read.cash Log in
@cjjamer

Si Paeng kalang Pato kami.😁😁😁 Ito ang saying ng mga kasamahan ko sa trabaho tuwing may bagyo. Kahit bagyo kasi may pasok pa din kami. Sabi nga nila mas nag eenjoy ang mga pato sa ulan dahil lumulutang lang sa tubig. Pero nakakatakot na ang daan, dahil sa baha at malakas na ulan at hangin. Sa ngayon nasa loob na ako ng pinapasukan kong company, hindi na ako nangangamba sa aking kaligtasan. pero nangangamba ako sa aking bahay na naiwan na hinahampas ni paeng ng kanyang malakas na hangin at ulan. pati na din sa amin kung saan nandun ang aking mga magaulang, at mga kapatid na apektado din ni paeng. lalong lalo na ang aking babypupu dahil sa hindi ako komportableng wala ako dun dahil malakas na din ang pagbayo ng hangin at ulan dahil may kalumaan na din ang bahay nila dun. Haist, ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. ang dami kong winoworry. Hindi kona alintana ang sakit na aking nararamdaman sa daliri kong napukpok ng martilyo na ngayon ay namamaga na at kulay ube na din. dahil ukopado ang isip ko sa aking mga mahal sa buhay na sinasalanta ni paeng. pero sana okay lang sila dun.🙏 © cjjamer

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.