- Morning thought 💭 -
Langit ka Hugutero ako
May buwan kang sumisinag sa sanlibutan may cellphone akong nagbibigay ng liwanag tuwing madilim ang aking kaisipan.
May bituin kang nagbibigay ningning sa iyong kalawakan may babypupu akong nagbibigay ligaya sa tuwing ako ay nalulumbay.
May ulap kang tumatabing saiyong kalungkutan kapag ikaw ay mag isa lamang.
May ngiti naman akong tumatabing sa dinadala kong lungkot sa buhay.
Kong ano ang meron ka meron din ako niyan.
pero lamang ka nga lang dahil ikaw forever na nandiyan,
lahat ng meron ka forever mo silang makakasama.
pero yong sakin may hangganan.
Dahil lahat ng meron ako ay may katapusan,
na pati ang buhay kong hiram ay pwede niyang kunin kahit hindi ko kagustohan.
Ansabi,hahaha pasensya na mga ka noisemates napa hugot ako ng wagas dahil sa kalangitan na aking nasilayan.
Good morning everyone, have a great day ahead. Ingatz po ang lahat always.☺️
#Randomthoughts
#Moon
©cjjamer
Still waiting sa aming service dito sa planta.
Kung alam ko lang na matatagalan bumalik naglakad na ako palabas ng industrial na ito.🥺
Uwing-uwi na ako eh, gagabihin na naman akong makakarating sa bahay nito.
Huwag lang uulan at mababasa na naman ang aking katawan.
Madilim kasi ang kalangitan iisa lang ang bituin na aking nakikita,tapos iba ang tunog ng hangin.🤭
Anyways, good evening mga ka noisemates.
kumusta po ang lahat dito? ano² po namiss ko?🤣
I miss my little boss.☺️
Puro laro kaya walwal na ang dila.hehe
ang pogi ng baby ko ai, naku kung malapit ka lang sakin napupog na naman kita ng halik.🥰
Hello my dear noisers,
meet my babypupu,my little boss.
ang spoiled batuta ng daddy.🤣
Siya lang sapat na.🤭
#Petlovers
© cjjamer
Langit ka lupa ako
hanggang tanaw nalang ba tayo
mahal kita mahal mo ba ako
hanggang pangarap nalang ba ito
kaya kong gawin ngunit 'di kayang sabihin
ang pag ibig ko sana'y mapansin.
Ang ganda ng langit mga ka noisemates,
kani-kanina lang umulan, namatay pa nga pc ng boss ko.hehe
wala lang share ko lang po.😁
© cjjamer
Hello mga ka noisemates, magandang gabi po.
tahimik ako maghapon kasi naiwanan ko cellphone ko dito sa bahay.🥺
Hindi tuloy ako nakadalaw dito.
wala akong maisip na eshare dito sainyo kaya ito na muna, magpapahinga pala ako ng maaga at pagod ang katawan ko.
kasama na pati ang isipan ko.
Babawi po ako bukas dito,pramis.😊
Good night everyone.
© cjjamer
Lunar eclipse
Ayan na po siya, mas kitang kita po dito sa bahay ko. ang ganda pala niya sa personal.☺️🤭
Hello noisemates! bahay na po ako kadadating ko lang at naki birthday pa ako sa anak ng boss ko.hehe nakalibre ng dinner.😁
Magandang gabi po pala sainyo.
#LunarEclipse
© cjjamer
Unread's
With 's' kasi daghan na kaayo ang aking unread, nagbabawas naman ako pero bakit hindi ko maubos ubos, kahapon pa yan ganyan.🥺
Sumilip po ulit ako dito, habang nag iisip sa pinasasagutan sakin ng boss ko. sa lahat ng ayaw ko ay yung madaming magulong formula....ayoko ko po talaga sa math,mamatay...🤣🤣🤣
Mukha desidido na ang aking boss na ipadala ako sa kabilang planta, pinag rereview na niya ako ng mga settings ng mga products namin. aguy aguy aguy namemeligro ako ngayon.😁
Siya ako'y babatse ulit at may priority na naman akong gagawin. bye for now my dear noisemates. have a great day.😍
#Randomthoughts
© cjjamer
Buwan
Magkaiba man ang hitsura nila iisa lang yan.
First picture ay kuha ko ng 3am mula sa bintana ng aking bahay. paggising ko kasi nakita ko siyang tumatagos ang kanyang liwanag sa loob,kaya naman i took the chance to capture her beauty.( i prepare to call her)☺️ yun nga lang po may rays, i tried so many but still ganun pa din ang kinalabasan kaya hinayaan kona lang po.hehe
Second picture i took a video on her while I'm on our service. masyadong malayo at mababa siya sa aking location kaya ayan ang resulta maliit saka malabo po.🥺
Hindi ko nasilayan yung eclipse,baka tulog pa ako nung nangyari yun. sayang...hehe
Anyways, Good morning mga ka noisemates, ingatz po ang lahat sa maghapon.
God bless everyone.🙏
#Moon
© cjjamer
Late Dinner
Late na po dinner ko kasi gabi na ako nakakauwi ng bahay.kaya naman dumaan nalang po ako ng andoks para bumili ng makakain. 2 rice is not enough pero kailangan magpigil at tutulog pa after kumain.
With kape na may gatas pa pala,para makabawi ng lakas.😁
Mauuna na po ako sainyong matulog mga ka noisemates ko. maaga pa po ang gising ko tomorrow. 3am gising na po ako niyan.🤭
Good night po.😘😘😘
Sa mga nakausap ko today thank you po sa inyong time, nice talking po sainyong lahat.🤭
Kidamlag na sana again.🤣🤭
© cjjamer
Dress
Dumating na din sa wakas yung pina order ko sa lazada. birthday gift ko sa anak ng ka work ko na nag 1year old last3 week pa. yes 3 weeks na bago dumating, katagal ai kaya ayoko ng nag order sa mga online eh nakakainip mag antay...
Hindi ako marunong pumili ng damit pang girls kaya siya na pinapili ko. 🤣🤭
Kaya puro cash binibigay ko sa mga inaanak ko or sa mga pamangkin kk kasi hindi ako marunong pumili ng mga damit.
Maselan kasi ako,yes po maselan ako.🤭
Pero ang tuwa ko pagka receive ko nito binuksan ko po kaagad sabay wasiwas sa labas.😅😅
Pero napatanong ako dito sa mother na ka work ko, sabi ko paano po ito isusuot parang kita ang dibdib nito.🤣🤣🤭
Anyways, sumilip lang po ako dito para eshare sainyo ang kaligayahan ko ngayon.😍
Busy po talaga ako, daming works.🥺
#Gift
#Happy
© cjjamer
Flex ko lang 'tong alaga kong may pagka adik sa labas, bagong ligo gusto ng lumabas.🤣
Ayan siya nagpapacute na, nagmamakaawang ilabas kona, pagkainit sa labas eh hindi na naawa sa balat kong kulay balat kalabaw na.😅
Hello my dear noisers! Good morning.
Busy this past few days, pero siya lang pinagkakabusyhan ko talaga.hehehe
Sakanya palang kulang na ang oras ko.😁
Anyways, daan lang po ulit muna ako dito at busy na po ulit. ingatz po ang lahat.
#Petlovers
#Pupu
© cjjamer
Flex ko lang tong kuha ko sa buwan na may katabing bituin.
Nasa bakuran pa ako ng pinapasukan kong company niyan kasi wala pa yung service namin, naipit ng traffic.
Nakita ko siya pagtingala ko, ang ganda diba.
Btw kadadating ko lang ng bahay, late na sa usual na dating ko dito, dumaan pa kasi ako ng grocery store sa "Dali" sabi nila mura daw kasi bilihin dun. will yeah mura pero wala dun yung ibang hanap at need ko, ayan tuloy kulang ang bitbit ko pauwi. buti nalang may kape,asukal at gatas akong nabili kung wala taob yang Dali na yan.😅
Anyways, magandang gabi po sa lahat. paisa muna bago ako magpahinga.☺️
#Randomthoughts
#Photography
© cjjamer
Good news!
May good news ang boss ko pagkadating ko sakanila kaninang umaga. according to him mas maganda ang result ng audit namin ngayon compared last year. may isa lang daw na sumabit sa part ng safety namin, iisa lang kasi safety officer namin wala siyang katuwang pero complete naman siya ng mga training records niya.
But still maganda na yun kasi madadagdagan ang tagal ng taon na bumalik ulit sila para mag audit dito.hehe
Bet ko sa QA Manager namin below 99 ang score namin ngayon, tapos sabi ko kaya pa po yan ng below 10. 😅🤭
Amputik ang yabang....hehehe
Sabi niya magdilang anghel daw po sana ako, kapag daw po nangyari yun may burger 🍔 ako.😅🤭
Dahil sa balitang yan napa smile ako ng cute, kasing cute ko.hahaha
Post ko po pala ito kanina sakabila, share ko lang po dito wala po kasing maisip.hehe
#Smile
© cjjamer
KAPE
KA-kayanin ko ang lahat
P-uyat at pagod man basta
E-njoy lang.
Para sa family and siempre para sa self lahat yan mapapawi ng isang kape.☺️
Good morning noisy people of noise.app.
Tara kape tayo.😁
#Coffee
© cjjamer
Customer audit is done!
Yung nagbunyi na ang kalooban ko kaninang umaga dahil hindi ako napili ng auditor na one of kakausapin niya.
Chill² na ako sa aking upuan habang ginagawa ang aking trabaho.
Tapos wala silang lahat dito sa lab kasi andun sa meeting nila, ng biglang tumunog ang telephone.
Our manager asking me to come over for the interview. duh 🙄 ang sakit sa lungs biglang nagpumiglas ang puso kong kalmado pagkarinig ko na kasama na ako.
Sabi na eh, naniniwala na talaga ako sa saying na huwag magbunyi ng maaga hanggat ang laro ay ongoing pa.🤣
Ayun ginawa na naman akong pamalit para sa pang finally na iinterviewhin.
Lagi nalang, lagi nalang akong panghugas nila.😁
Anyways, tapos na kaya nakahawak na ako ng phone kaya nakasilip na ulit ako dito.
Hello my dear noisers, bakit niyo naman ako tinatambakan ng napaka daming basahin? natutulog pa po ba kayo? hehe
Isa isahin ko po yan ulit maya, bawas² lang po ka unti-unti matatapos ko din po yan,diba².☺️
© cjjamer
Good morning po sa 145 kung followers 😱
Come on guys let's have some coffee.
Habang nag aantay na maluto yung sinaing ko,ito sumilip ako dito.
After my coffee I'll take a bath na,huhu
Mahina ako sa lamig kaya yung ininit kong tubig isasama ko sa tubig na ililigo ko.😁🤭
Time check 3:17am, nahihirapan pa akong tumayo sa aking kinauupuan para pumasok ng banyo dahil sa lamig na aking nararamdaman.
kung mayayakap lamang kita
lamig sanay hindi na madarama.
Baby ko i need your hugs now.🤣🤣
Kulang kasi ang init ng kape para maapula ang nilalamig kung puso.😁
Ano daw...hehehe siya diyan na po muna kayo liligo lang po ako,late na ako para sa paggagayak ko for my work. bye for now let's catch up again later.☺️
© cjjamer
Hello noisers!
Lagi kong napapansin ang aking unread, ganyan siya lagi kapag nagbubukas ako lalo na kapag matagal akong hindi nakakadalaw dito.
Lagi siyang 99+.😁 pakiramdam ko hindi nababawasan unread ko, nagbabasa naman ako.🤣
Kumusta po ang lahat dito, 3days na naman akong wala. busy this part few days kasi.
Anyways, nakadalaw na po ba ang lahat sa inyong mga mahal sa buhay na nakahimlay na sa kabilang buhay?
Ako po kasi hindi pa nasa probinsiya po kasi sila, kaya sila nalang po pinadadalaw ko sa akin.🤭
Good morning po and take care always po.
Post and run po ulit muna ako dito, busy na po ulit ako. maya nalang ako magbabasa ulit.hehe
© cjjamer
Si Paeng kalang Pato kami.😁😁😁
Ito ang saying ng mga kasamahan ko sa trabaho tuwing may bagyo.
Kahit bagyo kasi may pasok pa din kami.
Sabi nga nila mas nag eenjoy ang mga pato sa ulan dahil lumulutang lang sa tubig.
Pero nakakatakot na ang daan, dahil sa baha at malakas na ulan at hangin.
Sa ngayon nasa loob na ako ng pinapasukan kong company, hindi na ako nangangamba sa aking kaligtasan. pero nangangamba ako sa aking bahay na naiwan na hinahampas ni paeng ng kanyang malakas na hangin at ulan.
pati na din sa amin kung saan nandun ang aking mga magaulang, at mga kapatid na apektado din ni paeng. lalong lalo na ang aking babypupu dahil sa hindi ako komportableng wala ako dun dahil malakas na din ang pagbayo ng hangin at ulan dahil may kalumaan na din ang bahay nila dun.
Haist, ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. ang dami kong winoworry.
Hindi kona alintana ang sakit na aking nararamdaman sa daliri kong napukpok ng martilyo na ngayon ay namamaga na at kulay ube na din. dahil ukopado ang isip ko sa aking mga mahal sa buhay na sinasalanta ni paeng.
pero sana okay lang sila dun.🙏
© cjjamer
Nakabaliktad na ang mga dahon ng punong kahoy dahil sa lakas ng hangin.
Grabe si pareng paeng, magdamag na bumuhos ng malakas na ulan.
Nilamig tuloy ako ng subra kahit damit ko ay double² na. may sando at t-shirt na may uniform at may dalawang jacket pa.
kaya naman tambak lagi ng labada.😁😁😁🤭
Anyways, Ingatz po ang lahat.
Maulan na umaga po.
© cjjamer
Baha at traffic
Ayan na ang epekto ng ulan dito samin, hindi ko alam kung hagip kami ni bagyong paeng pero ang ulan dito ay pabugso-bugso na.
Lalakas at titila parang babae lang kapag may toyo lakas mang trip sa kasintahan.😁😁😁
Perfect ang malamig na panahon sa may mga kayakap at katabi sa higaan, siguradohin lang legal ang tatabihan.🤣🤣🤣
Ansabi, hahaha kung ano² na ang aking nasasabi masaya naman akong walang katabi.hehe
Anyways, Ingatz po dun sa mga apektado ni bagyong paeng, yung kahit bukas pa ang kanyang dating binabayo na niya ng ulan at hangin. huwag lamang niya sanang palakasin dahil kawawa na naman ang lugar kung saan ako isinilang. signal #2 na daw sa amin.🥺
Maulan na hapon po sa lahat.
© cjjamer
Blocked Numbers!
Gaano kadami ang natawag na numbers sainyo, tapos ang pakay lang naman ay alukin ka ng credit card.
Ganito na kadami ang na blocked kong numbers, naiisturbo kasi ang tulog ko kapag natunog ang cellphone ko.
Yung iba sinasagot ko para sabihin na hindi ako interested at sabihin din sakanila na huwag na akong gambalain dahil nakakaisturbo sila ng tulog.
Pero hanggang ngayon natawag pa din, kaya i decided na iblocked nalang sila.
Ikaw ba naman araw-araw tawagan.grrrr
Nakakapag init kaya ng ulo dahil nawawala ang antok ko.
Sabi ng mga kaibigan ko suplado ako sa text or call. madami ng nagsabi niyan sakin.
Suplado lang naman ako kapag hindi ko gusto ang kausap ko at saka ayoko dun sa makulit dahil makulit din ako.😁😁😁
Anyways, magandang gabi noise world!
May 4hours lang akong tulog kanina pero sapat na yun para sa magdamag na puyatan.hehe
Ingatz po ang lahat, nakita ko sa ibang lugar maulan dahil sa hanging amihan tapos meron pang bagyong parating.
Sana lumihis siya para naman walang maapektohan na aking mga kababayan.🙏
© cjjamer
Kung kanina malinis pa ang kalsada, see first picture ngayon ito na siya traffic na see second picture.huhay buhay parang life.
Malungkot ako kagabi kaya hindi ako nakapag share ng moment ko.
Isang masamang balita kasi ang aking natanggap, ang aking babypupu ay masama ang pakiramdam.
kaya ngayon uuwiin ko muna siya para suriin ang kanyang lagay.
Sana lang no need na dalhin sa vet niya, dahil may phobia na siya kapag sinusuri siya.
Panigurado wala na naman akong tulog nito.🥺
Abangan ang sunod na update ko.
Magandang morning pa din po sa lahat.
Ingatz and God bless po.
© cjjamer
Maulan pa din dito samin..
Naka jacket na naman ako sa subrang lamig.
Napakape na din ulit ako.
Ganda ng kulay ng mga dahon ng punong kahoy dito, malamig sa mata nakaka refresh.
Diyan lang ako natingin kapag pagod na ang aking mata,isip at katawan. nakakabawas siya ng stress. kapag ganyan ang view ko, bumabalik ang alaala ko nung kabataan ko. sabay inhale and exhale.😊
Mag midnight na pala, I'm sure ang karamihan ay tulog na. kaya naman isang malamig at matamis na good night sa lahat. sleep well mga ka noisers.☺️
© cjjamer
Maulan na Hapon
Nag commute ako today at naulan, ayokong mabasa ang aking babykuku. 🚲
Pakiramdam ko yung tricycle na aking nasakyan ay maliit, lagpas kasi yung tuhod ko kaya ayan ang resulta basa. para akong lumuhod sa tubigan.😁😁😁
Pero pakiramdam ko parang mahaba lang biyas ng aking hita kaya lagpas. wahahaha
Hello noise world, kumusta ang lagay ng panahon diyan sa inyo? same po ba dito na maulan?
Kahapon na share ko ang kagwapohan ni haring araw. nagtampo ata si reynang ulan kaya ayan siya'y nagparamdam.hehe
Ingatz po ang lahat. God bless us all.
© cjjamer
Ang gwapo ni haring araw 😍
Kuha ko pala 'to kaninang papasok ako sa work.
nasisilaw kasi ako sa kanya diko masyado makita ang daan na super duper traffic na naman.
Always traffic sa pinas, wala ng bago diyan.
Ang bago nalang ay yung nakalimutan ko ng mahalin ka sa paraang alam ko, dahil pinaramdam mong hindi na ako mahalaga sayo.🤣🤣🤣
Ansabi....hehehe wala lang yan mga ka noisers, wala lang akong maisip na sabihin dito kaya ayan emot na naman ang inyong Hugoterong senti pero hindi sawi.😁
Magandang gabi po sa lahat, nakapag dinner na po ba ang lahat? ako po maya² na.hehe
Bye po muna sainyo,post and run po muna ako tonight, maya² na po ako makipagkulitan kapag may time na po.
Busy na po kasi ako kaagad, may mga bilin ang pang umaga na need magawa ngayon.🤭
Kaya babatse po muna ako.
©cjjamer
Bills
Birthday ng erpat ko today,pero dahil sa nagbayad ako ng aking bahay. tagilid ang kanyang inuungot sakin.🥺
It's his 77th birthday.😍
Tatay god bless and good health. yun lang naman po lagi ang aking hiling sa inyo ang kalusugan niyo po. magpasaway na po kayo basta ingatan niyo lang po health niyo kayo po ni nanay.
Nalaman ko pala sa ate ko na sa baptismal ni nanay nung kumuha ng ID niya for señior citizen niya ang birthday po niya is bukas naman oct.24 1947,magkasunod lang sila ni tatay at ahead ng 2year older siya sa nakalakhan kong edad niya.
Ang hirap diba, conflict lahat sa BC naming magkakapatid versus sa baptismal niya.
Alam naming lahat ang birthday niya is Dec.24 1949. sabi ng ate ko wala na kaming magagawa dun follow nalang daw kung ano ang naka register sa aming BC.
Anyways, tatawag nalang ako maya na malalate ang dating ng inuungot sakin ng aking erpat.🤭
Kapag sila talaga ang nagsabi hindi ko sila matiis,kaya kahit masaid ang aking bulsa sige lang basta maibigay ko lang ang kanilang kahilingan.🥺
Hmmmmm napakwento na naman ako sa aking pinakamamahal na pamilya.
Hello noise world, what's up what's up!
Lapit na akong umuwi, makakatulog na din sa wakas. Ingatz po tayong lahat sa maghapon.
#Bills
#77thBirthday
#Thankful
© cjjamer
YEMA
Merienda tayo mga ka noisers, ito lang ngayon kasi naubos kona kanina pagkain ko.huhu
Yung gusto ko ng matulog pero hindi pwede.
Antok na ako kaya ito kain muna ng candy baka maibsan ang antok ko pasumandali.
Dahil walang kape sapagkat nakalimutan kung magdala ng kape.
Hello noise world! kumusta po kayong lahat?
Ito po muna sa ngayon, wala po akong maisip na post po dito. blanko pa po ang isip ko.hehe
Dun po sa mga tulog at tutulog na, Good night po and sweet dreams.😘
© cjjamer
What's up madlang noisers!
Naiinis ako ngayon, kasi ang daming isturbo sa ginagawa ko.😤
Nausok na ang bunbunan ko, tinitiis ko lang.
Anyways, Analyst talaga ang position ko dito hindi taga release ng materials, forms and etc. na need ng production. Ang dami nilang pabalik balik dito sa lab tas upo at tayo ang nangyayari sakin.
Yung hindi pa nag iinit puwet ko sa upuan para gawin ulit ang trabaho ko may mag request na naman ng materials nila. grrrrr
Nakakainit minsan ng ulo lalo na kapag tambak ako, nawawala concentration ko sa ginagawa ko.
Pero no choice,kasi wala naman ibang mag issue.
Kaya kapag ganitong badtrip ako, natigil ako sa ginagawa ko sabay exhale and inhale para pakalmahin ang sarili ko.
Balik ako maya² kapag malamig na po ulo ko.
Magandang gabi po sa lahat.
© cjjamer
Blessing
Thank you po dito noise.app.
Appreciated, kahit minsan lang ako magparamdam dito may blessings pa din po akong narereceive.😍
Nakakataba ng puso.
Kung sino ka man pong random tipper thank you and god bless, more blessing to come.☺️
Hello noise world! Magandang gabi po sa inyong lahat.
kumusta po? ako ito medyo ayos naman, madami pa din ang gagawin.
Gabi² na ata akong ganito, wala ng time mag relax.🥺
Pero ayos lang basta ang importante nakakasilip pa din dito kahit papaano.☺️
Ingatz po lagi ang lahat... good night po sa mga tulog na at good evening naman po sa mga gising pa.hehe
© cjjamer
Madilim na kalangitan
Lumabas ako kaninang madaling araw
sapagkat gusto kong malaman
kung ano nga ba ang dahilan
ng kakaibang lamig na aking nararamdaman.
Tumuloy tuloy pala ang ulan
na siyang dahilan kung bakit naubos ang aking lakas.
Hindi ko kasi napansin na ito ay bumuhos pa
dahil sa focus ako sa aking ginagawa.
Sa kadiliman na aking nakikita
mababanaag ang lungkot sa aking mukha
at may tanong sa aking mga mata
bakit nga ba umuulan nalang bigla?
Dumungaw sa salamin na bintana
upang tingnan ang kalangitan
kung may bituin ba akong makikita.
Sad to say wala, wala kahit na isa.
marahil pati ang langit ay malungkot
sapagkat wala ang mga bagay na sa kanya'y nagpapasaya
sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa mga mumunting bituin na kung ituring ay anak niya na.
Malamig ang simoy ng hangin
kung mayayakap lamang kita
lamig ay 'di na madarama🎶🎶🎶🎶
Kanta na pala yung dulo...😁😁😁
Good morning noise world.
para sa panibagong umaga,thank you lord.🥰🙏
© cjjamer