe. Nako kaya lang naman sila pagbabayarin ng tax kasi malaki na rin mga kita ng mga yan. E sa dami ba naman ng utang ng gobyerno need maghanap ng pagkukunan ng pondo kaya ayan. Oh well...

$ 0.00
3 years ago

Grabe yung Buwan ng Wika level. HAHAHAHAHAHHAHAHHAHA Nakakasad lang, ang dami-dami ng utang nangungurakot pa yung iba. HMP

$ 0.00
3 years ago

Hahaha. Oo may pa-challenge kasi ako nyan eh. :)

Karamihan naman ng mga nasa gobyerno natututo mangurakot pagtagal. Nakaka-sad tlga.

$ 0.00
3 years ago

A good article indeed. Medyo nalilito lang ako ate kasi di masyadong maayos ang pagkakabasa ko sa mga pauses. Pero gets ko po haha. Di po talaga maiiwasan ang mga tax heheh

$ 0.00
3 years ago

Hahabulin at hahabulin talaga tayo ng tax. HAHAHAHHHAHAH

$ 0.00
3 years ago

Ke husay ni Auditor! hahaha. Salamat at pinagtiyagaan mong ipaliwanag ang bagay na ito. Kering-keri besh!🤣

$ 0.00
3 years ago

YAAAY! Thanks!!!! Hirap na hirap ako magtagalooooog :(

$ 0.00
3 years ago

Got it. Kaya siguro gustong iregulate ang crypto dahil din sa tax. Kung magkakaganun, hindi na siya decentralized at hindi un ang talagang purpose ng crypto. Tama ba ako? haha! Nauna na ang Axie ata na tinitignan na gusto matax-an.

$ 0.00
3 years ago

Pwede naman maging decentralized pa din kasi ang tax naman upon declaration lang ng kita eh. Ang downside lang kaya mahirap tax-an ang crypto kasi built siya within the concept of anonymity, kahit makita nila yung transactions baka mahirapan sila madetect yung taong liable.

If gusto talaga nilang matax-an yung crypto, they have to find a way to do it kasi di naman kusang magdedeclare ng income ang tao.

$ 0.01
3 years ago

Oo din. Wag na lang magdeclare hehe.

$ 0.00
3 years ago

I guess you are trying to talk about the taxable aspect of the crypto though I would have appreciated it more were to ha e been written in English

$ 0.00
3 years ago

Wow! Kung ikaw prof ko, maiintindihan ko ang LAW talaga. Lalo yang taxation na yan. Weakness ko yan eh. Husay! Mai-share nga ito sa FB ko hehe.

$ 0.00
3 years ago

Parang ako din naman walang matinong prof sa law, nagpaparecit lang sila tapos yun na yun. Pero kasi kaya ako nagBSA kasi gusto kong maging lawyer pero ngayon... di ko na alam. HAHAHAHHAA

Pero thank youuuu! <3

$ 0.00
3 years ago

Hahaha! Ako nag BSA kasi walang macourse. Charet! 😂

$ 0.00
3 years ago